Chapter 7

4 0 0
                                    

     "Hindi mahirap makahanap ng kaibigan, ang mahirap mahanap ay ang totoong kaibigan. Kaibigang maiintindihan ka sa bawat oras. Kaibigang nandyan pagmasaya ka at lalong nandyan pag malungkot ka. Hindi nagsasawa sa paulit ulit mong drama. Alam nya kung may problema ka kahit hindi mo sabihin. Isang tingin lang magkakaintindihan kayo. At kaibigang gagawa ng paraan para mapasaya ka."

Shyane

    Hindi ko alam kung paano ko matutulungan ang bestfriend ko. Ang hirap naman kasi ng problema nya samantalang ako hindi ko naman yun pinoproblema. Ayoko naman syang nakikitang malungkot at parang wala sa sarili. "Haiszt, naku naman" sabay buntong hininga. Kailangan ko syang tulungan anu pa at naging bestfriend nya ako kung wala naman akong gagawin. Kahit madalas magsungit yun mahal ko yun si bhaks.

     Bago umuwi galing sa trabaho naisipan muna ng magkaibigan na dumaan muna sa paborito nilang tambayan sa isang malapit na coffee shop. Sa tingin din kasi ni Shyane na kailangan ni Stephen ng presence nya at makakausap para kahit papanu mabawasan ang bigat ng nararamdaman nito. Mag isa lang kasi si Stephen sa apartment na tinutuluyan nya kaya malamang paguwi nya wala na syang pwedeng makausap. Umorder si Stephen ng classic cappuccino and  cinnamon roll, caramel latte and muffins naman kay Shyane. Pagkatapos nila umorder humanap sila ng mauupuan na tama lamang para sa dalawa. Tahimik lang si Stephen habang nakaupo sila nakatingin lang ito sa kawalan. "Uy! Bhaks alam mo malala na yang pag aadik mo. Itigil mo na yan mababaliw ka jan, promise."
Tahimik pa rin si Stephen na tumingin sa kanya at walang imik. "Mag pahinga ka kaya muna bhaks. Di ba malapit na rest day mo mag leave ka ng two days tapos deretcho sa rest day mo pak yun di ba. Tutal hindi mo pa naman yun nagagamit para naman makapagpahinga ka uwi ka muna sainyo sa Cavite."
Biglang napaisip si Stephen tama nga naman si Shyane kailangan nya nga siguro ng mahabang pahinga para kahit papanu makapagpahinga sya sobrang stress na rin kasi sya this past few weeks. "I think bhaks you're right maybe I need some rest and fresh air to breathe, a lot of bad things happened this past few weeks. Magpapaalam ako mag leave ng two days di ko pa naman yun nagagamit. Papayagan naman siguro ako maayos pa rin naman stats ko. Mas maayos pa kesa sayo."
"Hoy! Bhaks hiyang hiya ako sayo, kainin mo na nga lang yan ng mabusog ka. Pasmado bibig mo bhaks maraming lamig kailangan iventusa", sabay inirapan nya ang kaibigan.
Napasarap ang kwentuhan ng magkaibigan marami silang napagusapan napawi ang lungkot na nararamdaman ni Stephen dahil sa kanilang kwentuhan. Iniwasan din ni Shyane na mabanggit at mapagusapan ang tungkol kay Oliver dahil alam nyang malulungkot na naman ang bestfriend nya. Nagtagal ng mga ilang oras ang kanilang kwentuhan bago nila mapagpasyahang umuwi dahil kailangan din nilang magpahinga. Sabay naglakad ang magkaibigan papunta sa sakayan, iisa lang din ang sasakyan nilang bus pauwi kaya nasanay na rin silang magkasama umuwi lalo na kung may pagkakataon.

     Nang makarating si Stephen sa inuupahan nyang apartment di na nya nagawa pang magpalit ng damit. Binaba nya lang ang kanyang bag at hinubad and pantalon at pang itaas na damit at natira lamang ang kanyang puting brief na tumatakip sa kanyang bukol sa harapan. Humiga syang nakatihaya at nakatingin lang sa kisame. Kahit busy sa trabaho si Stephen at laging puyat makikita pa rin sa kanya ang matipunong katawan. Hindi mo ito paghahalataang pusong babae kung hindi mo sya kilala dahil sa kagwapuhan nito at lalaking lalaki kung kumilos. Parehas sila ng bestfriend nyang si Shyane pansinin ang kagwapuhan.
Nakatulog si Stephen ng hindi nya namamalayan dahil sa pagod at antok. Madalas kasi bago sya makatulog marami muna syang maiisip na kung anu ano, mga bagay na gumugulo sa isipan nya. Madalas nakakatulog syang umiiyak dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman nya at tanging kanyang unan lang ang kanyang karamay.

