Zailyn's POV
Kanina pa ako ditong nakaupo at pinipilit kung ano nga ba ang clue na tinutukoy niya. Napasabunot na lang ako sa buhok ni Zoey na kinina pa kinikilig bahang ka-chat si Daugon.
“Aray naman insan!! Makalayo na nga. ”
Umupo siya sa pinakadulo ng sofa kaya malayo ko na siyang masabunutan.
Small place but all people can hear it.
Small place but all people can hear it.
Small place but all people can hear it.
Ughh!! Hindi ko talaga alam eh. Sana pumayag na lang ako. Wala pa naman akong palusot para hindi niya ituloy ang binabalak niya. Kinuha ko ang unan ng sofa saka binato kay Zoey.
Kita ko ang dilim ng tingin niya sakin kaya napalunok. Lumapit siya sakin at tsaka nakakuyom ang kamao niya. Akala ko ay susuntukin niya ako o sasabunutan pero hinablot niya ang papel ko.
“Ito lang ba ang problema mo ,Insan? ”
Ewan ko kung matatawa o matatae ang reaksyon ng mukha niya ng nabasa ito.Wala sa sariling tumango ako, baka isipin niya na ang tanga-tanga ko naman.
“Hahaha. Studio. ”
“Huh? Studio? ”
“Kung saan nanggagaling ang mga taong nagsasalita kung mayroon silang gustong iparating sa lahat ng mga estudyante. ”
Napatampal na lang ako ng noo. Bakit hindi ko naalala ng may announcement siya?
“Pahingi nga ng map ng school. ”
“Wala eh pero i-demonstrate ko na lang sayo. ”
Nakinig lang ako sa mga sinabi niya. Nagsimula siya sa gate hanggang sa studio.
“Matulog ka na nga. ”singhal ko
“Matapos kitang tulungan papatulugin mo ako. ”
Kunti na lang ay masasabunutan ko na siya. Sino ba naman kasing hundi maiinis eh katabi lang ng cafeteria ang building ng mga studio tsaka iisa lang naman ang building malapit sa cafeteria. Tapos siya, tinuro pa niya sakin ang kailangang dadaanan simula sa gate hanggang sa studio.
“You'll go to sleep or I'll kick you?! ”
“Matutulog na!! Sungit!! Walang utang na loob. ”
Sinimangutan niya ako bago humiga. Pinatay ko na din ang ilaw at isinindi ang lampshade bago matulog. Kaso hindi ako makatulog dahil sa lintik na favor sakin ni Phold.
“Anyare sayo,Couz?Mukha kang adik sa sobrang itim sa gilid ng mata mo at eyebags mo. Hindi ka ba nakatulog? ”
Obviously?! Hundi ko na siya sinagot at lumabas na kailangan kong magmadali bago mahuli ang lahat. 7:00 a.m pa lang ng pagtingin ko sa relos ko. Ang tagal naman nilang mag-ayos?!
Palakad-lakad lang ako pabalik-balik habang kagat-kagat ang kuko ko. Paano kung naiparinig na niya? Tapos sasabihin nila kay Daisy at papahintuin niya ako sa pag-aaral tapos ipapakasal sa Phold na 'yon. Wahh!!! Hindi ko alam ang gagawin ko. May pangarap pa ako sa buhay.
“Huminto ka nga, Couz!! Nahihilo ako sayo. ”
Usal lang ng kakalabas na si Zoey.
“Then don't look at me. Tsk. ”
Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang sinusubaybayan ang paggalaw ng relos. Hindi na ako nakatimpi ng mukhang matatagalan pa kami kanila Daisy at Chennee.
Dali-daling pumunta ako sa pintuan ng para sigawan sila pero agad ko silang nakasalubong. Napahinga ako ng maluwag at mabilis na pumasok sa kotse.

BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
RomanceNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...