Sinet up nila yung radyo, nagbabakasakaling maka hingi kami ng tulong.
"Hello?"
May sumagot! May sumagot! Thank you Lord! Sana naman matulungan kami!
"Uy sino si Roger?" Sabi ni Kenji.
Lahat kami tumingin sa kanya..
"Joke."
Lahat kami nakatingin pa rin. Ang corny ng joke niya eh. Alaws kwenta. Hahaha ang sarap asarin eh.
"Bat ba kayo nakatingin saken? Intindihin nyo kaya yan?!"
Tapos tinawanan lang namin sya and then balik ulit yung atensyon namin dun sa radyo.
"Hello! Sir! Tulungan nyo kami!"
"Hold it.. nasan kayo? Saang lugar yan?"
Tapos sinabi niya kung nasan kami, lintek ang daming tanong. Nakakabagot tuloy!
"Okay okay. We're on our way."
"Lintek naman yan ang daming satsat!" -Kenji
"Dami mong reklamo!" -Shaira
"Putek! Sino ka ba ha? Close ba tayo?! Ha?!?!" -Kenji
"Napaka reklamador mo eh! Kanina ka pa!" -Shaira
"E ano bang pake mo! Kung naiinis ka saken, wag mo akong usapin! Wag mo akong pansinin! Manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin!" -Kenji
Lintek! Mag aaway pa yung dalawa! Akala mo mag jowa e.
"Crema de fruta naman, mag aaway pa ba kayo?!" -Ako.
"Yang kaibigan mo kase e. Masyadong pakielamera!" -Kenji.
"Masyadong reklamador yang Kenji na yan eh!" -Shaira
"Magsitigil nga kayo! Imbis na magkaisa tayo nag-aaway pa kayo!"-Ako
Nakakabwisit! Nasa ganitong sitwasyon na e nakukuha pang mag away! Lumabas muna ako ng casino, safe naman sa labas e. Nakakabadtrip yung dalawa e. Parang mga bata ang hirap pagsabihan. Ganto na nga sitwasyon namin nakukuha pang mag-away! Ang sarap pagpapaltukan! Ngayon ko lang na realize na nasa labas pala si Haji.
"Oh? Bat ka napalabas?"
"Masama bang lumabas?!"
"Whoa whoa whoa, high blood ka ata?"
"Nakakainis yung dalawa e!"
"Sino?"
"Si Shaira at Kenji. Away ng away. Nakakairita!"
"Naasar ka rin pala. Wag mo na lang pansinin."
"Yun nga e. Kaya ako lumabas."
"Uhm, Hana.."
"Ano?"
"Tingin mo kelan kaya matatapos to?"
Oo nga no. Kailan kaya? Miss ko na yung pamilya ko.
"Di ko alam e. Kumalat na daw kasi sa buong bansa yung outbreak. Iilan na lang daw yung safe."
"Nakakabagot na kasi e."
"Lahat tayo nababagot na."
"Dahil din sa outbreak na to, napatay ko parents at kapatid ko."
"So sad to hear that."
Tapos tinap ko yung balikat niya. Yung theme na, parang kino-comfort ko sya. Tinawag na kami ni Krystal para mag ready. Kahit nakakabadtrip, pumasok pa rin ako.
"Mag ready na kayo. 3km na lang daw ang layo nila dito." -Krystal
Nag ready na kami. Mag uumaga na rin pala, ngayon ko lang na realize eh. Hindi ko pinapansin yung dalawa, nakakabadtrip e. Nagtitinginan pa rin ng masama e. Para talagang mga bata. Mula dun sa roof ng casino, tanaw na namin yung helicopter na rerescue samin. Malapit na siya samin, siguro ilang ruler na lang ang layo ng bigla itong mag crash... *BOOGSH*
Nasugatan ako sa may ilalim ng cheeks ko. RAWR! May mga tumalsik kasi na part ng helicopter. Cinoveran ako ni Haji hanggang sa matapos na yung pagtalsik nung mga parte. Ang pangit pakinggan talsik talaga.
"Tungunu! Anong nangyare?!" -Ako
"Psh! Nandito na eh. Makaka ligtas na tayo, nabulilyaso pa."
Nakaligtas yung piloto nung helicopter. Umakyat sya sa rooftop nung casino. Ang astig nga eh. Sa puno lang sya umakyat. Baka sya si Spiderman. Sige ako na corny.
"Ayos lang kayo?" Sabi niya samen.
"Oo, ayos lang. Ikaw? Nasaktan ka ba?" -Krystal
"Ayos lang ako ate."
"ATE?" -Lahat kami except sa kanilang dalawa (malamang)
"Yup. She's my noona."
"Noona? Korean kayo?"
"Yup."
Ngayon ko lang na realize na Koreana pala si Krystal.
"Ako nga pala si Justin."
"Bieber?" -Ako, Hajime, at Haji.
"Bading yun. Lalake ako. Haha."
"Ilang taon ka na?" -Ako
"18."
"18 ka pa lang? E bat nakakapag drive ka na ng helicopter?"
"Tinuruan ako ni papa."
"Ah."-kami
"Astig."-Ako
"Bat ikaw ipinadala ni papa dito? Buti na lang di ka nasaktan sa pag crash nung helicopter." -Krystal
"Naks feeling concern si ate. May sinesecure kasi silang lugar eh." -Justin
"Tumigil ka kakaltukan kita." -Krystal
"Nga pala, iniintay tayo ni papa dun sa base. Kaso nabulilyaso yung helicopter nila."
"Maglakad na lang muna tayo." -Krystal.
"Ano pa nga ba?" -Sabi namin ni Haji.
So ayun, naglakad nananaman kami. Grabe naman kasi yung tadhana e. Makaka alis na sana kami dito sa impyernong to, tapos nagka ganun pa. Buhay nga naman. Parang bato, it's hard. Sa paglalakad namin, nakahanap kami ng isang useful na bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/1657426-288-k13038.jpg)