Chapter 5

393 11 3
                                    

Zailyn's POV

Hindi ko akalaing may sariling bisikleta pala ako dito sa bahay. Alam lahat ni Zoey kung saan-saang nakalagay. Kulang na lang siguro 'yong mga alahas na binigay sa akin ay alam niya. Sa susunod nga ay ilipat ko na ang lagayan ng mga alahas baka kunin niya at isangla niya.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay at ipinapasuotan ng protective gear daw.

"Linlin, isuot mo na ito kundi mapapagalitan kami ni Madam. Buti nga po kasi pinagbigyan ni Madam si Zoey noon na bumili ng bisikleta mo. "usal ng isang katulong. Mukhang naikalat na sa buong kampon ng mga katulong na gusto kong tawagin nila akong Linlin.

"Ayaw ko nga po, tsaka magaling naman akong magbisikleta kahit one hand o free hand pa. Marunong din ang mag-stunt. "pagmamayabang ko pa.

"Suotin mo na kasi couz.Mapapagalitan ako ni Tita kapag nasugatan ka. "pagpupumilit din.

Mukha ngang ayaw nila akong pagbigyan kaya pinaharurot ko ang bisikleta ko na para bang nakikiragkarera. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero di na ako huminto. Iwinagayway ko na lang ang isa kong kamay. Inilibot ko ang aking paningin sa aking dinadaan at ganon na lang ang mangha ko dahil kasing laki ng bahay namin ang mga bahay dito. Napakalaki at ang gaganda ng mga istraktura.

"Couz, hintayin mo ako."Si Zoey ang tumatawag sakin pero 'di ako huminto,binagalan ko lang sa pagpapadyak ko. Hanggang sabay na kami. "Grabe, ang bilis mo magbisikleta. Sumasali ka ba sa bicycle race? "

Paglingon ko ay nagulat ako nang makitang wala naman siyang suot na protective gear.

"Akala ko ba, gumamit ka ng protective gear? "

"Tinamad akong suotin eh. "palusot niya.

"Sabihin mong gaya-gaya ka lang. "ngisi ko at parang nagulat pa sa sinabe ko, halata naman.

"Hindi ah. "tanggi pa niya.

"Sabi mo eh. "

Pinaharurot ko na ang bisikleta ko. Tawag ng tawag siya sakin pero 'di ko na siya pinansin.

Nakarating kami sa park kung saan ako nagmukmok kamakailan lang. Todo irap sakin ang bruha sa ginawa kong pang-iwan sa kanya. Naupo na lang ako sa swing at iduyan kaunti habang dakdak siya ng dakdak.

"Ang sama-sama talaga ng Vigman na 'yan. Pasalamat siya pinsan ko siya kundi... "atungal niya.

"Kundi ano?"tinaasan ko siya ng kilay at hindi naman siya natinag.

"Wala. Para 'di na ako mainis sa iyo, tara sa kabilang subdivision. "aba't...

"Anong gagawin natin doon? "kunut-noong tanong ko.

"Para makita ko si crush,ayiehh!!!"tili na halos tumirik pa ang mata niya sa kabaliwan sa crush niya.

"Uwi na tayo. "nagsimula na akong maglakad kung saan nakalagay ang bisikleta namin sa silong ng mangga.

"Doon din ang bahay nila Zandrey. "pahabol niya kaya napahinto ako sandali. Sumakay na ako ng bisikleta ."Tara na. "usal ko.

"Uwi na tayo?"nakasimangot niyang usal, imbes naman kung kinaganda niya.

"Sino bang nagsabi sayo na uwi na tayo. "usal ko.

Tumili na naman ang gaga at sumakay na din ng bisikleta niya.

Bale nagpauna siyang magbisikleta kasi alam niya ang daan habang ako? Bagot na bagot sa kanyang nakasunod.

"Here we are! "masigla niyang usal.

"Ganito lang? "asar kong tanong. Kasi naman walang katao-tao.

Magaganda din at malalaki ang mga bahay gaya doon sa amin.

The Rich PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon