Chapter 1

25 1 0
                                    

   Masarap mabuhay kung anu ka at nagagawa kung anung nagpapasaya sayo. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi mahalaga ang sasabihin ng ibang tao ang mahalaga ay nagpapakatotoo ako sa sarili ko. Pilitin ko mang hindi magpaapekto sa mga naririnig ko pero mas mangingibabaw pa rin ang alingawngaw ng mapanghusgang mundo.

    Malinaw sa aking alaala bata pa lang ako alam ko ng kakaiba ako sa mga lalaking kalaro ko. Hindi pa ako nagaaral pero alam ko na ang mga nangyayari sa paligid ko at alam ko nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Ako nga pala si Stephen Paul Montizano, 25 years old at nagtatrabaho sa isang sikat na bpo company sa Pilipinas. Ganito ang buhay ko araw araw bahay trabaho lang. Nakapagtapos ako sa maganda at kilalang university sa Manila ng nursing pero di ko naman pinagsisihan na sa ganitong trabaho ako napunta. Masaya naman ako sa ginagawa ko at sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw araw.

    " Is there anything else I can help you with? Or do you have any question or suggestion to make our service even better before we end this call? " Alright, thank you for calling. Again my name is Stephen have a great day ahead. " Biglang may humawak sa balikat ko buti na lang nag end call na dahil nagulat ako. Pagtingin ko kung sino ang aking bestfriend pala sa office na Shyane. " Bhaks anu oras lunch mo sabay na tayo? " - Shayne. " Lunch ko na 5am na last call ko na yun tara! Pagaaya ko sa kanya "- Ako. Oo sa mga hindi po nakakaalam sa call center kahit anung oras pa yan lunch ang tawag dun sa oras ng kain. Si Shyane John Hernandez ay ang aking bestfriend sa office halos sabay kami na hired sa company 2 years ago. Same team kami nung nagsimula kaso after 6 months naghiwalay kami ng team. Wala talagang permanente sa mundo kaya kailangan laging handa sa maaring magbago. Nasanay kasi kami na lagi sabay kumain kaya kung may pagkakataon nagsasabay pa rin kami. NBSB si Shyane ewan ko ba jan tatanda na lang ata na hindi nakakatikim ng luto ng diyos. Puro crush lang wala naman ginagawa happy na daw syang nakikita ang crush nya tapos magmomove on daw pag ayaw na nya sa nagugustuhan nya parang tanga lang. Ayun na nga habang pasakay na kami ng elevator si Shyane " bhaks alam mo ba may mga bagong trainee na naman at mas marami ang lalaki at halos lahat may itsura". " Ewan ko sayo ayan ka naman sa kalandian mo lalaki na naman wala ka namang napapala "- Ako. Habang nakatayo at nagaantay ng biglang bumukas ang elevator. Nagulat ako ng bigla kong namukhaan ang papalabas sa elevator. Si Oliver ba yun ang nasabi ko sa sarili ko pero di ako sigurado. " hoy! Bhaks anu ba tatayo ka na lang ba jan? Mauubos oras natin di pa tayo nakakakain ". Nagulat ako sa sigaw nya at biglang natauhan di ko alam natulala pala ako.

    Habang kumakain kami sa isang fast food chain. Oo nga pala ang lugar kung saan ako nagtattrabaho ay napapaligiran ng fast foods, convinience stores at mga coffee shop. Sa Ayala Makati kasi ang center na pinapasukan ko kaya walang murang pedeng makainan sa madaling araw kung meron man 7am pa nagbubukas ang mga jolly jeep ung mga kainan sa tabi tabi. Habang kumakain kami hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ung nakita ko sa elevator. Hindi rin kasi ako sigurado kung sya nga yun. " hoy! Bhaks tulala ka na naman. Nagdodroga ka ba? May problema ka? Kanina ka pa malalim ang iniisip matatapos na lunch break natin di mo pa yan nauubos na kinakain mo ".- Shyane. " Wala may naalala lang ako at hindi ako nagdodroga sira kumain ka na nga lang jan "- Ako.

    PPabalik na kami sa office papunta sa locker namin sabi ko kay Shayne mauna na sya dahil magtotootbrush muna ako at tumango naman sya na busy sa cellphone nya. Kinuha ko na ung gamit ko at pumunta sa CR buti na lang walang tao at makakapagtoothbrush ako ng maayos. Habang busy ako biglang may nagmamadaling pumasok nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at patakbong dumiretso sa cubicle. Kitang kita ko sa malaking salamin na nasa harapan ko kung sino ung pumasok nagulat na naman ako dahil nakita ko na naman ung lalaking nakita ko kanina at napaisip na naman ako.
Hindi man lang nya ako tinignan dahil sa pagmamadali. At dahil gusto kong malaman kung sino talaga sya at para makasiguro na rin ako hinintay ko syang makalabas sa cubicle. Nagkayuko syang lumabas at nakita kong sinizipper nya ang kanyang pantalon. Bigla akong nahiya ng bigla sya tumingin at nahuli nya akong nakatingin sa ginagawa nya. Sa sobrang hiya at pagkabigla inalis ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling sa malaking salamin sa harapan ko. Dumiretso sya sa malaking salamin at nakatayo sa tabi ko. Kitang kita ko ang muka nya at gulat na gulat ako sa nakita ko. Sya nga si Oliver Nathan Sanchez at hindi ako maaring magkamali. Matagal man kaming hindi nagkita pero hindi ko makakalimutan ang bawat parte ng mukha nya. Ang medyo makapal nyang kilay, ang medjo bilugang mata matangos na ilong at ang kanyang manipis at mapulang labi. Lalo ding lumaki ang kanyang katawan ang kanyang dibdib na lalong nagkalaman ang kanyang braso na parang ang tigas tigas. Nanatili naman ang kanyang morenong kulay na bagay na bagay sa kanya. Lalaking lalaki ang tindig sa taas na 5'8 para sa akin ay napaka perpekto nya. Kahit sino naman ay magkakagusto sa itsura nya parang ang sarap sarap papakin. Sa pagkamangha ko sa kanya di ko mapansin na nakatitig at tulala pala ako sa kanya. Bigla nya akong tinapik sa balikat at dun ako natauhan sa pagkagulat. " hey! Are you ok? "- Oliver. " uhm... ahh yes Im ok "-Ako. " Uy! Kilala kita ikaw ung friend ni John di ba? Natatandaan mo pa ba ako? "-Oliver. Sa isip ko naman oo naman natatandaan kita at hinding hindi ko makakalimutan ang gwapong mukha na yan. " ay oo ikaw nga kala ko kasi nagkakamali lang ako. Syempre natatandaan kita Oliver right? medyo nahihiya ng konti ng biglang may sumagi sa alaala ko. " Kamusta naman? "-Ako. " ito ok naman training na. Dito ka rin pala nagtatrabaho? "-Oliver. Dun ko nalaman sa kanya na same account pala kami so may tendency na halos araw araw ay magkita kami. Sabi ko naman sa kanya kung meron syang tanong related sa trabaho wag sya mahihiya magtanong sakin na sinagot naman nya ng oo. " panu yan mauna na ako pumasok baka hanapin ako dun ang sabi ko kasi iihi lang ako, salamat ulit " -Oliver at kasabay dun ang isang ngiti na nakapagpakilig sa akin. " sige see you around "-Ako at nginitian ko din sya pabalik.

    Hindi ko maalis sa isip ko ang nangyaring yun at ang kanyang ngiti na matagal kong hindi nakita. Nakakamis ang mga ngiting yun tanging nasabi ko sa aking sarili habang ako ay napapangiti rin. " ayy ayy ayyy! Bakit daw ganyan ang mga ngiti mo? Kanina lang tulala ka habang kumakain ngayon naman halos umabot sa bunbunan mo yang ngiti mo. May ginawa ka sa cr no? May nangyari na hindi mo sakin sinasabi alam ko yang ngiti na yan "-Shyane. At lalo ko pang nilakihan ang aking pagkakangiti para lalo syang magisip. Imbis na tumigil ay lalo nya pa akong kinulit na sabihin sa kanya at hinampas hampas ako sa braso. " aray bhaks! Masakit huh parang tanga lang ei kala mo di masakit. Ang laki laki ng kamay mo "-Ako. Oo malaki ang kamay ni Shyane at kahit papanu lalaki pa rin sya at malakas ung hampas nya. 5'6 ang height nya mas matangkad sa akin ng konti kasi 5'5 lang ako. Parehas din pala ang hilig namin ng bestfriend ko damit, sapatos at bag. Minsan pag may spare time time malling usually bonding namin at may paborito kaming puntahan ang Botique of Used Clothes. So, ayun na nga dahil alam ko naman na hindi nya ako titigilan para malaman yun at sya din naman ang bestfriend ko wala naman akong no choice kung di sabihin pa rin sa kanya. Halos alam na nya ang kwento ng buhay ko ei at wala na rin kaming tinatago sa isat isa. " oo na sasabihin ko sayo excited ei. Mamaya na paguwian para makwento ko sayo ng mabuti tsaka wala na din tayong oras "-Ako. " promise mo yan huh, magtatampo ako sayo bhaks "-Shyane. " oo nga ang kulit mo bhaks "-Ako.

👬 A Strong Desire for Oliver 👬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon