Chapter 11

4 0 0
                                    

Sa isip ni Stephen...
Hindi makapaniwala si Stephen na kaharap niya ngayon ang lalaking kanyang hinahangaan at minanahal. Tiningnan niya ang mukha nito. Hindi maitatatwa na isa itong magandang lalaki sa itsura, ayos at porma ng katawan. Ito ang lalaking gumulo sa utak niya ng matagal na panahon. Ang lalaki na kanyang hinahanap hanap. Hindi niya maintindihan ngayon ang kanyang sarili. Bakit ganito nalang ang kabog ng dibdib nito na kaharap ang lalaking ito. Hindi nya inaasahan na makikita nya si Oliver sa ganitong ayos. Abot kamay na nya ang lalaking kanyang pinapangarap ng matagal na panahon.
Ngunit hindi alam ni Stephen na kanina pa gising at nakamasid si Oliver sa kanya. Pinapakiramdaman sya nito kung anu ang kanyang gagawin.

Nang mga sandaling iyon ay naisip ni Oliver na hindi sya pwedeng ipagkanulo ng kanyang imahinasyon dahil sa tuwing dinadalaw sya ng nakaraan sa kanyang panaginip ay nagreresulta ito sa kanya ng kakaibang libog na nararamdaman niya sa kanyang katawan. "Libog lang ito!" Ito ang palaging sinasabi ni Oliver sa kanyang sarili. Hindi kayang tanggapin ng kanyang puso na may kakaiba siyang nararamdaman kapag naiisip niya ang ginawa ni Stephen. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi siya pwedeng magkaroon ng kahit na anong nararamdaman sa kanyang kaibigan. Ayaw tanggapin ng kanyang puso. Ngunit ngayon na kaharap nya ito at nakamasid sa kanyang hubad na katawan ay tila naghihintay sya sa gagawin ni Stephen. Hindi nya maikakaila sa kanyang sarili na gusto nya ang nakikita nyang paghanga ni Stephen sa kanyang hubad na katawan. Nais nyang ipaubaya dito ang kanyang katawan.
Muli niyang tiningnan si Stephen. Nag iinit na ang kanyang katawan at ramdam nyang lalong naninigas ang kanyang pagkalalaki. Bahagyang lumaki ang mata ni Stephen ng makita nyang nakatitingin sa kanya si Oliver. Hindi nya alam ang gagawin pakirandam nya namula at nag init ang kanyang mukha dahil sa hiya. Akmang lalabas na sana sya ng kwarto ng biglang gumalaw si Oliver at pinigilan sya nito.
Hindi maintindihan ni Oliver ang sarili kung bakit niya ba ginagawa ang bagay na ito.

"Pag may kailangan ka nandyan lang ako sa ----------" ang di na naituloy ni Stephen dahil bigla siyan nilamukos ng halik ni Oliver. Nagulat siya sa pagkabigla. Itinulak niya ito palayo pero sadyang malakas ang pagkakakabig nito sa kanya hanggang sa nanghihina siya. Parang humina ang tuhod niya sa biglaang paghalik ni Oliver. Pakiramdam niya may mga fireworks siyang nakikita habang masuyo siyang hinahalikan ni Oliver. Hindi niya namalayan na tumutugon na pala siya sa isang halikang hindi niya inaasahan. Matamis. Nanunuot. Nagdadala ng kilig. Nakaramdam siya ng mga maliliit na paru-paro lumilipad sa kanyang tiyan. Bumilis ang tibok ng puso niya sa di malamang dahilan.

Taliwas ito sa sinasabi ng puso ni Oliver. Ayaw tanggapin ng utak nya na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Stephen. Pilit nyang iwinawaksi ang nabubuong espesyal na nararamdaman nya para kay Stephen. Ngayong mag kasama na sila mas lalo silang magiging malapit sa isat isa. Ayaw niyang isiping pag-ibig ito dahil pareho silang lalaki. Hindi kayang tanggapin ito ng utak niya. Mahirap tanggapin pero bakit ngayong kaharap niya ito, hindi niya mapigilang halikan ang mapulang labi nito. Hindi pwede! Hindi pwede ito! Nararamdaman niya ang mga kuryenteng dumadaloy sa kanyang buong katawan habang lumalapat ang labi niya kay Stephen pero kailangan niyang tapusin ang kahibangang ito. Hindi pwede ang nararamdaman niyang ito. Kailangan niyang itigil ito!

"A---I'm sorry!" ang napailing-iling na pahayag ni Oliver sa nakatulala paring si Stephen.
"Do-don't be! ang tanging nasabi ni Stephen dito na hindi malaman ang gagawin sa nangyari. Hiyang hiya siya dahil tumugon siya sa halik na iginawad sa kanya ni Oliver. Indikasyon ito na nagustuhan niya ang ginagawa ni Oliver. Tumakbo siya palabas ng kwarto at agad isinara ang pinto. He laid against the door. Napaisip siya sobrang kabog ng dibdib niya, hindi niya maintindihan kung bakit ganito nalang ang kabog ng dibdib niya. Bakit ginawa iyon ni Oliver? Bakit siya nito hinalikan? Alam kaya nito na may pagtingin sya kay Oliver kaya niya ginawa iyon? Alam niyang lalaki si Oliver. Sa tindig, sa itsura, sa pagsasalita. Walang bahid na kabilang ito sa ikatlong kasarian. Pero Bakit niya ginawa niya iyon? Napapikit si Stephen habang nagbalik tanaw sa kanyang isipan ang unang gabing may nangyari sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

👬 A Strong Desire for Oliver 👬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon