Cont. of Hana's POV
Ugh. Isang linggo na kaming naglalakad at naghahanap pero wala pa rin talaga. Hindi naman kaya?...... Aish! Erase erase. Ayoko mag-isip ng negative.
"Hindi pa rin natin sila nahahanap."
"Kaya nga eh. Pero please wag tayo mag-iisip ng mga negative."
Sa paglalakad namin, marami na rin kaming naka encounter na zombie. Yung iba kakilala ko pa. Kaya kahit zombie na sila, parang ang hirap pa rin pumatay. May natanaw na akong sm eh. Hindi ko lang alam kung saan. Pupunta sana kmi dun pero may bunch of zombies na papunta samin. Kahit gaano karami bala namin, hindi namin sila mapapatay! Sobrang dami kaya! Pag nilabanan namin baka kami pa yung mamatay imbis na sila.
"Shit."
"Shit ka dyan. Takbo na!"
Tapos hinawakan niya yung wrist ko at tumakbo. Ang bilis pala manakbo neto, runner ka ba? Medyo nakakaladkad na nga ako eh.
"Teka!"
"Wala ng teka, mamaya ka na mag pahinga."
Sa medyo tagong lugar lang kami nakapag tago. Nakakataranta kaya!
"Yan."
Nagpahinga kami saglit dun. Pero parang iba yung feeling sa likod namin, malamig na ewan. Tapos may small deep growl. Lumingon kami sa likod namin and.... Fuck, may zombie. It's going to bite my head. Gahd, save me please! >.<
*BOG!*
Ha? Ano yon? Tapos biglang na knock out yung zombie. Anyareee? Hindi si Haji yung pumatay, iba eh. Pag bagsak ng zombie, nakita namin kung sino and...... gahd, sila Hajime, hindi nila kasama si Shinji pero may kasama silang babae.
"Thank God at nagkita kita na rin tayo!" Sabi ni Hajime sabay tanong.
"Sino siya?"
"Siya si Haji. Naalala mo yung bahay kung san tayo nagkahiwalay? Siya yung nakatira dun. E siya? Sino siya?"
"Ah, si Denise."
"Si Shinji nasan?"
"Kase...."
Tapos kinwento niya..
Hajime's POV
Another survivor, tatlo na kami. Ako, Shinji at Denise. Sana mahanap na namin si Hana. E kaso habang naghahanap kami, may mganaka encounter kaming zombie. Na sa sobrang dami, hindi namin sila kayang patayin. Pag nilabanan namin, mamatay lang kami. Kahit anong dami ng gamit namin. Luging lugi kami eh. Hinahabol na naman kami ng mga zombie, at hindi namin alam kung saan kami tatakbo. Nakaktaranta kaya.
"Shit! San tayo tatakbo?!" Sabi ko. Ang dami kasi, hindi na namin alam kung saan kami tatakbo. Isang maling galaw namin, patay kami.
Si Shinji, ayaw tumakbo. Naka steady lang siya sa kinatatayuan niya. Abnormal ba to? Suicidal lang kuya? Gusto atang mamatay.
"Shinji! Ano ka ba! Halika na!"
"Umalis na kayo." Ang serious ng facial expression niya. Seryoso ba to?
"Shinji ano ba?! Wag ka ngang mag biro!"
"Hindi naman ako nagbibiro eh."
Tapos nag chuckle siya. Naka smile siya samin. Shit ayoko ng mga ganitong scenario. Nakakainis yung smile niya, yung smile na akala mo walang danger na naghihintay.
"Shinji! Ano ba!"
"Ano ba ka rin! Mauna na kayo, layas na dito! Hahaha basta mag-iingat na lang kayo. Dapat mahanap nyo si Hana. Dapat maka survive kayo ha? Pag nahanap nyo siya, pakikamusta na lang ako. Infected ako. Wala nang pag-asa para sakin. Kaya ako tahimik lang kanina. Na scratch ako ng zombie na na encounter ko bago pa lang tayo magkita-kita. Siguro dahil scratch lang kaya ang tagal ko bago maging zombie."
"Hindi yan totoo. Halika ka na Shinji!"
"This is reality. Mauna na kayo. Kailangan nyong maka survive. It's too late for me."
Tapos nag wink siya samin. Hanggang sa na chase siya ng mga zombie at sinimulang kainin.
"Shinji!!!!"
End of Hajime's POV
"Hindi nga rin kami makapaniwala na gagawin nya yun eh. At mas lalong di kami makapaniwala na una pa lang infected na pala siya. Kaya siguro ang tahimik niya tapos walang kibo. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya."
Whoa. Hindi ko rin akalaing all the time infected na pala si Shinji.
"Uy. Move on na tayo sa pangyayaring yon. Ang sabi niya samin, dapat mahanap ka namin at maka survive tayong lahat. At nahanap nga namin kayo."
Move on Hana. Infected siya. Wala na ring magagawa kung kasama pa rin namin siya ngayon Move on move on. Kailangan nyo ngayon ng plano para makaalis na ng tuluyan sa lugar na to. Di kami pwede mag stay dito.
"May plano ba kayo?"
"Ang dami. Kaso walang natutupad. Puro palpak."
Sabi ni Haji, pero totoo naman yung sinabi niya eh. Kaya sumang ayon ako.
"Kaya nga."
Pero siguro naman may magagawa na kaming plano? Kasi madami na kami.
"Tara?" Sabi ni Kenji.
"Tara."
This time, hindi na kami maghahanapan. Hahanap na kami ng daan palabas sa lugar na to. Papunta sa safe place. Pero yung unang lakad namin, malas! Dead end yung daan na tinahak namin.
"Shit. Dead end."
"Badtrip naman!"
"Badtrip talaga!"
"Shh. Quiet."
Sabi ni Haji tapos sumilip siya dun sa likod nung dead end. May bakod kasing nakaharang dun. Pag silip niya, bumaba siya agad.
"Ang daming zombie."
Dahan dahan kaming lumayo dun sa may bakod. Aba mahirap na pag nakita nanaman kami. Mahabang takbuhan nanaman for sure.
"Nakakaasar na. Lahat na lang ng puntahana natin ayaw ata satin."
"Try natin yung daan na yun."
Dun naman kami naglakad. Ang dulo nung kalsada, another dead end.
"Bwisit! Puro dead end na lang ba?!" Sabi ko.
"Try kaya natin pasukin tong dead end? Malay natin may daan dito palabas sa lugar na to."
Pwede din. Sinilip ni Kenji kung may mga zombie. Thank goodness at wala naman. Inakyat namin yung bakod tapos nilakad namin yung pathway. Hindi lang namin alam kung saan papunta yun. Papunta ata sa bundok to. Bundok nga ba? Dunno.
"Papunta ata sa bundok to e." Sabi ko.
"Bahala na. Armado naman tayo eh."
May mga bahay bahay din kaming nadaanan. Siguro nakaka ilang kilometro na kami pero tuloy tuloy pa rin yung daanan. Mukhang mahaba pa e.
"Gagabihin nanaman tayo."
Kaya nga eh. As usual, humanap muna ulit kami ng lugar na pwede kaming mag rest. Dun nanaman kami nagpalipas ng gabi.
"Lagi na lang ba tayong ganito?"
"Hindi naman."
Sabi ni Kenji. Tapos tinawanan niya ako, hindi niya ba alam na seryoso ako?! Haist. kabadtrip kausap. Tumanaw ako sa bintana. Ang ganda ng langit, akala mo walang kaguluhang nangyayari. Haist. Ako ang unang nakatulog sa kanila, puyat ako eh. Pero may biglang kumalabog sa pinto nung tinutuluyan namin kaya naalarma kaming lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/1657426-288-k13038.jpg)