Chapter 5 - Deal o No Deal?

13.6K 253 6
                                    


❤❤

"Miracle. . babe?!" Jacob cupped her face with his both hands. Pinanggigilan nito ang mukha nya

"Ba't ka naglalasing?" seryosong tanong nya rito. Pero ang loko-loko inilapit ang mukha nito sa kanya. Naamoy nya ang pinaghalong natural na bango ng binata at amoy ng alak. Jacob is looking at her intently. Napalunok sya ng tumitig ito sa mga labi nya. What is he doing? Don't tell me hahalikan nya ako sa harap ng mga kaibigan.

"B--aby. . you came for me huh?"

Inilayo nya ng kaunti ang mukha rito.

"Let's go. Iuuwi na kita." hindi nya pinahalata na naiinis na sya. Pinaggagawa ba ng lalaki na to?! Ganito ba ito pag nalalasing.

Inilayo nito ng kaunti ang mukha sa kanya at hinarap ang mga kaibigan.

"This is my girlfriend! Miracle Sabrina Kim. ." anunsyo nito sa lahat.

Napasinghap sya ng sinubukan ni Jacob na tumayo pero natumba ito at sumubsob ang mukha sa mesa.

"Jacob!" mabilis nya itong dinaluhan.

"C'mon Bud get up!"singhal ng isa sa mga kasama nito na singkit at tinulungan itong makabangon. "You know how to drive?I'm sorry pero di ko na maihahatid ang isa na to." sabi nito sa kanya.

"I h-ave my car." maikling sagot nya. Tinulungan nya itong alalayan pasandal si Jacob sa sofa.

"Hi I'm Kazier. It's nice to meet you Miss Miracle." masiglang pakilala ng isa pang lalaki. He had a green set pair of eyes. Nasisiguro nya na may lahi itong foreigner. "That's Duke." pakilala nito isa pang lalaki na seryoso ang awra at walang ka ngiti ngiti sa labi. Duke has a deep oceanic blue eyes. Katulad ni Kaizer si Duke ay maputi rin at hindi mo mahahalatang may lahing pinoy. Nakakakilabot ang mga malalim at malamig na ekspresyon ng mga asul nitong mata. So yan pala ang sumagot ng tawag nya kanina. "And the Vaughn Iuhance." nakangisi na pakilala ni Kaizer sa lalaki na umalalay kay Jacob. Maikling tango lang ang isinagot nito. Tulad ni Duke, napakaseryoso din ng awra nito at ang mysteryoso ng mga titig.

"Miracle Sabrina!" a familiar voiced call her from behind. Santi Migz! Napaka wrong tyming mo! Papaano ito nakapasok sa Bar e 16 lang ito!

Napatingin ang tatlong kasama ni Jacon kay Santi na nagtataka. Mabilis na lumapit si Santi sa kanila na galit ang pagmumukha.

"I called you many times! Your Dad tracked your car and he's coming here! We have to go now!" mabilis na hinablot ni Santi ang kanang kamay nya at hinila sya patayo.

"Santi wait!" pigil nya rito.

"Let go of her hand young man!" an authoritative voiced stunned her. Mahigpit na humawak ito sa kaliwang kamay nya para pigilan syang umalis. Mabilis syang lumingon rito. Nagulat si Miracle ng bigla na lang itong tumayo at hinablot ang kamay nyang hawak ni Santi. "Touch her again and I will kill you!" napatanga sya sa binata at kita nya ang galit sa mga mata nito ky Santi. Lalong namula ang mga pisngi nito.

Hindi alam ni Miracle ang gagawin. Why is Jacob acting like this?! Bakit ba bigla na lang ito nagagalit ky Santi?! Dala siguro ng kalasingan. And she really need to go! Parating na daw ang daddy nya!Panigurado na grounded na naman sya pag naabotan sya ng Ama.

Santi let go of her hand. "She needs to go now. Nasa panganib sya." kalmadong paliwanag ng kaibigan. D'mn! let go of me now! She does'nt know what to do! Panigurado na mapapahiya sya sa mga kaibigan ng negosyante na to. She even said to them na girlfriend sya ni Jacob. Pag sumama sya ky Santi masisira lahat ng plano nya.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon