Zailyn's POV
“Ano!? ”
“Bakit hindi ka nagpaalam na dito ka pala pupunta? ”
“Ano ka? Tatay ko? ”sarkastikong usal ko.
“No, but... may gagawin pa tayo. Mag-aaral pa tayo, remember? ”
“Duh? Mag-aaral? Nagpapatawa ka ba? Tsaka nanunuod kayo, alangan namang papatayin ko 'yong tv bastusan naman 'yon?! ”
“Are you mad? ”
“Hindi ako putik gago!!Hindi purkit maitim na ako ay putik na ako!! ”usal ko pero bigla na lang napatawa sila pati si Ian na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko sila ng tingin kaya huminto sila.
“Galit ka ba? ”
“Ahhy, hindi masaya ako!! Subrang saya ko nga na halos maiyak na ako sa kakatawa!! Halata na nga lang magtatanong pa!! ”
Sumakay na ako sa bisikleta at pinaharurot pauwi. Naririnig ko ang sigaw niya pero hindi ko na pinansin. Baka masuntok ko pa pagmumukha niya. Pagdating ko sa bahay ay mas lalong uminit ang ulo ko ng makita para baliw na nakangiti si Chennee sa tapat ng pintuan.
“Tabi!! ”sigaw ko pero dinanggi ko parin siya.
“Jealous? ”tapos itinawa pa niya.
“Gusto mo? ”pakita ko sa kamao ko na gusto nang sumuntok.
“Try. ”ngisi pa nito.
Inambahan ko siya ng suntok pero biglang bumukas ang pintuan at makita si Daisy doon.
“Zailyn, what's that all about?! Are you going to hurt your sister again ?! How many times did I've been told you not to hurt her because she's sick but looks what's your doing again?! Don't get near to her tatamaan ka sa akin!! ”inikay na niya si Chennee papunta sa sofa. May kung anong kirot na naman sa dibdib ko ang naramdaman ko pero binawale wala ko na lang.
Pumunta na lang ako sa kusina at tumulong sa paghahanda ng makakain. Dumating din si Zoey sa kusina para tumulong din. Kwento siya ng kwento tungkol sa pinanunuod nila pero hindi ako nakikinig. Maya-maya ay tinawagan na nila sila Daisy para kumain. Yahimik lang kaming kumakain habang si Zoey lang ang daldal ng daldal pero naramdaman niya na siya na lang ang nagsasalita kanina pa kaya tumahimik na lang siya.
Agad kaming pumunta ni Zoey sa kwarto para maligo. Nagsimula na namang magsalita si Zoey kaya hinayaan ko na lang hanggang makatulog ako.
Wala ako sa mood ng magising ako, lagi naman. Kaya naligo na ako lang ako bago bumaba. Kagaya ng nakagawian ko na, magkasabay na naman sina Chennee at Daisy na kumakain. Bumalik na lang ako sa kwarto para gisingin at kasabay kumain. Mahirap siyang gisingin kaya yinugyog ko na lang siya hanggang magising siya na may matalim na tingin sa akin.
“Ganda ng tulog ng tao eh!!”
“Edi tulog ka ulit. ”
“'wag na, ginising mo na ako eh!!”
“Ligo ka na. ”
Ipinagtutulakan ko siya papasok sa cr kahit tudo maktol siya. Sa totoo lang, ginawa ko iyon para hindi ko sila madatnan sa kusina.
Umabot sa kalahating oras ang paliligo niya bago natapos. Agad kaming bumaba at tapos na nga silang kumain. Nandoon sila sa tapat ng gate at naghalikan sa pisngi. Hindi din ba siya magpapaalam sakin? May kung anong kirot na naman sa dibdib ko. Umalis na siya ng marinig kong tumunog ang sasakyan niya.
Tahimik na lang akong kumain pati si Zoey, bad trip din 'ata. Natapos na akong kumain nang dumating si Ian.
Mukhang good mood ang tao kaya napairap na lang ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
RomantizmNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...