Ayun nga, may narinig kaming malakas na kalabog diba. Kahit sino naman siguro na nasa sitwasyon namin matataranta diba? Nataranta kaming apat, hinanap namin kung saan nanggaling yung malakas na kalabog na yun. Bawat kwarto tinignan namin.
"Nakita nyo ba?" Sabi ni Kenji.
"Wala kaming nakita eh."
Tapos mamaya naramdaman ko na may something na nasa likod ko. Pakiramdam ko zombie yun e. Bayolente na akong tao kaya dahan dahan akong lumingon tapos hinampas ko agad ng hinampas, sobrang takot yung naramdaman ko eh.
"Aray! Aray ko! Ano ba!"
Ha? Aray?
"Huy Hana, kalma! Hindi yan zombie! Tao yan!"
Aish. Pahiya ako dun ah. Mukhang nasaktan ko talaga siya. Tae nakakahiya.
"Uy, sorry ha? Sobrang natataranta kasi ako e. Akala ko kasi zombie. Sorry talaga." Masyado ka kasing bayolenteng tao eh.
"Okay lang, naiintindihan kita."
"Kelan ka pa dito sa police station?" Tanong ni Kenji.
"Kanina lang, wala kasi akong ibang matakbuhan kanina. Eto na yung pinakamalapit."
"Kung gusto mo sumama ka na lang samin." Sabi ko.
"Kung okay lang sa inyo."
Umo-o kaming lahat. Okay lang naman kasi talaga. Nakakakunseysna kung iiwan namin siya dito unless kung infected sya. Saka ayos yun, nadagdagan nanaman kami ng isa. Mas malaki yung chance na makakaalis kami ng buhay sa lugar na to.
"ANo nga palang pangalan mo?"
"Kyle."
Cool name, tuwang tuwa pa nga ako sa pangalan na Kyle. Ewan ko kung bakit. Ay, yung radyo nga pala na nakita namin! Puro ako landi eh.
"Uy, yung radyo nga pala!"
"Aish, oo nga."
Tapos si Kenji yung nag lead. Sumunod kami sa kanya, babalik kami para asikasuhin yung radyo pero may nauna na samin sa loob.. may naunang zombies sa loob. Nasa mga 9 siguro na zombie yun.
"P-pano yan nakapasok dito?"
Walang nakinig saken, tulala lang sila.
"Takbo!"
Tumakbo kami para humanap ng matatguan. Madali naman kaming nakahanap, ang problema lang namin, pano kami makakahingi ng tulong kung nakakulong lang kami dito? Bwisit kasi na mga zombie yan eh.
"Ayos *ingal* lang ba *hingal* kayo. Wala bang nakagat sa inyo?" Sabi ni Hajime.
Buti naman at walang nakagat samin. Jusko tama na, sana wala ng malagas samin. Sana naman fixed na kami. Or sana mas madagdagan pa.
"Kailangan natin ng plano. Hindi pwedeng nakaupo lang tayo at maghihintay ng tulong. Dahil walang dadating. Mamumuti mata natin kakaantay dito." Sabi ni Hajime.
"Sino dito yung kayang mag panggap na zombie?"
"Ako." Sabi ni Kyle.
"Ako, sasamahan ko siya." Sabi ko. Hindi namang pwedeng si Kyle lang mag-isa, masyadong kumplikado at delikado yun.
"Okay, ganito....." Inexplain samin ni Hajime yung gagawing plano. Ang gagawin daw namin ay magpanggap na zombie tapos diretso dun sa office kung saan nandun yung radyo. Ang kailangan na lang namin ay make up. This shit is funny pero may nakuha kaming make-up kit sa isang locker. Ewan ko, ang alam ko kasi puro lalaki lang ang pulis na naka destino dito sa stasyon na to e. Una kong naisip ay may baklang pulis. Pero naisip ko rin na baka may mga babaeng staff na nagtatrabaho dito. Weird mindset lol.
Total si Denise ang babae, sa kanya kami nagpa make up ni Kyle...
"Pwede na ba yan?" Sabi ni Denise.
Tumingi kami sa salamin. Miski ako nagulat sa itsura ko, para akong binudburan ng dugo. Wahahaha.
"Cool nga eh." Sabi ni Kenji.
"Ngayon, san kami lalabas ni Hana?" Sabi ni Kyle.
"Bulag ka dre? Ayun yung isa pang pinto oh." Sabi ni Hajime tapos tinuro niya.
"Ay sorry."
Medyo kinakabahan ako pero kaya to. Mas nakakatakot naman kung hinayaan namin si Kyle mag-isa. At least may kasama akong mamamatay just in case.
"Kaya mo ha?"
"Oo naman."
Lumabas na kami dun sa tinataguan namin tapos naglakad na parang zombie. Mukhang effective naman, hindi nila kami inaatake. Hindi rim sila tumitingin. Mga uto uto rin pala mga zombie. Narating agad namin yung kwarto tapos pagpasok namin, sinara namin ng mabuti yung pinto.
"Asikasuhin na natin to. Dali!"
Medyo na te-tense ako, ako kasi yung look out tapos si Kyle yung mag-aasikaso nung radyo. Ayoko ng ganito.
"Kyle, dali. Dumadami na sila sa labas." Sinabi ko nang pabulong.
"Oo, wait lang, malapit na."
10..
9..
8..
7..
6..
5..
4..
3..
2..
1..
"Yun! Meron naaaa!"
Nakuha na ni Kyle yung tamang frequency para makahingi kami ng tulong. Narinig ko na nagsasalita na yung sundalo sa kabilang linya. Tinatanong niya na kung saan yung exact location namin. And then biglang........... BROWN OUT.
"Oh my God!"
"Shit! Hana nasan ka?" Pabulong lang yung conversation namin.
"Dito malapit sa may locker."
Tapos nangapa ngapa si Kyle hanggang sa makapa niya na ako. Kaso. Ang panget ng spot ng nakapa niya sakin. Wanna know what? Accidentally niyang nakapa yung ano ko.. you know. Oppai >_<
"Kyle ano ba!" Binatukan ko siya sa sobrang inis ko. Pero sa balikat tumama yung pag batok ko kasi nga madilim. Di ko makita
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Di ako ganung klase ng tao."
Anyway alam kong di naman taoaga sadya. Pero shit talaga. Mahihirapan kaming makalabas neto.
"Mukhang kailangan natin dito matulog. Delikado kung lalakad tayo e. Madilim masyado." Sabi ni Kyle.
Kaya nga, mukhang kailangan namin dito magpalipas ng gabi. So ayun, nagstay kami dun hanggang magdamag. Ako, hindi nakatulog. Natatakot ako e. Baka pag natulog ako bigla kaming mapasok ng mga zombie dito. Medyo awkward lang kasi kahit tulog si Kyle, magdamag din niyang hawak kamay ko. Nung umaga na, nakita namin yung napakagulong lugar na to. Napaka creepy na ng itsura dahil sa mga zombie. Wala na yung mga zombie sa labas, edi binalikan na namin sila Haji.
Pagbalik namin dun...
"Anong nangyari dito?"
May mga bloodstains kasi sa sahig.
"Si Denise, nung nag brown out lumabas siya bigla. Nataranta siguro. Tapos narinig namin siyang sumisigaw. Ayun na pala, kinakain na pala siya ng mga zombie."
Nanghina yung tuhod ko nung narinig ko yun. Nakakalungkot, bawas nanaman kasi kami. Eh samantalang hiniling ko na sana hindi na kami mabawasan.
"Kailangan na nating umalis dito. Masyadong delikado pag nagtagal pa tayo eh."
Umalis na kami dun sa police station at naglakad. Si Kyle alam yung lugar kaya alam niya yung daan paalis. May natanaw kami mula sa malayo, nung palapit na ng palapit, nagulat kami at nagkahiwa-hiwalay nanaman...
![](https://img.wattpad.com/cover/1657426-288-k13038.jpg)