"Anu sasakyan mo pauwi?" tanong ni Oliver kay Stephen ng makalabas sila ng building na kanilang pinapasukan.
"Bakit? Ihahatid mo ba ako?"
"Ahh... eh hindi"
"Ohh... bat mo tinatanong?"
"Wala, bakit masama ba?"
"Hindi" sabay tingin kay Oliver ni Stephen at binigyan nya ito ng isang ngiti.Habang naglalakad silang dalawa papunta sa sakayan naisip ni Stephen na yayain si Oliver dumaan sa isang malapit na coffee shop.
"Oliver, uuwi ka na ba?"
"Ay hindi! Papasok pa lang ako", pilyong sagot ni Oliver sabay tawa. "Hahahahahahahahahaha..."
"Nye! Nye! Nakakatawa", inis na sagot ni Stephen.
"Oh bakit, galit ka na nyan huh?" Sabay tapik sa balikat ni Stephen. "Biro lang to naman, ngayon na nga lang tayo ulit nagsama susungitan mo pa ako. Hanggang ngayon masungit ka pa rin".
Lihim na napangiti si Stephen sa sinabi ni Oliver. Sa totoo naman talaga ay matagal silang hindi nagsama at nagkausap. Matagal din ang panahon na hinintay ni Stephen na mangyari ulit ito at makasama ang lalaking kanyang minahal noon at mahal nya pa rin hanggang ngayon. Hindi nya man maipakita ng harapan kay Oliver kung gaano sya kasaya pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay labis ang tuwa na kanyang nadarama. Gusto ni Stephen na isigaw ang kanyang nararamdaman kung gaano sya kasaya pero hindi nya magawa dahil sa mga mapang husgang tao sa kanyang paligid at baka isipin pa nilang nababaliw ito."Would you like to grab a coffee?" biglang nasabi Stephen dahil sa sayang nadarama.
"Seryoso ka? Di ka pa ba nagsasawa sa kape?"
"To' naman, iba naman yung kape sa office. Ok lang kung ayaw mo".
"Sige na sige na... tara na" sabay akbay kay Stephen at ngumiti.
Hindi maitatanggi ni Stephen sa kanyang sarili kung gaano sya kasaya ngunit ayaw nya itong ipahalata kay Oliver.
Sa malapit na coffee shop sila pumunta na madalas nilang puntahan ng bestfriend nyang si Shyane. Umorder si Oliver ng Classic Cappuccino at Cafe Americano naman kay Stephen. Naupo sila sa pangdalawahang lamesa para walang makaistorbo sa kanila. Nais namnamin ni Stephen ang mga sandaling kasama nya si Oliver dahil hindi nya alam kung kailan muli itong mauulit. Tahimik silang dalawa habang nakaupo tila nag aantay kung sino ang unang magsasalita. Nabasag lamang ang kanilang katahimikan ng magtanong si Stephen."Kamusta kayo ni Sophie? Matagal na ba kayo?"
Napangiti si Oliver at tumingin kay Stephen na tila gusto nitong tumawa dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"Anung matagal?" Balik na tanong ni Oliver.
"I mean yung relasyon nyo di ba girlfriend mo sya?" patay malisyang tanong ni Stephen. Nasabi na sa kanya ni Shyane ang totoo relasyon ng dalawa ngunit nais nyang malaman mismo galing kay Oliver kung anu ba talaga sila ni Sophie."Matagal na kami ni Sophie, matagal na ring magkaibigan. Oo alam ko na iniisip ng lahat ng tao sa office eh kami ni Sophie. Hindi ko sya girlfriend at hindi nya ako boyfriend. Ang totoo nyan mahal talaga ako ni Sophie higit pa sa kaibigan. Mag aantay daw sya hanggang mahalin ko rin sya tulad ng pagmamahal nya sakin. At hanggat wala daw akong nagugustuhan at walang girlfriend di sya mawawalan ng pag asa. Baliw kasi yung babae na yun pero masaya at maswerte ako na naging kaibigan ko sya. Sya yung laging nandyan pag kailangan ko ng makakausap at masasabihan ng problema. Yung nga lang laging tinatarayan ang mga babaeng umaaligid at alam nyang may gusto sakin. Mahal ko naman sya yun nga lang bilang isang kaibigan at kapatid. Nagkakaintindihan naman kami sabi nya nga sabihin ko lang daw sa kanya kung may magustuhan na ako at tutulungan nya ako. Baliw talaga yun pero espesyal sya para sakin masungit mataray pero sobrang bait nun".
Tahimik lamang na nakikinig si Stephen na paminsan minsan ay tumitingin sa mukha ni Oliver. Masaya syang pinapakinggan si Oliver habang nagkukwento ito. Ngayong sa bibig na mismo ni Oliver nanggaling ang katotohanan mas lalong naging masaya si Stephen. Lalo pat nalaman nyang walang karelasyon si Oliver at hanggang ngayon ay single ito.
"Ikaw, may boyfriend o girlfriend ka ba ngayon?", tanong ni Oliver.
"Ako, walang boyfriend mas lalo namang walang girlfriend. Sobrang busy sa trabaho walang oras para sa lovelife".
"Ahh sayang naman pala" sabay ngiti.
"Sayang? Bat sayang?" balik tanong ni Stephen na nagtataka.
"Ahh wala naman, hahahahahahah...hahahaha" sabay tawa ng nakakaloko ni Oliver.
BINABASA MO ANG
👬 A Strong Desire for Oliver 👬
RomanceAnu ang gagawin mo kung makikita at makakasamang muli ang taong nagpasaya sayo at ang taong naging dahilan din ng pag luha mo? Ang taong kinalimutan mo dahil sa pag iwas nya sayo ng hindi alam ang dahilan kung bakit at paano? I'll be going through...