Chapter 17

2.5K 67 7
                                    

Hana's POV

Hay buhay nga naman. Eto nanaman kami. Akala namin matatapos na eh. Ang astig eh no? Secure daw yung lugar/base ng tatay nila pero nagkaron pa rin ng zombie sa loob. At yung mga sundalo pa pala nila yun. Infected na pala. Bakit kasi wala pang cure yung virus na to? At in the first place bakit ba nagkaroon ng virus?

"Pano na yan? San nanaman tayo pupunta?" -Kenji

"Wag ka ngang mareklamo. Pwede? Chillax ka lang." -Justin

"Gago to ah. Nagsasalita lang nagrereklamo na kaagad?!" -Kenji

Nako, may namumuong tensyon sa dalawa. Ano ba yan, kami kami na nga lang magkakasama e magkaka away away pa ata. Psh. Para talagang bata to si Kenji. Napakamaintin ng ulo.

"Wag mo akong mumurahin!" -Justin

"Ano ba! Tayo tayo na nga lang magkakasama dito tapos mag-aaway away pa ba?! Grow up naman guys! Hindi na tayo bata! Nasa life and death situation tayo. Wala nang oras para mag-away pa!" -Ako

"Eh kasi yang Kenji na yan eh!" -Justin

Tapos nag salubong na lang kilay ni Kenji.

"Kenji kasi kalma ka lang. Wag masyadong mainitin ang ulo hane?"
*Awkward silence*

Napansin ko na tumigil sa pagda drive si Krystal. Anyare sa Pinas?

"Krystal? Bakit? Okay ka lang?" sabi ko sa kanya pero di pa rin siya sumasagot. May problema ba siya?

"Ate okay ka lang?" umusap yung kapatid niya. Di pa rin nagsasalita si Krystal. Kinakabahan na talaga ako.

Tapos biglang..

"RAAAAAAAR.."

Kaming lahat -> Ha? Gahd! Zombie na si Krystal. Pero p-pano?! Bakit? Di ko naman nakita na nadikitan siya ng zombie or nakagat ah. Anong nangyari?

"Krystal! P-pano yan?" -Hajime

"Please! Iwan na lang natin siya sa labas. Wag lang natin siya patayin. Hindi ko kaya. Hindi!" -Justin

Nakakaawa si Justin. Naiintindihan ko siya. Kapatid niya yun eh. So, nag decide kaming abandunahin na lang si Krystal kesa sa patayin namin siya sa harap ng kapatid niya. Tinali namin siya tapos saka ibinaba palabas ng sasakyan.

"Sorry sa nangyari sa kapatid mo." -Ako

"Haha. Bakit ka nagso-sorry? Di naman ikaw yung kumagat sa kanya diba? Wala tayong magagawa, nandun na e. Sana lang hindi ko na siya maka encounter pa ulit. Ayokong makita siya na ganun kalagayan niya."

Kahit tumatawa siya halata pa rin na malungkot siya eh. Natural ikaw ba naman mamatayan ng ate. Anyway, eto nanaman, hindi ko alam kung nasan na kami eh. As I've said, bobo ako pagdating sa mga lugar.

"Nasan na to?" -Ako

"Di ko rin alam eh. Basta wala na tayo sa Manila."

"Ah.. K" Sabi ko sa loob ko.

Medyo madilim sa kalsada tapos lalo kaming kinabahan nung biglang nag black out lahat ng ilaw. Ang ilaw na lang namin ay yung head lights nung bus.

"Shit! Brown out?!" -Ako

"Ay hindi, sun rise!" -Shaira.

Gaga talaga tong babaeng to. Pamilyar yung linyang yun e. Nalimutan ko lang kung saan. Well, back to the usapan.

"Kandaduhan nyo yung pinto! Hurry!" -Justin. (pero pabulong niya lang na sinabi)

Dahan dahang lumapit si Kenji, Hajime, at Haji para ikandado at bantayan yung pinto. Tapos mejo bumagal yung pag da drive ni Justin. Si Shaira naman, tumabi sakin.