    Kinagabihan pumasok muli sa trabaho si Stephen sinunod nya ang payo ng bestfriend nya. Kinausap nya ang kanyang boss para makapag file na sya ng leave. Pinaliwanag nya ng maayos ang kanyang dahilan at sinabi nya ang sinabi ni Shyane na kailangan nya ng pahinga. Hindi naman sya nabigo dahil pinayagan naman sya ng team leader nya. Pagkatapos nyang makipag usap ay bumalik na sya sa station nya para bumalik sa kanyang trabaho. Naging maayos naman sya at hindi nya naalala ang kanyang problema hanggang umabot ng lunch break ay hindi nya namamalayan. "Bhaks, tara lunch na tayo." Kinalabit sya sa balikat ni Shyane.
"Sige bhaks last call na to kain na tayo."
Sa malapit pa rin na fast food chain pa rin sila kumain sa madalas nilang kainan. Medyo marami ang tao ngayon at mahaba ang pila. Wala din naman silang pagpipilian kung aalis pa sila dahil kailangan na naman nilang maglakad. Pagkatapos nilang umorder ay naghanap sila ng bakanteng mauupuan, sa upuang pang apatan sila umupo dahil may nauna na sa kanila sa pangdalawahang upuan na madalas nilang pwestuhan. Masaya silang kumakain at nagkukwentuhan dahil mukang maliwalas ang awra ng mukha ni Stephen. "Ay nga pala bhaks napag file ka na ba ng leave mo"?.
"Oo bhaks kanina nagsabi na ako syempre alam mo na kailangan pa ng paliwanagan pero pinayagan din naman ako kaya apat na araw tayo hindi magkikita simula bukas".
"Ay mamimiss kita wala ako kasabay kumain at umuwi. Alam mo naman malungkot pag mag isa akong uuwi mas lalo ko nararamdaman yung pagod".
"Apat na araw lang tayong hindi magkikita hindi naman ako nagresign magleleave lang ako bhaks".
"Kahit na, basta bago tayo umuwi daan muna tayo sa favorite coffee shop natin huh".
Habang busy silang nagkukuwentuhan biglang may lumapit na babae sa kanila. Sabay sila ditong napatingin.
"Stephen di ba? Natatandaan mo 'ko ako yung girlfriend ni Oliver yung pinakilala nya sayo, baka pwede kami maki share sa table nyo wala na kasing vacant eh kung ok lang naman", sabay ngiti ni Sophie.
"Oo naman sure, kaso dalawa lang tong sobrang upuan ilan ba kayo?" ngumiti din si Stephen samantalang nagulat si Shyane sa reaksyon ng kaibigan nya.
"Ako tsaka si Oliver lang naman, nasa counter sys umuorder"
Nagkatinginan ang magkaibigan sa narinig na sinabi ni Sophie. Wala ng nagawa si Stephen dahil nakakahiya naman tumanggi dahil naka oo na sya. Naupo si Sophie sa tabi ni Stephen na naka ngiti. Ngitian nya rin si Shyane.
"Salamat huh, ang dami kasing tao ngayon madalas naman hindi ganito".
"Oo nga eh ang daming tao ngayon"
Nakita ni Sophie na tapos na umorder si Oliver buhat buhat ang dala nitong tray. Kinawayan nya si Oliver para makita sya nito. Nang makita sya ni Oliver ay lumapit ito sa gawi nila.
"Babe, kinausap ko Stephen na kung pwede maki share sa table nila wala na kasing vacant eh pumayag sya ok lang naman daw, tara na upo ka"
"Ok lang ba sayo Stephen at sa friend mo?"
"Oo naman, para naman hindi tayo magkakilala sige upo ka na tsaka dalawang lang naman kami ni Shyane. Oo nga pala Oliver, Sophie si Shyane my bestfriend. Shyane si Oliver at Shyane".
"Hi" sabay ngiti ni Shyane ganun din ang pagbati ng dalawa.
Hindi alam ni Stephen ang gagawing reaksyon dahil kasama nya ngayon si Oliver at ang girlfriend nito at magkakaharap sila sa iisang lamesa. Dahil sa tabi na lang ni Shyane ang bakanteng upuan dun naupo si Oliver. Katabi ni Stephen sa kanan nya si Sophie. Kaharap naman ni Sophie si Oliver. Katabi ni Oliver si Shyane sa kanan nya at magkaharap si Stephen at Shyane. Kitang kita ni Stephen ang mukha ni Oliver sa kinauupuan nya kaya hindi nya maiwasang tignan ito. Ayaw naman nyang mahalata sya ni Sophie dahil nakakahiya at baka anu pa ang isipin nito sa kanya. Maya't maya naman silang nagkakatinginan ni Shyane. Tahimik silang apat habang kumakain walang may balak magsalita. Nagkakatinginan naman si Sophie at Oliver na parehong tahimik din.
"Salamat  nga pala sa inyo kung hindi nyo kami pinaupo dito baka kumakain kaming nakatayo". Pagbasag ni Oliver sa katahimikan.
"Your welcome, wala din naman uupo jan  kaya ok lang" sagot naman ni Shyane.
Nang matapos si Stephen at Shyane kumain ay nagpaalam na sila kina Oliver at Sophie.
"Nakakahiya man pero mauna na kami sainyo may gagawin pa kasi kami." Ang paalam ni Stephen
"Uy salamat ulit huh" sabi naman ni Sophie
Tumango naman si Oliver at ngumiti sa kanila.
"Mauna na kami sainyo nice meeting you ulit" ang paalam naman sa kanila ni Shyane na nakangiti.
Nang makalabas na sila hindi naman napigilan ni Shyane ang sarili na magsalita. "Sya pala yung girlfriend ng pinapantasya mong si Oliver. Maganda sya kung lalaki ako baka magkagusto din ako sa kanya. Mukha namang mabait kaya hindi nakapagtatakang magustuhan sya ni Oliver."
"Tama ka maganda nga sya at mukha ding mabait. Sige pa pagdiinan mo pa sa pagmumukha ko bhaks."
"To' naman biro lang"
"Hayaan na nga natin sila hwag na natin sila pagusapan.

Stephen

    Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko kanina ng makita ko si Sophie at Oliver. Magkakasama kaming kumain at magkakaharap sa isang table. Aaminin ko naiilang talaga ako at hindi komportableng kaharap sila pero masaya pa rin ako dahil nakausap ko si Oliver at kitang kita ko ang napaka gwapo nyang mukha. Sobrang namiss ko ang mga ngiti nya at muli ko iyong nakita kanina. Mukha talagang mahal nila ni Sophie ang isat isa at hindi ko maikakailang bagay talaga sila. Maganda si Sophie at mukha ding mabait kaya hindi nakapagtatakang magustuhan sya ni Oliver. Tama na din siguro na tuluyan ko ng kalimutan si Oliver kasama ang nararamdaman ko para sa kanya. Masaya na sya at kailangan ko na din maging masaya para sa kanya para sa kanila ni Sophie. Hindi man maibalik ang dati naming pagkakaibigan kailangan ko yung tanggapin ng maluwag sa aking dibdib.

  Napag isip isip ni Stephen na kailangan na nyang kalimutan si Oliver at kalimutan ang matagal na nyang nararamdaman para dito. Masaya na ito sa piling ni Sophie at halata namang mahal nila ang isa't isa. Makakagulo lang sya kung ipipilit nya pa ang gusto nya. Sya lang din naman ang aasa at masasaktan sa huli.

Oliver

  Hindi ko alam kung anung meron sa araw na ito at punong puno ng tao ang fast food chain na madalas naming kainan. Madalas naman walang masyadong taong kumakain dito. Dahil marami ang tao ako ang pumila sa counter para umorder ng pagkain namin ni Sophie. Sya naman ang naghanap ng mauupuan namin. Mahaba ang pila at medyo natagalan ako at inabot ng ilang minuto bago naka order. Nang matapos akong umorder hinanap ko si Sophie pero di ko sya makita sa dami ng tao. Nakita ko lang sya ng kumaway sya mula sa kinauupuan nya at nilapitan ko sya dala ang tray ng inorder ko. Hindi ko inaasahan ang nakita kong kasama nya sa isang table si Oliver at ang kaibigan nito. Nagulat ako ng makita ko sila lalo na si Stephen pero hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil mukha namang ok sa kanila na maki share kami sa table nila. Mukha ring mabait ang kaibigan nyang si Shyane hindi naman nakakailang katabi yun nga lang ang tahimik namin habang kumakain. Walang umiimik na tila ba mga pipe at bingi. Masaya akong makita si Stephen matagal na ng huli kong makita ang mga ngiti nya. Naisip ko nga nakakamiss din pala syang kasama. Siguro sa susunod na magkasalubong kami hindi na ako iiwas at ako na mismo ang makikipag usap sa kanya. Sa totoo lang nakakaramdam ako ng saya at lungkot ng makasama namin syang kumakain. Saya dahil kahit papanu ok na ako na makita at makausap sya namiss ko rin si Stephen sa totoo lang habang kumakain ako naiisip ko yung mga ginagawa namin dati na magkasama at masaya. Malungkot dahil hindi man lang kami nakapag kwentuhan alam ko namang naiilang sya dahil kasama namin si Sophie. Napapansin ko rin na tinitingnan nya ako na kunyaring hindi ko nakikita. Nagpaalam sila na muuna na ng matapos silang kumain at naiwan kaming dalawa ni Sophie na kumakain pa rin. Naintindihan ko naman dahil may oras lang ang lunch break namin at nauna silang dumating samin. Habang tinitingnan nya ako kanina hindi ko na namang maiwasang maisip ang nangyari sa amin at naramdaman kong nagising ang aking alagang nakatago.

👬 A Strong Desire for Oliver 👬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon