Zailyn's POV
“Tumigil nga kayo!! Hindi na kayo mga bata para diyan. Hanggang ngayon, hindi parin kayo nagbabago. Kapag sa susunod nating pagkikita, kung ganyan parin kayo tiyak na ikakahiya ko kayo. ”
“Direk naman!! ”
“Ang harsh mo, Direk!! ”
“Joke lang. Oh, paalam na sa inyo huh? ”
Nagwave kami bago nagpagpuntahan sa aming masasakyan. Gabi na pala kaming natapos kumain. Dumiretso kami ni Ian sa sasakyan nila. Papasok na sana kami kaso...
“Rheyo!! ”
“Hey, Chennee. ”
“Can i ride on your car? Because Mom just delivered me here before she go home. ”
“Of course. ”
“Let's go!! ”
Hinila na papasok ni Chennee si Ian sa shotgun seat kaya pumasok na ako sa passenger seat. Tahimik lang ako buong byahe habang kwento ng kwento si Chennee kay Ian habang si Ian ay tawa ng tawa naman sa sinasabi ni Chennee.
Sinusulyapan ko sila minsan at ganoon na lang ang inggit ko kasi ang saya-saya nila tignan. Nasasaktan ako pero kailangan ko yatang sanayin ang sarili ko para hindi ako masaktan pa ng lubusan.
May kumalabit sa balikat ko at paglingon ko, si Ian.
“You okay? ”
Nginitian ko siya ng pilit at tumango. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa mga gusali na aming nadadaanan. Bakit ang tagal ng bhaye?
Pagkarating namin sa school ay agad akong umalis kahit tinatawag pa ako ni Ian. Not now, Ian?
“Miss Vigman, pinapatawag po kayo ni Mrs. Vigman sa kanyang office. Nandoon po ang susuotin niyo mamaya. ”
“Huh? ”
“Miss Vigman, pinapatawag po kayo ni Mrs. Vigman sa kanyang office. Nandoon po ang susuotin niyo mamaya. ”
“Umalis ka na nga sa harap ko!!Paulit-ulit ka!! ”
“Uwahh!! Ang sama niyo po. Alam niyo ba na hindi ako sinisigawan ng parents ko tapos kayo lang pala ang unang sumigaw sa akin. Huhuhu. Isusumbong kita sa Mommy ko. ”
“Edi magsumbong ka, Sumbongera!! ”
Sumama talaga ang timpla ko kani-kanina lang. Ewan ko pero dahil iyon kila Chennee at Ian. Kay sarap sampalin ang magkabilang pisngi niya sa sobrang panggigil ko sa kanya.
Dumiretso na lang ako sa office ni Daisy at bumungad siya na busy sa mga papel na hawak niya.
“Your clothes is in the sofa. Take a bath there behind me that door. And don't forget to brush your teeth. Okay? ”
“Okay. ”
Ganyan talaga siya, nakakainis kasi halos lahat na lang ay idetalye lahat ng kailangan kong gawin. Hello, alam ko naman ang dapat kong gawin kahit hindi niya sabihin.
Ginawa ko na ang mga ritwal na pinapagawa niya tapos pinainom ng gatas. Kung pwede ko lang sabihin na hindi na ako bata para uminom pa ng ganoon, baka sabihin na naman niyang gusto niyang gumanti sa mga araw na wala siya.
“I'm gonna go. ”
“Exact 12 midnight, we'll go home, okay? ”
“Okay. ”
Naiinis ako sa kinuha ni Daisy na damit ko. Pwede namang jeans, T-shirt at rubber shoes na lang pero skirt, chub, at boots ang suot ko ngayon. Agaw pansin tuloy ako.
BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
Любовные романыNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...