"Shh. Walang mag-iingay please." -Justin.

Grabe. Wala na ba talaga katapusan tong gulo na to? I admit nag imagine ako na pano kaya pag nagkaroon ng outbreak (at nagkaroon nga). Inexpect ko na magagawa ko yung mga napapanood ko sa pelikula, ayun nagawa ko nga. I'm a great fighter. Joke. Yung ilaw pa ano-ano. Mm, yung parang pa blink blink. Yung ganun. Bukas sindi bukas sindi. Yun! Kaya mas lalo akong natakot kasi mamaya may bigla na lang dumungaw na zombie sa windshield saka sa mga bintana eh. Mamaya sa sobrang dami nila mabasag nila yung salamin netong bus. Nag stop sa pag da drive si Justin.

"Bakit ka tumigil?" -Ako

(puro pabulong lang yan)

"Kailangan eh. 4 hours na lang naman mag uumaga na eh. Antayin na lang nating mag umaga! Delikado eh."

"Okay okay." -Ako

"Basta, lahat tayo, please be alert."

4 hours kaming nag hintay ng sun rise. Habang nanghihintay kami, tinabihan ako ni Haji.

"Oh."

Inabutan niya ako ng isang bar ng chocolate. Omg omg omg.

"Weh? Talaga? Salamat."

"Alam kong matakaw ka kaya sayo ko binigay yan."

"So ganon bastusan?"

"Joke lang. Ang cute mo mainis hahaha."

Tatawa tawa pa tong loko na to. Nung nakain ko na yung chocolate na bigay nya, chinismis ko siya.

"Haji."

"Hmm?"

"Naisip mo ba kung bakit nangyari yung ganitong klasw ng bagay?"

"Hindi eh. Nagulat na lang ako pag gising ko, magulo na. Nagra riot na sa labas. Nagsasakitan na yung mga tao. Yun pala zombie apocalypse na. Sana nga panaginip lang lahat ng to eh. Sana nasa malalim na tulog lang tayong lahat."

Parehas kami ng gusto. Na sana panaginip lang lahat ng to. Sana di totoo. Na sana bukas makalawa magising na kami sa panaginip to. Hindi.. sa bangungot na to.

"Hayaan mo Hana, lahat ng bagay may katapusan. Parang relasyon namin. Natapos na lang basta basta."

"Ay iba humuhugot siya."

"Hahaha sige na umidlip ka na munang babae ka. Pwede kang sumandal sakin kung gusto mo."

So ayun. Sumandal ako. Gwapo na nag offer ng balikat e. Hihi. Sige landi pa Hana.

*After 4 hrs*

"Wushu ang sweet nila oh." -Shaira

"Ha? Anong sweet?"

"Tignan mo kamay nyo."-Hajime

What. Magka holding hands kami all the time?

"Uy Haji gising."

Tapos inalis ko na yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. At eto na sunrise na nga. Muli naming nasilayan ang sobrang na destroy na lugar. At ang daming patay na zombie.

"Ang daming patay na zombie." -Ako

"Di ka pa ba sanay?" -Haji

"Binaril sila tapos dinaanan ng pison? Maybe pison or yung tangke. Yung pang sundalo." -Justin

"Ibig sabihin may mga sundalo nang nagpunta dito?" -Ako

"Siguro." -Justin

"E bat wala man lang naka rescue satin?" -Ako

"Ano ka ba. Sa laki ng Pilipinas malabong makita agad nila tayo." -Justin

Oo nga no? Di ko man lang naisip yun. Haha. Medyo nagugutom na ako. Buti na lang si Justin nagbaon ng marami raming pagkain. Sheet food is life.

"Titipirin natin yan ah?" -Justin.

"Okay." -sabi naming lahat.

Kahit konti lang nakain ko, solve na. Kumukulo na talaga tiyan ko eh. Tapos tumuloy na ulit kami. Medyo ang panget nga lang ng scenario kasi daming mga patay. Naghanap kami ng way out pero iba yung nahanap namin..

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon