Nathan's POV
Wow, nagkaroon na din ako ng POV. Perstayyyym ata to? Hahaha ewan. Back to reality, nabulabog kami sa pag tulog dahil may malakas na kalabog na nanggaling sa baba. Nag decide kami ni Hajime na kami na lang yung bababa. Kinakabahan ako, parang pakiramdam ko may hindi magandang naghihintay sa amin sa baba.
"Dat maging alerto tayo."
"Alam ko." -Hajime
Hala? Ang sungit bigla? Pagbaba namin sa first floor, nag-ikot ikot muna kami para hanapin kung saan nagmula yung malakas na kalabog.. Tapos mamaya, may narinig kaming umiiyak.
"Naririnig mo yun?"
"Oo, di ako bingi eh." -Hajime
"Pilosopo."
Napakapilosopo talaga nito kahit kelan.. Bata pa lang to pilosopo na eh. Tss.
"Nathan, nanggagaling doon yung iyak." -Hajime, sabay turo doon sa pinto sa dulo..
Nilapitan naming dal'wa yung pinto, pinakiramdaman muna naming dalawa. Mahirap na no. Ayokong makain dito. Tapos, binuksan niya yung pinto. Madilim doon sa loob ng kwarto, e buti na lang at may dalang flashlight si Hajime. Pagbukas niya ng flashlight....
"AAAAAHHHHHHHHH!" -Kami
Nagulat kami dahil may isang batang babaeng duguan sa loob ng kwarto, siya ata yung umiiyak.
"Okay ka lang ba?"
Weird na tanong. Umiiyak na Hindi siya sumasagot, patuloy lang siya sa pag-iyak..
"Baby girl, okay ka lang? Bakit ayaw mo magsalita?"
This time, nagsalita na siya...
"Kasi po..... *sniff* nakagat po *sniff* ako ng zombie.." -Bata
Nagulat kami ni Hajime sa sinabi ng bata. Nakagat siya, that means.... later on... she'll become one of them..
"Do we tell her?" -Hajime
Pa english english pa eh.
"No."
"*sniff* Magiging kagaya po ba nila ako? May nagsabi po kasi sakin na pag nakagat daw po ako, magiging kagaya daw po nila *sniff* ako." -Bata
"D-don't worry, hindi ka makakagat. Hayaan na muna nating gamutin yang sugat mo, tapos matulog ka na ha?"
Ginamot muna namin yung sugat niya tapos pinatulog namin siya.. Hindi ko or namin kaya pumatay ng bata. Iniwan na lang namin siya doon pero nagising siya... at as expected, zombie na siya. Nagulat ako kay Hajime dahil akmang babarilin niya yung bata.. pero hindi niya rin nagawa at na drop niya yung baril. Ang ginawa namin ay tumakbo na lamang pabalik sa guest room.
"Ano yung kumalabog sa baba?" -Sila
"Batang zombie." -Kami
"Wala. Hindi namin kayang patayin eh. Iniwan na lang namin dun sa baba." -Nathan
"Kawawa naman yung bata." -Hana
Ngayon, hindi na kami natulog, inantay na lang naming mag umaga dahil halos lahat naman ay nakapag bawi na ng lakas... pwera sa kapatid ko. Tulog mantika talaga tong batang to kahit kailan.
End of Nathan's POV
Hajime's POV
Kami nga ni Nathan yung bumaba para icheck kung ano yung nagdulot ng malakas na kalabog na narinig namin. Habang naghahanap kami sa baba ay nakarinig kami ng iyak, iyak na parang humihingi ng tulong.. Nahanap namin kung saan nanggagaling yung iyak. Sa pintong iyon, sa pinaka dulo. At nang buksan namin yung pinto, isang batang babae ang bumungad samin..
"Kasi po..... *sniff* nakagat po *sniff* ako ng zombie.."
Nakagat daw siya ng zombie, at oo, kitang kita naman yung bite mark eh. Pero, hindi iyon.. Ano yun? Pag naging zombie siya, papatayin namin siya? Ang ginawa na lang namin ay ginamot yung sugat niya at pinatulog siya.. Lalabas na sana kami pero bigla siyang bumangon, this time ay zombie na siya. Hindi kayang barilin ni Nathan.. So, ako na lang ang gumawa.. Pero... Hindi ko rin kaya.. Nabitawan ko lang baril. Tumakbo na lang kami at kinulong siya sa loob.Hindi ko siya kayang barilin, because she reminds me of my little sister, si Xyreen na namatay din dahil sa kagat.. Kagat naman ng aso, naulol kasi yung aso eh. Naglalaro siya nun, yun, sinakmal siya. Pero naka move on na kami dun, tanggap na namin na angel na siya ngayon. Back to reality. Bumalik na kami ni Nathan dun sa guest room tapos ano pa nga ba? Tinanong nia kung nakita daw ba namin or ano daw yun.. Ayun sinabi namin na batang zombie. Lahat sila gising na.... Pwera kay Hana.Tulog mantika talaga kahit kailan. Tss. Tinignan ko yung oras, 5:23am na pala.. Malapit nang magliwanag, aalis na din kami dito. Tapos may babagsak nanaman na bomba mamaya. Para silang mga tanga eh, hindi muna kasi inaalam kung may survivor pa. Tingin ko hindi lang naman kami ang mga survivor dito eh. Hahaha. After 2 hours, nakarinig nanaman kami ng pagsabog..
"Hindi na talaga tayo ligtas sa lugar na to." -Kua Zeke
Nag impake na kami ng mga useful na gamit at ng pagkain tapos ay umalis na. Pagkakaalm nyo diba napasok ng maraming zombie tong bahay? Paano kami nakalabas? Simple lang.. Ang tatanga ng mga zombie. Wahahahaha!Okay ako lang natawa. Lahat kami okay na pwera lang kay Hana, tulog pa din. Natawa kami nung binato siya ng kuya niya ng nakuha naming ulo ng zombie.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!" -Hana
"WAHAHAHAHAHAHAHA!" -Kami
"Ang sama nyo!" -Hana
"Tulog mantika ka kasi. Alam kong di ka namin magigising ng simpleng galaw lang. Hahaha!" -Nathan
Eto nanaman siya, nagpa pout. Ang kokorny ng mga babaeng nagpa pout. Pagbukas namin ng pinto..
There's a horde of zombies, coming for us...
[A/n: Picture ni Nathan sa side]
