Gising na si Stephen pero hindi pa rin sya bumabangon sa kama nya. Nakatingin lang sya sa kisame ng kwarto nya. Mag isa lang sya sa inuupahan nyang apartment sa Makati para malapit lang sa trabaho nya at upang walang makaistorbo sa kanya. Simula pa nung bata sya hanggang nagtapos sya sa kolehiyo nauumay na sya sobrang higpit ng mama Carmen nya. Tuwing rest day naman kung may pagkakataon sya ay dinadalaw nya ang pamilya nya sa Cavite. Simula kasi ng lumipat sya apartment nya hindi na sya madalas makapunta sa Cavite.
Nakaligo na sya at handang pumasok sa trabaho. Hindi din naman sya kumakain bago pumasok kaya sa office na sya kumakain. Hindi naman kalayuan ang pinapasukan nya kaya hindi nya kailangan magmadali dahil mahaba pa ang kanyang oras. Habang papunta sya sa kanyang trabaho bigla na lang sumagi sa isip nya si Oliver at napaisip na naman sya. Alam nyang matagal silang hindi nagkita at may katanungan pa hanggang ngayon sa isipan nya na wala pa ring sagot at yun ay kung bakit bigla bigla na lang umiwas sa kanila ang kanyang lalaking minahal noon at tila mahal nya pa rin hanggang ngayon. Matagal silang hindi nagkita at ngayon magkasama sila sa iisang kompanya. Hindi nya alam kung matutuwa sya na makasama itong muli dahil sa agam agam ng nakaraan.
Nang makarating sya sa office dumiretcho muna si Stephen sa kanyang locker. Inayos ang sarili bago tumuloy sa kanyang station. Pagpasok inikot nya ang paningin nya at baka sakaling makita nya ang taong hinahanap nya pero ang kanyang bestfriend pala ang nakita nyang nakangiti sa kanya na parang alam nito ang hinahanap nya. Lumapit ito sa kanya. " Bhaks! Di mo talaga sya makikita ngayon dahil mamaya pa ang pasok nila"-Shyane. Sabay tingin sa wrist watch nya. "Anung pinagsasabi mo jan mahaderang palaka. Walang akong hinahanap"-Stephen. "Hahahahahahahaha hoy! Wag ako sa'kin ka magsisinungaling huh!"-Shyane. "Oo na sige na lumayas ka na mamaya na tayo mag usap. Aayusin ko muna mga tools ko"-Stephen. Tumalikod si Shyane at inirapan ang kaibigan. "Ang sungit mo kaya wala kang lovelife"-Shyane. "Aba aba bakit ikaw meron?"-Stephen. Di sumagot ang kaibigan. Naisip nya na matagal na rin simula nung huling nakarelasyon nya na niloko lang sya at pinagpalit sa iba at simula nun di na nya sinubukan pang makipagrelasyon muli dahil alam nya sa sarili nya kung gaano kahirap ang masaktan. Sabay buntong hininga. Lumipas ang mga oras at naging busy na din sya sa trabaho. Pagtingin nya sa wrist watch nya saktong oras naman na para sa kanyang lunch break.
Habang hinihintay ni Stelhen si Shyane sa lobby para kumain. Napansin nya ang mga babae parang masayang masaya at may pinagbubulungan. Iyong iba nga ay hindi na bulong halatang excited.
"Anong meron bakit parang ang we weirdo ng mga babaeng iyan, may artista ba? Sarkastiko kong tanong nang lumapit siya sa akin.
"Haist, ang bestfriend kong masungit, umiral na naman ang pagkasuplado." At umiling.
"Tumigil ka nga, wala ako sa mood sa kalokohan mo, tara na at kanina pa ako nagugutom, ang tagal mo kaya." Habang papalabas na sila nakita nila kung anu ang pinagkakaguluhan ng mga babae at walang iba kung di ang papalabas na rin na si Oliver. Bigla na naman syang kinabahan ng hindi nya alam kung bakit. "Ang lalandi naman ng mga babaeng to si papa Oliver pa ang gusto nila ang tataas ng mga pangarap. Kung alam lang nila na para sya sa bestfriend ko"-Shyane. "Uy bunganga mo nga kahit kelan talaga ang daldal mo baka may makarinig pa sayo tara na at kumain na lang tayo"-Stephen.Dumiretcho ang magkaibigan sa madalas nilang kaining fast food chain dahil wala naman silang pagpipiliin madaling araw na at yun na din ang pinakamaalapit na pwede nilang makainan. Meron namang canteen sa loob ng building nila yun nga lang hindi nila gusto ang mga pagkain doon. Nasa loob na sila at humanap ng mauupuan si Stephen samantalang si Shyane naman ang umorder ng kanilang kakainin. Umupo sila paharap sa may gilid ng entrance na tama lamang para sa dalawang tao. Hindi mawawala sa order ni Stephen ang kape na may tatlong sachet ng asukal at tatlong sachet ng creamer. "Ohh madam ayan ang kape mo syempre hindi ko makakalimutan, yan na ata ang dumadaloy sa mga ugat mo. Tatlong sachet ng asukal at tatlong sachet ng creamer"-Shyane. "Salamat bhaks"-Stephen.
Habang kumakain sila pumasok naman ang isang gwapong lalaki at dahil nakaupo sila paharap sa entrance kitang kita nila kung sino ito. Natulala si Stephen na tila tumigil ang pag ikot mundo. Parang bumagal ang lahat at nakatuon lamang ang kanyang tingin sa lalaki. "Hoy bhaks! Hala sya nangyari sayo tulala ka naman jan. Bakit ba sa tuwing nakikita mo yang si Oliver parang nawawala ka sa sarili mo ganyan ka ba kaadik sa kanya bhaks?!"-Shayne. "Heh! Kumain ka na nga lang jan bhaks ang daldal mo"-Stephen. Tila hindi man lang sila napansin ng lalaking pumasok dahil abala itong nakikipag kwentuhan sa kanyang kasama at dumiretcho ito sa counter upang umorder ng kanilang kakainin. Natapos na ang magkaibigan kumain ngunit tila ba ayaw pa rin ni Stephen umalis pero dahil alam nyang limitado lamang ang oras nila ay napilitan din itong tumayo at naisip nya ang kanyang madaldal na kaibigan baka kung anu ano na naman ang sabihin nito. Nakontento na lamang syang tignan si Oliver habang papalabas sila sa kanilang kinainan
Pagbalik ng magkaibigan sa opisina hindi pa rin mapakali si Stephen dahil hindi man lang nya nagawang magpapansin kay Oliver at nanghihinayang sya sa pagkakataong makausap man lang ito katulad ng dati kahit alam naman nya sa sarili nyang imposible ng maibalik ang dati nilang samahan pero ayaw nyang mawawalan ng pag asa na isang araw ay maibalik ang pagkakaibigan nila. Pagkatapos nyang kunin ang kanyang bag ay pumunta na sya cr para makapagtootbrush. Napapatingin sya sa malaking salamin na nasa harapan nya tuwing magbubukas ito nagbabakasaling makita nyang iluwa nito ang lalaking kanyang inaasam asam. Natapos sya sa kanyang ginagawa ngunit walang Oliver na nagpakita. Nakaramdam sya ng konting lungkot ngunit wala naman syang magagawa nahihiya naman syang lapitan ito para kausapin dahil wala naman syang maisip na pedeng idahilan para makapag usap sila. "Nasa iisang kompanya nga kami nagtatrabaho magkasama sa iisang account pero wala man lang pagkakataon para makapag usap" yan na lamang ang kanyang nasabi sa sarili.
Oliver
Papasok na kami sa isang fast food chain ng mga kasama ko ito na lang kasi ang malapit na pwedeng makainan sa madaling araw meron namang mangilan ngilan na kainan kaso kailangan pa maglakad ng di man kalayuan. Nakita ko si Stephen kumakain kasama ng kaibigan nya. Alam kong kaibigan nya yun dahil ilang beses ko na silang nakikitang magkasama. Sa mismong entrance pa talaga sila nakaharap kaya alam kong nakita nila kami ng mga kasama ko. Hindi ako nagpahalata na nakita ko sila kaya binaling ko agad ang aking sa tingin sa may counter at dumiretcho kami sa pila. Alam kong nakita nila ako at alam ko din na nakatingin sila ng kasama nya sa gawi namin. Pinakiramdaman ko kung lalapitan o tatawagin nya ako pero mabuti na lang at hindi. Hindi pa rin kasi ako handa na makausap sya o makipag kwentuhan sa kanya hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan pero panu ko yun makakalimutan ng tuluyan kung hindi maiiwasan na magkita kami at sa tuwing nakikita ko sya bumabalik lahat sa aking alaala ang gabing yun. Nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko tuwing naaalala ko. Paminsan minsan sinusulyapan ko sila ng palihim at tinitignan ang ginagawa. Napansin kong tumayo na sila at tapos ng kumain pero alam kong nakatingin pa rin si Stephen sa kinauupuan namin. Nagkunyari pa rin akong di ko sila napapansin hanggang makalabas sila ng tuluyan.
Samantala si Stephen ay nagiisip pa rin ng pwedeng nyang gawin para mapalapit muli kay Oliver. Bukod sa nanghihinayang sya sa kanilang pagiging magkaibigan dati hindi nya rin kayang lokohin ang kanyang sarili na lalong naging gwapo ngayon si Oliver at lalong nagpasabik sa kanya upang makasama ito. Hindi nya rin maikakaila ang espesyal nyang nararamdaman para sa binata. Noon at ngayon ay gusto nya pa rin ito at lalo pang nadagdagan ang pagtingin nya dito ngayon. Paminsan minsan ay napapansin na lang nya ang kanyang sarili na tulala sa kawalan sa tuwing maiisip nya si Oliver. Napapangiti sya sabay sasabihin sa sarili "Mapapa sa akin ka rin ulit. Hindi ako makapapayag na kay Sophie ka lang mapunta". Detirminado talaga syang muling makasama si Oliver at gagawin nya ang lahat para muling mapalapit dito.
BINABASA MO ANG
👬 A Strong Desire for Oliver 👬
RomanceAnu ang gagawin mo kung makikita at makakasamang muli ang taong nagpasaya sayo at ang taong naging dahilan din ng pag luha mo? Ang taong kinalimutan mo dahil sa pag iwas nya sayo ng hindi alam ang dahilan kung bakit at paano? I'll be going through...