Isang gabi pag uwi ko galing sa isang mall nabigla ako nang may madatnang bisita sa aming terrace. Si Renz at si Miguel. May nakahandang alak at lechong manok sa maliit na table. Hindi ko alam kung paano sila babatiin dahil alam ko namang malaki ang pagkukulang ko sa kanila bilang kaibigan.
"Bro, bakit ganyan kang makatingin, huwag mong sabihing hindi mo na kami kilala o baka kailangang magpakilala pa kami sa iyo?" nakangiting bati ni Renz.
Speechless pa rin ako.
"Brader, ibig mong sabihing hindi ka na nakakaintindi ng tagalog ngayon, pure English ka na ba?" ang pagpapatawa naman ni Miguel.
"Ano ba kayo, siyempre kilala ko kayo nabigla lang ako, pinaplano ko pa naman na bisitahin kayo medyo busy nga lang." Pagpapalusot ko.
"Asus, talaga lang ha, kahapon ka pa pala nandito sabi ni Tita hindi mo man lang kami pinasyalan. Apat na araw ka daw dito. Nagbakasakali lang kami na matyempuhan ka, sabi naman ni Tita ay nagtext ka na pauwi ka na kaya naghintay na kami." si Renz.
"Sorry talaga, marami na ang nangyari at mahirap magpaliwanag, huwag kayong mag alala, babawi ako sa inyo."
"Talagang kailangan mong bumawi, simula nung nagkatrabaho ka hindi ka na namin nakikita, naintindihan namin yun, pero ngayong narito ka hindi pupwede, gagabi-gabihin namin ang pagpunta dito kung hindi mo kami pupuntahan, ngayon pa na kaming dalawa na ni babe.
Babe ang itinawag ni Renz kay Miguel, hindi ko binigyan ng malisya iyon kasi alam ko namang maloko talaga ang taong ito.
"Siya kumain ka muna at mahaba haba ang pag uusapan natin don't worry may approval na ito ni Tita dahil wala kang pasok bukas.
"Huwag kang mag-alala maiintindihan ka niyan, siya nga pala bago ko malimutan kami na ni Miguel. Isa iyan sa mga hindi mo alam na nangyari."Ngumiti naman si Miguel.
Putek kaya pala tinawag niyang babe si Miguel. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon ang mga tropa ko sila rin pala.
"Talaga! Congrats, hindi ko naisip na pwede palang maging kayo. Hahaha, I'm happy for both of you. Iyan kasing si Kupido pag pumana hindi mo talaga ma pi predict, kahit ayaw mo minsan at parang imposible pwede palang mangyari kaya wala kang magagawa" ang parang wala sa loob na sagot ni Miguel.
"Parang sising sisi ka naman sa naging kapalaran mo ah." Ang biglang putol ni Renz.
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, napag uusapan lang." Paliwanag ni Miguel,
"Ayusin mo kasi ng hindi ka nakaka offend. Iyan ang problema sa iyo minsan napaka insensitive mo"
"Ikaw ang madalas nagpapalaki ng issue kahit wala namang kwenta ginagawa mong big deal."Hey! Ano ba kayo, hindi bat kaya kayo pumunta dito ay para magsaya tayo kung ganyan din lamang kayo ay tigilan na natin ang usapang ito.Umuwi na lamang kayo at papasok na rin ako."Para namang pareho silang napahiya. Maya maya ay nagsalita si Renz.
"Sorry bro, ganito lang naman kami niyan pero mahal ko iyan kahit ganyan iyan na lagi na lang akong sinasaktan..."pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Okey na tama na iyon alam ko naman na in love kayo sa isat isa, ingatan ninyo iyan kasi pag pinakawalan ninyo ang hirap ng bawiin pa, masaya ako at masaya kayo.
Marami pa kaming napagkwentuhan at nangako akong bibisathin ko talaga sila. Tama nga lang na puntahan ko sila dahil maganda naman ang pinagsamahan namin at marami na kaming napagdaanan bilang magkakaibigan. Alam naman nilang mahina ako sa pag inom kaya halos silang dalawa rin lang ang umubos ng dala nila. At hindi ko naman sila binigo nang sumunod na araw ay pinuntahan ko sila at nag reunion kami kahit kulang kami ng isa.Shyane
Lunch break at dahil wala si Stephen mag isang kumain si Shyane sa fast food chain na madalas nilang kainan. Tinatamad sana syang lumabas pero ayaw naman nya ang mga pagkain sa canteen nila kaya naman wala syang pagpipilian kundi ang lumabas para kumain. Mag isa syang naglakad habang hawak ang cellphone nya. Nang makarating sa sya dun dumiretcho sya sa counter para umorder ng kakainin nya, two piece salisbury steak at large iced tea. Pagkatapos nyang umorder dala nya ang tray at naghanap ng mauupuan ng may tumawag sa pangalan nya. "Shyane!" kinawayan sya nito ng naka ngiti. Nilapitan sya ni Shyane. "Dito ka na lang umupo wala naman kasi akong kasama" ang sinabi ni Sophie ng makalapit si Shyane sa table nya. "Salamat, sige dito na lang ako wala din kasi akong kasama wala kasi si Stephen naka leave. Ikaw bat mag isa ka asan ang boyfriend mo?".
"Ahh si Oliver, wala sya absent kaya ito mag isa akong kumakain".
Naisip ni Shyane na pagkakataon na nya ito para makakwentuhan si Sophie at matanong tungkol sa kanila ni Oliver.
"Ang gwapo ng boyfriend mo kaso ang daming umaaligid sa kanya sa office buti hindi ka naiinis sa mya yun?"
"Naiinis syempre sarap nga pagkakalbuhin ei, ang lalandi kaso wala naman akong magagawa gwapo talaga si Oliver at sobrang bait".
"Bat naman wala kang magagawa eh girlfriend ka naman nya". Napangiti si Sophie, "sana nga totoong girlfriend na lang nya ako".
"What do you mean?". "Well, ang totoo nyan hindi ko talaga boyfriend si Oliver at hindi nya ako girlfriend". "Huh!? Anung ibig mong sabihin na hindi kayo. Break na ba kayo?"
Nagulat si Shyane sa narinig na sinabi ni Sophie. Kinwento naman ni Sophie kay Shyane ang lahat.
“Hindi, hindi naman naging kami.”
“Paano nangyari iyon?”
“Mahabang kwento Shyane"
“Handa akong making, kahit abutin pa tayo ng umaga”
“Mahal ako ni Oliver, at minahal ko rin siya higit pa sa isang kaibigan.”
“So panong hindi kayo?”
“Pumayag syang maging kami sa harap ng ibang tao, Kasi alam naman nyang mapagkakatiwalaan ako. Mahal ko sya sapat na iyon sa'kin."
“Alam ba niya ang totoong nararamdaman mo?”
“Oo Shyane sinabi ko sa kanya at kung dumating ang panahon na wala pa rin syang girlfriend at magugustuhan handa pa rin akong tanggapin sya. At nangako ako na kapag dumating ang panahon na iyon mamahalin ko siya ng buong buo.”
“Napakabuting tao pala talaga nya"
"Ako ang naging karamay nya. Sa'kin nya nailalabas ang lahat ng bigat na dinadala nya, sa'kin nya nasasabi lahat ng pinagdadaanan nya noon.”
“So meaning iyong mga paglalambingan ninyo hindi iyon totoo?”
“Totoo iyon Shyane, masaya kaming magkasama, at hindi iyon pakitang tao, pero alam naman namin na hindi talaga kami.”
“Pero mahal ka ni Oliver?"
“Mahal nya rin ako, higit pa sa isang kaibigan, parang kapatid ko na siya.”
“Mahal ka pa rin ba niya hanggang nagyon?”
“Noon oo, pero sa pagdaan ng panahon, pakiramdam ko nawala na rin iyon, kahit matulog kami na magkatabi wala namang nangyayari sa amin. Siguro nga mahal na lamang niya yung idea na mahal ko sya dahil sa haba ng panahon na parang naging kami.”
Sandali siyang natahimik bago nagsalita ulit.
“Paano kayo ngayon?”
“Hindi ko alam basta mahal na mahal ko ang kaibigan kong yun gagawin ko ang lahat para maging masaya sya.
Hindi makapaniwala si Shyane sa mga narinig mula kay Sophie. Nakaramdam sya ng lungkot habang nagkukwento ito sa kanya. Pero napatunayan nyang mali pala ang akala ni Stephen sa kanilang dalawa hindi pala talaga sila. Hindi nya alam kung sasabihin nya ito kay Stephen dahil alam naman nyang gusto na nitong makalimutan si Oliver pero may nagsasabi din sa isip nya na karapatan din ng kaibigan nya na malaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
👬 A Strong Desire for Oliver 👬
RomanceAnu ang gagawin mo kung makikita at makakasamang muli ang taong nagpasaya sayo at ang taong naging dahilan din ng pag luha mo? Ang taong kinalimutan mo dahil sa pag iwas nya sayo ng hindi alam ang dahilan kung bakit at paano? I'll be going through...