Zailyn's POV
"Sabi ko na nga ba, bagay na bagay niya ang maging beauty queen, "
usal ni beki.Nanlalaki ang mata kong tinitignan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, ang---ang ganda ko talaga! Hala, ang hangin ko na. Tumigil ka Zailyn,hindi ka tinuruan ng mamang mo na maging mahangin.
"Tumigil ka nga bakla ka, "saway ni Daisy at maluha-luhang lumapit sakin. "Ang ganda-ganda mo talaga Zailyn. "
"Woah, halos hindi kita makilala sa sobrang ganda mo. Buti na lang malakas ang pakiramdam ko na pinsan kita," manghang usal ni Zoey na nakatingin sakin at halos napapanganga pa.
"Tigilan mo nga ako Zoey," irap ko tsaka umiwas ng tingin, napangiti na lang ako sa puri nila.
"Nakita kong ngumiti ka, free to thanks," tawa nito. Nagitla na lang ako sa sinabi niya, nakakahiya! Agad kong kinuha ang tatlong lukot na tissue na nasa harapan ko at inihagis sa kanya pero nakailag agad siya.
"Ang harsh mo talaga. Pinupuri ka na nga,nambabato ka pa," tampo nito.
"Sinabe ko bang purihin mo ako?!" tanong ko.
"Hindi pero natuwa ka naman," halakhak nito. Nag-init pisngi ko sa sinabe niya.
"Tama na 'yan at mag-lunch muna tayo bago tayo mag-shopping," usal ni Daisy kaya napatingin ako sa relo ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang twelve noon na pala, limang oras akong inayusan!?
Nagtungo kami sa Constellation restaurant , dito madalas nagtutungo ang mga mayayamang tao. Nakakailang lang tingnan ang mga taong mayayaman na pumapasok dito, hindi ako sanay sa lugar na ganito.
"Bakit diyan pa tayo? " atungal ko, takot ako sa mayayaman huhuhu! Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Masyadong sosyal tapos samantalang ako, mga basic utensils lang ang alam ko sa table.
"Bakit naman? Ngayon lang ulit tayo magkakasama kaya pumayag ka na. Sa ganitong lugar ka nararapat honey kaya masanay ka na," tampo ni Daisy.
"Baka kapag nadanggi ko sila at nagalit sila eh baka ipakulong nila ako. Baka mapagkamalan akong magnanakaw dahil sa kilos ko o kaya naman makabasag pa ako ng babasagin. Ang daming kagamitan na babasagin at hindi ako sanay gumamit ng ganyang bagay," hestirikal ko.
"Diba gutom ka na?" singit ni Zoey at tinataasan ako ng kilay.
"Oo. Kasi 'di niyo naman ako pinakain kanina. Pagkagising ko, pinaghanda niyo agad ako," sagot ko.
"Aba'y kasalanan pa namin eh ang late mo na nagising couz tsaka naman pala eh, diyan na lang tayo kasi alam mo ba ang sasarap ng pagkain diyan at may malaki silang crab na malinamnam," kumbensi niya. Nagliwanag ang mukha ko sa sinabe niya na crab! Miss ko na ang ulam na ang alimango na madalas nakukuha ni papang sa pangingisda kaso nga lang di sila ganoon kalakihan.
"Talaga?!" hindi ko mapigilang mapangisi. Naglalaway tuloy ako.
"Oo, tita larga na," hinila na ako ni Zoey papasok at sumunod si Daisy samin.
Pagpasok namin, tama nga ang hinala ko.Lahat ng tao ay mayayaman, sarap hilahin ang mga alahas tapos isangla ko. Tiyak malalaki ang halaga nun hahaha.
"Table for three, please?" usal ni Daisy sa isang waitress na lumapit sa amin.
"This way ma'am," akay nito samin .Ma'am? Teacher?
"Sunod kayo sakin." utos ni Daisy samin kaya sumunod na lang kami.

BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
RomanceNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...