Chapter 29 - Letting Go.

11.4K 248 21
                                    


You looked inside my fantasies.
And made each one come true.
I've kept the memories one by one.
Since you took me.
I know I'll never love this way again.
So I keep holding on
but now I have to let go.

-Miracle

❤❤

Sa nanginginig na mga tuhod. Pinilit nyang maging matatag at umakto ng normal pag nakaharap na ang nobyo. Kanina pa sya umiyak sa opisina ng Daddy nya. Pero parang hindi yata maubos-ubos ang luha nya. Nagbabadya na naman na pumatak ito sa mga pisngi nya. Mabilis syang sumingot at tumingala para pigilan ang pagtulo nito.

She took a deep breath and calm herself bago kumatok sa opisina ng nobyo. Wala syang pakialam kung nakamasid si Bea sa kanya. Sigurado sya na magtatanong si Jacob pag nahalata nito ang pamumula ng mga mata nya.

Marahan nyang itinulak ang pinto at sumilip. Seryosong nagbabasa ang nobyo ng papeles. She wanted to run towards him and cry out loud. She took a deep breath again at inayos ang sarili.

"Babe!" pinasigla nya ang boses.

Napaangat ito ng mukha at malapad na ngumiti ng makita sya. Kinagat nya ang pang ilalim nyang bibig para pigilan ang sarili na wag mapahikbi.

"Beautiful! Ikaw ha ang hilig mo manorpresa. Hinuhuli mo ba ako kung may tinatago ako dito huh." Alam nya na nagbibiro lang ito. Mabilis syang lumapit at niyakap ito mula sa likuran.

Sa tingin nya magkakasugat na sya sa pang ibabang labi sa pagkagat nito wag lang sya pumalahaw ng iyak sa harap ni Jacob.

"I m-iss y-ou." hindi nya maitago ang panginginig ng boses.

Mabilis syang hinila ng nobyo at pinaupo sa mga hita. Jacob wrap his arms around her waist.

"Uhm. Miss me or you miss our sexy wild love making baby?" kumindat pa ito at dinilaan ang labi. Inaakit na naman sya. Kahit papaano na kalma sya ng husto sa kalokohan ng nobyo. Napanguso sya.

"Nagugutom ako babe. Please. . order ka ng food." hindi na sya nakapananghalian dahil sa pag-uusap nila ng Daddy nya.

"Pwede bang mamaya na babe. I want to make love to you here in my office."

"Babe. Sige ka pag ako namatay sa gutom mumultohin kita."  nag simula na naman syang malungkot ng tumawa ng magiliw si Jacob. Lalo syang nilalamon ng konsensya nya. She will not allow Kaito to ruin Jacob's life again. Masaya na ang binata sa bago nitong mga magulang. Masaya ito bago pa sya makilala.

"Okay. Panalo ka na. Ganda mo talaga babe." Itinaas pa nito ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko.

Hindi nya napigilan ang sarili na yakapin ulit ito.  Nagulat man ito sa ginawa nya pero hindi na ito nagtanong. Bagkus ay gumanti din ito ng yakap at ramdam nya ang paghalik nito sa nuo nya.

"Remember that I love you babe."

Parang pinipiga ang puso nya sa narinig. Kagat-kagat na naman nya ang labi para wag mapahikbi sa harap ng nobyo.

"I l-ove you my Jacob Tanaki." Pakiramdam nya ito na ang huling pagkakataon na sasabihin nya ito sa nobyo. Nangilid ang mga luha sa pisngi nya. Mabilis nya itong pinunasan ng bumitaw ng yakap si Jacob. Laking pasalamat nya ng hindi ito nakatingin sa kanya. Inalalayan sya nitong tumayo at inakbayan palabas ng opisina

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon