Hajime's POV
Ang huli ko na lamang na naalala ay nung tumalon ako para suportahan si Hana sa pagbagsak niya. Di ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong tumalon eh. Para bang may sariling utak tong katawan ko. Pero kaysa naman sa mapahamak sya. Edi magririsk na lang ako. Medyo nahihilo pa ako nung nagising ako. Takte naman kasi, may kataasan kaya yung binagsakan naming dalawa.Hahaha Nakita ko siya na gising na at kausap si Shaira. Tingin ko kinekwento ni Shaira yung nangyari. Psh, daldal talaga ng babaeng to kahit kailan.
"Ano tol okay ka na?" -Haji
"Medyo okay na. E siya (si Hana)?"
"Ayun, okay na din naman. Mabuti na lang at galos at pasa lang natamo niyo. Parang magic nga na wala kayong nakuhang broken bones or anything na matindi eh." -Haji
"Gago, hindi yun magic, milagro yun."
"Ganun na din yun eh. Aarte ka pa eh. Bwahaha." -Haji
Napaka weird talaga ng taong to, nakaka asar. Lalapitan ko sana siya pero hindi pa ako masyadong makagalaw dahil sa masakit nga katawan ko.
"Arayy."
"Tanga kasi, di ka pwedeng gumalaw. Magpahinga ka na lang dyan." -Justin
Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabi niya. Wala talaga eh. I can't move my body. Maybe nabugbog sa taas ng pagbagsak namin.
"Kelan tayo aalis dito?"
"Pag okay na kayo. Hindi tayo pwedeng umalis dito ng ganyan ang kondisyon niyo. Mahihirapan kasi kayo gumalaw galaw." -Haji
Buti na lang kahit trapped kami sa rooftop ay hindi kami tag gutom. Nakapag dala pala sila Justin ng mga pagkain mula doon sa convenience store na tinambayan namin saglit. Inabutan niya kami isa isa tapos nagsimula na kaming kumain. E tamang tama gutom na gutom ako, rinig na rinig ko yung mga anaconda ko sa tiyan na nag-aaway away na eh. Okay, ang korny ng joke ko. Ilang araw din siguro kaming na trap doon sa itaas ng rooftop dahil nga nagpapagaling pa kami ni Hana. Mga 3 days after, nagsimula na kaming maghanda dahil aalis na kami. Sakto din yung pagkain, nakisama. Ubos na sila ngayon. Dahil sa katakawan ni Hana. Joke.
"Wala naman sigurong zombie dito no?" -Hana
"Wag tayong dumaan diyan, dito na lang."
Sabay turo nung hagdanan sa gilid ng building.
"Okay yan. Wala naman zombie sa baba e." -Justin
Ang unang bumaba ay sila Justin at Kenji. Ang sumunod ay si Haji at Shaira. At ang huli ay ako at si Hana.
Yungf kabog ng dibidib ko: _/\___/\__/\_/\_/\_/\/\/\/\/\/\/\/\
Ewan ko ba kung bakit ganun kalakas yung kabog ng dibdib ko. Nabadtrip lang tuloy ako."Uh.. Hajime?" -Hana
"Ano?!"
Nasigawan ko pa tuloy siya.
"Wag ka ngang masunget! Gusto ko lang naman mag thank you eh." -Hana
"Anong gagawin ko sa thank you mo?"
"Bwisit ka din eno? Ako na itong nagpapasalamat tapos ganyan ka pa?! Bahala ka nga dyan!" -Hana
Akmang tatakbo na sana siya pababa ng hagdanan pero hinawakan ko siya sa braso niya.
"Wag kang manakbo! Madulas ka pa e. Kunsensya ko pa."
Kumalma naman agad siya at hindi na tumakbo pababa.
"Tama na yan. Pwede naman sa kwarto na lang yan pagkatapos ng apocalypse na to eh." -Kenji
"Gago!"
Ako: O____O
Hana: >////<
"Sa kwarto pwede naman kayong mag usap! Patapusin muna kasi ako! Green kayo eh. Bwahahaha! Dalian nyo na nga lang pagbaba dyan. Kamatis na yung katabi mo oh." -Kenji
Ang tinutukoy niyang kamatis ay si Hana. Ampula na kasi ng mukha. Nauna syang bumaba kesa sakin. Tumakbo na kasi talaga siya. Hahaha. Pagbaba namin, nag-aaway naman sila sa direksyon na dadaanan namin..
"Sa kanan nga kase!" -Kenji
"Sa kaliwa nga!" -Justin
"Kanan!" -Kenji
"Kaliwa!" -Justin
"KANAN!" -Kenji
"KALI--" -Justin
Na interrupt siya sa sigaw ni Hana..
"Mag jack-en-poy nga kayo! Gulo nyo eh." -Hana
Mga uto utong bata, nag jack-en-poy nga. Si Kenji nanalo.
"Sabi sayo kanan eh." -Kenji
"Edi kanan!" -Justin
Bwahaha pikuning bata eh. Tutal si Kenji nanalo. Siya yung naglead samin. Limang footsteps ang distansiya niya samin. Tapos bigla siyang lumiko sa at hindi na namin siya nakita. Maya maya ay nakita naming tumatakbo pabalik si Kenji samin.
"KALIWAAAAAA!" -Kenji
"HA? Ano daw?" -Hana
Nakarinig kami ng mga ungol... ng mga zombie.. May grupo ng zombies na papunta sa direksyon namin.
"T-t-t-t-TAKBOOOOOOOO!" -Hajime
Nataranta kaming lahat at syempre... Tumakbo na kami.. Sinusundan lang namin si Kenji eh.
"D-d-dito!" -Kenji
Sa isang cupboard kami nagtago. Yung cupboard ay parang isang kwarto. Kwarto? Parang Harry Potter lang ah?
"SHHHH...." -Kenji
Nakita namin na dumaan yung mga zombie, dire direcho lang sila. Bunch of stupids. Tatanga lang.
"Ang tanga, hindi nila tayo nakita?" -Haji
"Gago ka ba? Anong gusto mo? Makita nila tayo? Gusto mong maging pagkain?!"-
"Oo nga no? Hehe sorry na babe wag na highblood" -Haji
"Babe mo mukha mo!"
Aish, weird talaga netong tao na to. Minsan ang sarap patayin eh.
"Ano? Labas na tayo?"-Justin
Lalabas na sana kai pero napansin ko na may isa pang pinto.. may markang x kasi sa pinto.
"Tignan nyo to." sabay tinuro ko sa kanila.
"Tapos?"-Kenji
"Buksan natin." -Hana
Promotor talaga tong babaeng to. Siya yung nagbukas.. tapos..
....nagulantang kami sa nakita namin..
![](https://img.wattpad.com/cover/1657426-288-k13038.jpg)