Mabilis lumipas ang araw at buwan naging komportable naman si Oliver sa kanyang trabaho. Natutunan na rin nya ang mga kailangan nyang matutunan at malaman. Naging masaya siya sa team na kinabibilangan nya at marami na rin syang naging kaibigan at kakilala bukod sa mga team mates nya. Hindi maipagkakaila na marami din ang nagkakagusto sa kanya dahil na rin sa kanyang angking kakisigan. Babae man o pusong babae ay nahuhumaling sa kanya. Marami din ang nagpaparamdam sa kanya na meron silang gusto kay Oliver pero hindi ito binibigyang ng malisya ni Oliver dahil nakatuon ang kanyang isip sa kanyang trabaho.
"Oliver babe tara na lunch na tayo nagugutom na ako" sabay pulupot ng mga braso nito sa binata. Sya ay si Sophie Jane Gonzaga may magandang mukha at magandang katawan at makikinis na balat. Marami din ang nagkakagusto sa kanya ngunit kay Oliver ang atensyon nya. Naging magkasundo at close sila sa isat isa dahil magkasama at magkasabay sila sa training simula nun naging magkaibigan sila at naging magkasundo dahil parehas silang mahilig kumanta at mag gitara. May espesyal na pagtingin si Sophie kay Oliver kaya babe ang tawag nya dito pero sinabi sa kanya ni Oliver naespesyal din ang dalaga sa kanya pero hindi sa paraang gusto nya at hindi pa sya handa magka girlfriend. Ang alam din ng kanilang mga katrabaho ay sila na at dahil wala naman magagawa si Oliver dahil bukod sa makulit ito napalapit na rin sya kay Sophie kaya hinahayaan nya nalang nya ito tutal parehas naman silang single. Alam naman ni Sophie at naiintindihan nya kung anu man ang gusto ni Oliver at nirerespeto nya ito na magkaibigan lang sila pero hindi nya maiwasang tarayan ang mga nagpaparamdam at umaaligid kay Oliver. Naikwento na rin ni Oliver sa kanya ang kanyang unang naging karanasan nya sa kapwa lalaki naintindihan naman ito ni Sophie at hindi nagbago ang pagtingin sa kanya pero ang hindi sinabi ni Oliver na ang taong yun ay nakakasama nila araw araw at yun ay walang iba kundi si Stephen.
Oliver
Saturday morning nasa bahay na ako nina Sophie dahil gaya ng dati kelangan ko siyang sunduin dahil nagpapasama sya sa bangko. Nawala kasi ang pitaka nya at nandun ang mga atm at credit card nya. Ang tanga at burara kasi, Haist, pinanindigan na talagang boyfriend niya ako kaya lahat ng lakad namin kailangan susunduin at ihahatid ko siya. Mabait naman ang Mommy niya kaya nga lang kagaya ni Sophie makulit.
"Oliver, matanong ko nga pala, kailan ninyo pala balak magpakasal ni Sophie?". Hindi ko alam bakit bigla niya yung itinanong. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso ng juice. Nag isip lang ako ng isasagot.
"Ahm, Tita, pag naging kami na po ni Sophie." Nakangiti kong sagot, alam naman niya ang relasyon namin.
"You mean, hanggang ngayon hindi ka pa napapasagot ng anak ko?"Tumango ako.
"Napaka bagal na babae! Kung ako si Sophie hindi kita pakakawalan, pipikutin kita." Ang natatawa niyang sabi saka tumabi sa akin. Tita, huwag kang ganyan, baka umuwi na ako at hindi na sumama sa anak nyo, lagot ka kay Sophie." Sagot ko tsaka umusod palayo sa kanya.
"Ikaw talaga Oliver, hindi na mabiro, alam ko naman ang tungkol sa inyo, basta ha, malaki ang tiwala ko sa iyo,"
"Nakakatakot naman kasi baka nga ipapikot ninyo ako."
"Haha, hanapan mo na kasi ng magiging boyfriend yang kaibigan mo."
