Chapter 6

4 0 0
                                    

    Isang umaga late ng nakauwi si Stephen galing sa trabaho dahil sa makukulit na costumer. Hindi talaga maiiwasan na minsan kung kelan ka na malapit umuwi dun ka pa magkakaroon ng mga pasaway na costumer. Palabas na sya ng bigla syang nasagi ng isang babae. Hindi sya napansin nito dahil nakatalikod sa kanya at nakikipag biruan sa isang lalaki.
"Aray! Ang sakit" at napa upo si Stephen sa sahig.
Nagulat ang babae sabay napaharap ito sa kanya.
"Ay sorry! Hindi ko sinasadya pasensya na talaga" sabay abot ng kanyang kamay upang tulungan si Stephen makatayo.
Nagulat si Stephen ng makita nya kung sino ang naka bunggo sa kanya at ang lalaki nasa harapan nya ngayon. Hindi nya alam kung anu ang kanyang magiging reaksyon. Tumayo sya ng iniabot ng babae ang kamay nito sa kanya.
"Hindi ayos lang ako, pasensya na din" sabay ngumiti sya. Nagulat sya ng bigkasin ng lalaki ang kanyang pangalan.
"Uy! Stephen pasensya ka na baliw kasi tong si Sophie ang kulit eh yan tuloy nabangga ka nya."
"Ok lang Oliver hindi naman ako nasaktan."
"Ay sya nga pala Stephen si Sophie, hindi pa nakakatapos si Oliver ng sasabihin muling inabot ni Sophie ang kamay nya kay Stephen at sabay sabing "Sophie nga pala girlfriend ni Oliver."
Inabot naman ni Stephen ang kamay nya at nakipag kamay kay Sophie.
"Hi, nice meeting you."
"Si Stephen nga pala si Sophie girlfriend ko." Nakangiti si Oliver habang pinapakilala nya ang dalawa sa isat isa. Sinuklian din naman iyon ng ngiti ni Stephen.
"Oh panu mauna na ako huh, antok na din kasi ako kailangan ng magpahinga. Nice meeting you ulit Sophie."
"Sige, pasensya na ulit huh."-Sophie
"Ingat ka."-Oliver
Naglakad na palayo si Stephen at habang naglalakad sya nakaramdam sya ng lungkot. Mas masakit pala pag galing mismo sa taong mahal mo maririnig ang mga salitang yun. Mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam at ramdam na ramdam nya ang pagod at antok. Galing na mismo kay Oliver na girlfriend nya si Sophie. Mas lalo syang nawalan ng pag asa na muling makasama si Oliver. Naglalakad na si Stephen papunta sa sakayan na parang wala sya sa sarili. Mabigat ang pakiramdam nya bukod sa puyat at antok hindi pa rin maalis sa isip nya ang sinabi ni Oliver.

    Hanggang makaalis sya ay iyon pa rin ang nasa isip nya. Tama nga siguro na tanggapin ko na lamang, mukha namang happy sa kanya ang girlfriend niya. Ayoko ng guluhin pa siya at ayoko na ring mag expect. Siguro nga ay hanggang doon na lamang kami, pinatagal ko lamang dahil sa pag-asang magiging maayos pa rin sa bandang huli. Tinawagan ko agad si Shyane.
"Bhaks, sabay tayong mag lunch mamaya may sasabihin ako sayo." Iyon lamang ang nasabi ko sa kanya.
"Bakit mukhang hindi ka okey, may problema ba? Something happened, ano bang nangyari." Naguguluhan niyang tanong. Gusto kong umiyak, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nalaman ko pero nagpigil ako.
"Usap na lamang tayo mamaya, bhaks" putol ko sa pagtatanong niya.
"Gusto mo bang puntahan kita diyan, sure ka bang okey ka lang, maaga pa naman gusto mo labas muna tayo?"
"Wag na mamaya na lang, sige na pasakay na rin ako pauwi, sige na bhaks salamat sa concern." At ibinaba ko na ang phone. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Oliver

    Naghaharutan kami ni Sophie kaya hindi nya napansin na may tao pala sa likod nya at aksidenteng nabangga nya ito. Narinig na lang namin bumagsak sa sahig ang lalaki at narinig namin ang boses nya. "Aray!" Nagulat kami ni Sophie at iniabot nya ang kanyang kamay sa lalaki at humingi sya ng pasensya. Nagulat ako ng tumingin ang lalaki sa amin si Stephen pala.
"Uy! Stephen pasensya ka na baliw kasi tong si Sophie ang kulit eh yan tuloy nabangga ka nya."
"Ok lang Oliver hindi naman ako nasaktan."
"Ay sya nga pala Stephen si Sophie, hindi pa ako nakakatapos ng sasabihin muling inabot ni Sophie ang kamay nya kay Stephen at sabay sabing "Sophie nga pala girlfriend ni Oliver." Mukha namang ok sya pero halata ko ang lungkot sa mukha nya ng marinig nya ang sinabi ni Sophie. Hindi rin nagtagal ang paguusap naming yun ay nagpaalam na syang aalis dahil kailangan na rin daw nya magpahinga. Gusto ko pa sanang syang tanungin kung ok lang sya kaya lang uuwi na daw sya kaya hinayaan ko na lang. Pag alis ni Stephen napag usapan namin sya ni Sophie.
"Babe, sya ba yung Stephen na kinukwento mo sa akin dati yung may nangyari nung gabing magkatabi kayo natulog, yung unang nakahawak ng anu mo?" sabay tawa. Lakas talaga mang asar ng baliw na to.
"Oo sya nga yun, pwede ba hwag ka ngang tumawa jan wala namang nakakatawa."
"Ito naman nagsusungit na naman, oo na hindi na. Pero mukha naman syang mabait babe. Wala ka pa rin bang balak syang kausapin o galit ka pa rin ba sa kanya?"
"Sophie, hindi ako galit sa kanya alam mo naman yun di ba. Umiwas lang ako kasi parang nagbago yung pakiramdam ko pagkatapos ng gabing yun."
"Yun naman pala, bakit hindi mo sya kausapin sayang naman yung friendship nyo and besides magkasama kayo dito sa opisina."
Napaisip naman ako, sabagay matagal na rin naman yun at tama si Sophie at para hindi ko na rin sya kailangan iwasan tuwing makikita o makakasalubong ko sya. At isa pa malilinawan na rin ako sa matagal ko ng tanong sa sarili ko. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa alaala ko ang nangyari ng gabing yun. Parang hinahanap hanap sya ng pakiramdam ko. Alam kong lalaki sya at lalaki ako mali man kong iisipin pero alam ko sa sarili kong hinahanap hanap ko ang pakiramdam na yun.

Stephen

    Nang magkita kami ni Shyane, sinabi ko sa kanya ang lahat. Malungkot lamang siyang nakatingin sa akin. Bago siya nagsalita.
"Anong plano mo ngayon?"
"Hindi ko alam, nasira lahat ng mga balak ko, iyong pagkausap sa kanya, pag-a apologize, pakikipag-ayos hindi ko na alam anong gagawin ko." Pagtatapat ko sa kanya.
"Why don't you try, malay mo.."
"For what, para masaktan? may girlfriend na nga siya, ano pang aasahan ko bhaks.
"Bhaks huwag kang magsalita ng ganyan, narito pa ako pwede kitang tulungan, huwag mong kakalimutan, parehas lamang tayo ng sitwasyon, ang kaibahan lamang ay tinanggap ko na ang nangyari sa akin dahil wala na akong magagawa. Ikaw umasa kang meron pang karugtong iyong sa inyo kaya ka nasasaktan, pero kung tatanggapin mo ang totoo, marerealize mo kaya mo rin naman palang malampasan. Huwag kang mag-alala iinom na lang natin iyan mamaya, at sa mga susunod pang araw hanggang hindi mo na iyan maalala" Nanatili lamang akong nakatungo, pero pinag-isipan ko ang sinabi niya, maari ngang kung tatanggapin kong wala na talagang pag-asa ay baka mas madali sa aking kayanin ang lahat.
"Alam mo bhaks, baka nga panahon na para ibaling mo na ang atensyon mo sa iba. Grabe ang daming gwapo sa opisina, kahit ba isa walang makapukaw sa pansin mo pero napansin nyang wala pa rin akong imik.
Siguro nga tama ang bestfriend ko baka kailangan ko ng tumigil pang umasa na magiging maayos at maibalik ang dating pagkakaibigan namin ni Oliver. At isa pa may girlfriend na sya at halata namang masaya na talaga sila baka makagulo lang ako sa kanila.
Napapansin na rin ng mga kasama nya sa trabaho ang pananamlay nya at palaging tahimik at malungkot. Kahit ang kanyang bestfriend ay naawa na rin sa kanya dahil palagi itong wala sa sarili. Kung iisipin nga naman madali lang solusyonan ang problema ni Stephen pero hindi yun ganun kadali para sa kanya mahirap kalimutan ang unang taong minahal mo at ang mga masasayang alaala kasama ito. Bukod sa bestfriend nyang si John naramdaman nya kay Oliver na ni minsan ay hindi sya nito ikinahiyang kasama. Hindi naging hadlang ang pagiging pusong babae nya upang maging magkaibigan sila. Hindi lahat ng katulad nya ay nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng isang lalaking kaibigan na gwapo at di maikakailang isang adonis. Komportable sila sa isat isa at ni minsan hindi pinaramdam ni Oliver sa kanya na kakaiba sya kaya lihim nya itong minahal hanggang isang araw ay napansin na lamang nyang hidi na ito madalas sumama sa kanila at tuluyan ng umiwas. Ngayong may pagkakataon na syang muling makasama ito dahil sa iisang opisina lang sila pumapasok ramdam nyang umiiwas pa rin ito. Buong akala nya ay mabibigyan na muling pagkakataon ang pagkakaibigan nila ngunit hindi pala kabaligtaran nito ang nangyayari. Sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman sya. Alam naman nyang imposibleng magka gusto sa kanya si Oliver dahil parehas silang lalaki. Pero anung magagawa nya kung si Oliver ang nagugustuhan ng puso nya.

   Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso. Kaya nga lang sa sitwasyon nya sya lang ang nagmamahal at sya lang din ang nasasaktan. May katanungan pa rin hanggang ngayon sa kanyang isipan na kailangan nya ng kasagutan. Pero paanu nya mahahanap ang sagot sa matagal na nyang tanong.
 

👬 A Strong Desire for Oliver 👬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon