Chapter 9

10 0 0
                                    

    Apat na araw ang naging pahinga ni Stephen sa Cavite at naging masaya naman ito. Nakatulong ito kahit papano upang makalimutan nya ang kanyang problema at nakasama nya ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Hindi sapat sa kanya ang ilang araw na pamamalagi sa Cavite dahil marami pa sana syang gustong gawin ngunit kailangan nyang balikan ang kanyang naiwang trabaho at balikan ang reyalidad ng kanyang buhay.

    Katulad ng dati ganung oras pa rin ang pasok nya. Sabay pa rin silang kumain ng kaibigang si Shyane sa madalas nilang kainan at umupo sa madalas nilang pwestuhan na parte ang lamesa at upuang pangdalawahan. "Bhaks, kamusta naman ang bakasyon mo sa Cavite?". Tanong ni Shyane habang kumakain sila.
"Ok naman bhaks, masaya kasi nakasama ko pamilya ko at mga dating kaibigan. Nagkaroon kami ng mini reunion. Nakakabitin nga ei kulang yung apat na araw".
"Wow, baka naman nakalimutan mong may naiwan kang kaibigan dito at ilang araw tayong hindi nagkita".
"Alam ko bhaks, di ko yun nakakalimutan and you dont need to remind me".
"Kamusta naman ikaw ng wala ako?".
"Well, may nalaman ako about your Oliver and Sophie and whats the real score between them."
"Seriously? Anyway I dont want to talk about them kaya nga ako nagbakasyon di ba to forget it".
"Talaga lang huh, kahit sabihin kong sinabi ni Sophie na hindi nya boyfriend si Oliver at hindi sya girlfriend nito?".
"Huh?! What do you mean?".
"Oh akala ko ba ayaw mo pag usapan? Ei di hindi ko na sasabihin ang nalaman ko. Forget about it". Sabay bato ni Stephen ng sachet ng catsup sa mukha ni Shyane.
"Aray! Anu ba bhaks!".
"Para ka kasing tanga! Pa suspense pang nalalaman ei c'mon tell me what about Oliver and Sophie?".
"Ito na nga nung wala ka nagkasabay kaming kumain ni Sophie. Walang akong kasama nun tapos sya rin wala so ayun kumain kami ng sabay niyaya nya ako. Absent daw nung araw na yun si papa Oliver kaya wala syang kasama".
"So, anu nga ang nalaman mo?".
"Sinabi sa kin ni Sophie na buntis daw sya". Kitang kita sa mukha ni Stephen ang pagkagulat sa narinig mula sa bibig ng mahadera nyang kaibigan. Bigla syang natigilan sa pagkain sa kanyang narinig at tumingin sa mukha ni Shyane.
"Di nga? Buntis nga si Sophie ei bat sabi mo kanina hindi sya girlfriend ni Oliver panung nabuntis sya?".
"Ay! Nawala lang ng apat na araw naging tanga na. Bakit ba nabubuntis ang babae? Malamang bhaks sinuko na ni Sophie ang Encantadia kay Oliver. Anu bata lang?". Hindi pa rin makapaniwala si Stephen sa mga sinabi ni  Shyane.
"Hala sya, natahimik ka na bhaks. To' naman biro lang yun, hindi buntis si Sophie". Kinuha ni Stephen ang straw sa iniinom nya at ibinato ulit kay Shyane.
"Nakakainis ka na lakas ng trip mo, di nakakatuwa". Inis na sagot ni Stephen sa kaibigan nya. Di naman mapigilan na matawa si Shyane sa reaksyon at itsura ni Stephen.
"Hahahahaha...hahahahahaha...hahahaha".
"Oh sige na nga sasabihin ko na nga yung totoong nalaman ko". At kinwento nga ni Shyane ang kanyang nalaman mula kay Sophie. Tahimik naman na nakikinig si Stephen. Pagkatapos maikwento lahat sa kanya ay parang naging magaan ang kanyang pakiramdam at hindi nya maikukubli sa kanyang sarili ang sayang nararamdaman. Saya ang narararamdaman ni Stephen ng mga sandaling iyon  pagkatapos nyang malaman ang totoong relasyon ni Oliver at Sophie. Bumalik sya sa kanyang station na nakangiti hindi pa rin sya makapaniwala sa kanyang nalaman. Naisip nya na hindi sya makakagulo sa dalawa kung totoo mang magkaibigan lang ito. Ngunit sa kabilang banda naisip nya rin kung tama pa bang kalimutan na nya si Oliver ngayong nalaman nyang wala itong relasyon kay Sophie o ipagpatuloy ang pagnanasa at nararamdaman nya para sa binata.
"Naku sa ngayon ang importante ay ang nalaman ko at masaya ako", bulong ni Stephen sa kanyang sarili.

    Habang abala si Stephen sa costumer na kanyang kausap, nagulat sya ng may biglang humawak sa balikat nya. Hindi nya agad ito tinignan dahil nakatuon ang kanyang mga mata sa monitor ng computer habang tina-type nya ang information ng costumer. Saka nya lamang ito tinignan nang matapos at nagulat sya ng lingunin nya ang taong nasa likuran nya ay walang iba kundi si Oliver.
"Uy, pasensya na di agad kita nasagot may kausap kasi ako. May problema ba? Anung maitutulong ko sayo?", ang mga salitang lumabas sa bibig ni Stephen dahil sa di inaasahang nakita at dala ng pagkabigla.
"Its ok, pasensya na rin sa istorbo itatanong ko lang sana kung ok lang ba gamitin ko muna tong station sa tabi mo, nagloloko kasi computer sa station ko". Di alam ni Oliver kung anu isasagot nya dahil sa kilig na nararamdaman kasabay ng kabog sa dibdib nya.
"Uhhmmm... sige ok lang absent naman kami ng isa kaya walang gagamit nyan. Kaso sobrang lamig jan kaya walang may gustong umupo jan nakatutok kasi ung hangin ng aircon jan".
"Ok lang, wala na rin kasi ako mahanap na bakante. Sabi kasi ni TL sinabi na daw nya yun sa IT department kaso di pa rin naaayos hanggang ngayon".
"Sige ok lang ako na bahala sayo, ako na lang magsasabi kay TL".
"Sige, thank you ulit". Kasabay ng pagkasabi nun ni Oliver ay ang paghawak nya sa balikat ni Stephen.
Bahagyang napangiti si Stephen na hindi nya ipinakita kay Oliver. Masaya sya dahil makakatabi nya ito at may pagkakataon na upang magkausap sila.

👬 A Strong Desire for Oliver 👬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon