Hana's POV
Anim na lang kami. Na deadz kasi si Kyle e. Malay ba naming infected na pala siya. Di kasi nagsasalita.
"Di nyo ba alam?" -Haji
"Ang alin?" -Kami
"Christmas na." -Haji
"Yun lang naman pala-- HA?!" -Ako
Dafuq. Christmas na?! Ang bilis! So, ganun na pala kami katagal na nandito sa impyernong to? Inabot na kami ng pasko pero di pa din kami makaalis alis dito. Rawr. Tapos susunod new year na. Grabe.
"Grabe, wala na bang katapusan tong apocalypse na to? -Shaira
"Meron naman siguro." -Ako
"Na traffic lang." -Kenji
"*fake laugh plus poker face*"
"Problema mo?" -Kenji
"Wala!" -Ako
"Sunget!" -Kenji
"Lagi na lang kayong nag-aaway. Siguro may gusto kayo sa isa't-isa." -Haji
"Over my dead and rotten body!"
"Pa english english ka pa dyan e." -Kenji
"Tama na nga yan. Dapat umalis na tayo dito." -Justin
"K."
Eto nanaman kami, walktrip nanaman. Walang katapusang walktrip. Malayo layo na rin nalalakad namin, walang zombies. Di kaya naubos na sila?
"Ang daming zombie!" -Kenji
"Asan?! Asan?!" -Ako
"Joke lang." -Kenji *habang tawa ng tawa"
"Kung nakita mo lang facial expression mo Hana." -Hajime
"Grabe! Nakakatuwa biro mo!"
*sabay walk out*
"Hana! Wag kang lumayo!" -Kenji
Wala akong pake sayo! Wala akong pake sa zombies na makaksalubong ko. Basta alam ko nakakabadtrip ka! Nakakabwisit siya. Kala niya laging biro lahat ng bagay e. Tch.
End of Hana's POV
Kenji's POV
"Hana! Wag kang lumayo!"
Hindi niya ako sinagot, lalo pa niyang binilisan ang lakad niya papalayo sa amin. Tae talaga yung babaeng yun, hindi mabiro.
"Kenji naman kasi. Yan tuloy, maghahanap nanaman tayo." -Haji
"Malay ko bang walk out queen na siya ngayon?" /
Ako pa sinisi nila. Pero sabagay, kung hindi ako nagbiro, ed nandito padin siya ngayon. Pero kahit na, joke lang naman yun e. Hindi niya kailangang mag walk out ng ganun.
"Sundan natin yung dinaanan ni Hana." -Hajime
"Tara." -Sila
Tapos naglakad kami papunta sa kung saan man siya dumaan. Hay, medyo nagui-guilty tuloy ako.
"Ang tahimik mo." -Haji
"None of your business."
Bitter ba? Di ko kasi mayadong feel si Haji e. Nawi-weirduhan ako sa kanya.
"Guys, diba kay Hana to?" -Justin
May pinakita siya samin na item... Necklace ni Hana. Nakaramdam ako ng kaba pero agad kong binura yun. Ayokong mag isip ng negative.