"Ang taray Tita, kaya natatakot ang mga lalake na manligaw."
"Ganon ba. Sabagay! Kahit ako takot diyan pag nagalit na. Ikaw lang ang nakakapagpatigil diyan. Basta ikaw na ang bahala sa kanya. At lagi kayong mag-iingat ha." Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Oh ano naman agenda ninyong dalawa, Mommy baka ibinebenta mo ako sa lalaking iyan ha," nakita ko si Sophie pababa ng hagdan.
"Sabi ni Tita bantayann daw kita baka magwala ka" natatawa naman ang Mommy niya
"Mommy, huwag kang umasa na may pasalubong ka, nag kiss lang siya tsaka tumalikod."
"Tita, alis na po kami." Natatawa pa rin si Tita habang papalabas kami.
"Bsta yung bilin ko ha, ingat kayo."Masaya naman at nageenjoy sila pareho na magkasama. Paminsan minsan nga lang hindi maiwasan mainis ni Oliver dahil bukod sa makulit si Sophie ubod pa ito ng daldal minsan. Hindi rin naman nagpapatalo si Sophie na parang amasona magalit pero kahit parang aso't pusa sila kung minsan hindi pa rin nawawala ang respeto nila sa isat isa bilang magkaibigan.
Natapos sila ng maaga sa bangko kaya naisipan nilang dumiretcho muna sa isang mall. Naglakad lakad sila habang nakapulupot ang mga braso ni Sophie kay Oliver. "Anu ba Sophie alisin mo nga yang braso mo di naman ako mawawala sa tabi mo." May pagkairitang sinabi ni Oliver. "Sus yan ka naman ang sungit mo babe, pumapanget ka pagnagsusungit ka Mr. Oliver Nathan Sanchez."
"Libre mo na lang ako babe".
"Oo na, sige, libre na kita, nakakahiya naman iyang ganda mong iyan."
"Oliver Nathan Sanchez, ikaw ba talaga iyan, hindi ka ba naeengkanto?"
“Huwag kang OA Sophie, baka magbago isip ko, magta taxi ka pauwi sa inyo."
"Ito naman di na mabiro, sana lagi kang ganyan ka sweet babe."
"Pero Oliver, pwera joke, bakit ang bait mo sa akin ngayon, pansin ko mga ilang araw na hindi mo ako sinusungitan?"
"Ayaw mo?"
"Gusto nga e, kaya lamang natatakot ako, parang malapit na ang end of the world pero hindi pa nagiging tayo yung totoong tayo na nga. Nagbabago na yata lahat hindi lang alignment ng mga planets pati position ng mga brain cells mo?"
"Ah ganon," Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko tsaka binilisan ang paglalakad.
"Kita mo na, sabi ko na sa iyo dati bipolar ka eh," habang tawa nang tawa na sumusunod sa akin.
"Magbayad ka ng kakainin mo ha saka mag taxi ka pauwi sa inyo, may pupuntahan pa pala ako ngayon." Sagot ko pero hindi ko siya tinitingnan.
"Eto naman siyempre joke lang yun, ikaw kaya ang may pinaka stable na personality sa lahat ng lalaking nakilala ko." Natatawa pa rin siyang sabi habang nasa elevator na kami,"
"Mukha mo Miss Sophie Jane Gonzaga" Pero napapatawa ako kaya hindi ko siya tinitingnan. "Bakit ganyan kang makangiti?"
"Wala, happy lang ako."
"Huwag mong sabihin na finally narealize mo na mahal mo pala talaga ako." Saka ipinulupot nyang muli ang braso kay Oliver.
"Asa, isa kang malaking ASA!"
"Eh bakit nga ang saya mo?"
"Masama bang maging masaya?"
"Naman, Sophie eh, sinisira mo na naman ang mood ko pag ganyan ka."
"O siya hindi na, happy na lang ako sa yo." At nginitian ako.Sophie
Si Sophie Jane Gonzaga, bestfriend/girlfriend ni Oliver. Maganda ang mukha, may magandang hubog ng katawan at makinis na balat. Mahaba haba na rin ang panahon na pinagdaanan nila at more than friends na ang turingan nila. It’s true I’m in love with Oliver pero wala eh, for almost a year na magkakilala kami wala pa akong narinig na nagustuhan nya o pinakilala man lang na girlfriend nya. Sayang nga lang at hindi para sa akin ang pagmamahal nya. Pero masaya pa rin ako na nakilala at nakasama ko siya, at kahit papapano ay nagka roon ako ng pag-asa ng may tao palang katulad nya. Hindi maiiwasan na mag asaran o mag sungitan paminsan minsan normal naman yun sa magkaibigan. Pero bilib ako sa kanya dahil ni minsan di nya ako nagawang bastusin kahit kaming dalawa lang ang magkasama. Napakabait nyang tao at malaki ang respeto namin sa isat isa bilang magkaibigan. Naikwento na rin nya sa akin nung minsang nagkwentuhan kami ang tungkol sa naging unang karanasan nya sa kapwa lalaki. Naisip ko rin na baka ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin syang girlfriend, baka naguguluhan pa sya sa ngayon. Kahit ganun ang nangyari hindi naman nagbago ang pagtingin ko kay Oliver babe ko. Gusto ko pa rin sya at kung dumating man ang araw na may magustuhan na sya tatanggapin ko yun ng buong buo at maluwag sa aking puso. Alam ko naman sa simula pa lang na kaibigan lang ang kaya nyang ibigay at sinabi naman nya yun sa akin. Ako lang talaga ang makulit pero kahit anung mangyari mananatili kaming magkaibigan kung hindi man kami ang para sa isat isa.
Pagkatapos nilang mag gala at kumain hinatid ni Oliver si Sophie sa bahay nito dahil ito naman ang pangako nya sa mommy nito. Pinagkakatiwalaan sya nito bilang isang kaibigan at boyfriend. Sumakay na sila sa kotse at binuksan ang car stereo ng sakto naman ang naka play na kanta.
"i'll be going through withdrawal of you
for this one night we have spent."
and, i want to speak these words
but i guess i'll just bite my tongue,
and accept "someday, somehow"
as the words that we'll hang from.and i (i..), i don't want to speak these words.
'cause i ('cause i..), i don't want to make things any worse.
and i (i..), i don't want to speak these words.
'cause i, i don't want to make things any worse.why does tonight, have to end?
why don't we hit restart,
and pause it at our favorite parts.
we'll skip the goodbyes.
if i had it my way,
i'd turn the car around and runaway,
just you and i.Bigla na naman natahimik si Oliver at pagtatakang tanong ni Sophie. "Hey babe are you ok?"
"Ahh oo naman bakit?"
"Bigla bigla ka na lang kasi natatahimik, sabi na bipolar ka talaga."
Hindi na sumagot si Oliver dahil wala sya mood makipag kulitan dito. Habang nagda drive sya sumasagi sa isip nya ang isang tao na naging dahilan upang magbago ang tingin nya sa sarili nya.
Nang makarating na sila sa bahay nila Sophie ay hindi na sya bumaba ng sasakyan para pumasok sa bahay nito. Nagpaalam na lang sila sa isat isa.
"Bye babe, ingat ka and thank you. Ako na lang magsasabi kay mommy. Sige ingat ka sa pagmamaneho. Bye!"
"Sige, kaw na lang magsabi kay tita huh. Thanks din Sophie. Bye!".
Pinandar na nyang muli ang sasakyan at habang pauwi ay tahimik pa rin sya sa sasakyan at nagiisip.
BINABASA MO ANG
👬 A Strong Desire for Oliver 👬
RomanceAnu ang gagawin mo kung makikita at makakasamang muli ang taong nagpasaya sayo at ang taong naging dahilan din ng pag luha mo? Ang taong kinalimutan mo dahil sa pag iwas nya sayo ng hindi alam ang dahilan kung bakit at paano? I'll be going through...