Chapter 3

450 17 0
                                        

Zailyn's POV

Naging mabisa ang plano ko dahil halos mapunit ni Chennee ang librong gamit niya. Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil kay Chennee.Paano ba naman kasi,nang nagsimula na kaming mag-advance learning ay umusod ako ng sobrang lapit kay Ian na halos maghalikan na kami kapag iangat niya ang ulo niya. Halos patayin niya ako sa titig niya pero nag-eenjoy ako. Mamula-mula na nga si Chennee sa galit, kulang na lang na umusok ang ilong niya sa galit. Pero nagtaka din ako kasi pati si Ian ay namumula, yun nga lang ay tainga niya ang namumula.

Nong lumapit nga ako at nakayuko siya ay bigla niyang iniangat ang ulo niya at muntikan na kaming magkahalikan pero buti na lang ay agad akong napalayo, hala!! Natumba pa ang upuan ko patalikod kaya napasama ako, ang sakit nga ng ulo ko kasi tumama ito sa seminto. Pakiramdam ko ay binangga ko ang pader, huhuhu ang bilis talaga ng karma. Buti na lang dahil tinulungan ako Ian na tumayo, siya pa sana ang maggagamot pero sabi ko ay huwag na lang kasi wala namang sugat, bukol lang.

Bumalik kami ulit sa advance learning pero ganoon parin ang lapit ko sa kanya. Hindi ako naiilang kasi hindi naman siya nakatingin sakin at baka magkahalikan kami kung gawin niya ulit iyon. Magkandautal pa siyang magsalita, natatakot ba siya sakin?

*****

"Hayss. Ang saya talaga mag-advance learning, " inat ng braso ni Zoey habang nandito kami sa sala.

Katatapos lang namin mag-advance learning.

"You're right!!! This is my first time joining you in advance learning. I'm really glad to meet you guys, specially you, Zaile, " nailang ako sa ibang klase ang paraan ng pagtingin sakin ni Ian habang sinasabi iyon, parang gusto kong lamunin ng sofa na inuupuan ko. Mali yata ang ginawa ko kanina kasi mas nailang ako sa kanya.

"Ikaw couz? Masaya ka ba? "iba ang ngiti na ipinukol sakin ni Zoey.

Liningon ko si Chennee kung nakikinig pero parang oo kasi ang sama parin ng tingin niya sakin habang hindi nakatingin si Ian sa kanya kasi sa akin siya nakatingin at nilulusaw ako ng bawat titig niya.

"Oo naman lalo pa't ang galing ni Ian na magturo, "ngiti ko na mapang-asar kay Chennee.

"You're good learner too. Actually, i'm wondering if you're consistent honor student from the past few school years, "usal ni Ian at bahagyang nag-isip.

"Oo, laging second rank, "usal ko.

"Woah!! That was nice. You're really intelligent just like your mother, "papuri ni Ian.

"Huwag ka naman ganyan,baka lumaki ulo ko, "pigil na ngiti ko, mabola talaga si Ian at nabola naman ako.

"Malaki na nga ang ulo mo kasi ang talino mo, "dagdag ni Zoey kaya pinanlakihan ko siya ng mata para tumigil."Woah!! Bawal na ba akong magsalita o sumabat kasi nag-uusap kasi kayo ni Rheyo?" harang ni Zoey ng kamay niya sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Shut up!! /Tumigil ka nga!! "sabay naming usal ni Ian. Napatingin kami sa isa't-isa at umiwas ng tingin.

"Parehas kayo ng sinabe pero language lang pinagkaiba, meant to be yeah!! "pumapalakpak na usal ni Zoey. Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko habang si Ian naman ay namumula na naman ang tainga.

"Isa... /One..."sabay ulit kami.

"Ayeahhh!! Pinapatunayan, hahaha"tawa niya pa.

"I surrender, /Ayaw ko na nga, "sabay naming usal at tumayo.

"Saan kayo pupunta? "takang tanong ni Zoey .

"Home, /Room, "magkasunod naming usal.

"Anong gagawin niyo sa school? "takang tanong ulit ni Zoey.

The Rich PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon