Chapter 6 - Naughty Miracle.

14.7K 287 18
                                    

❤❤

Napahawak sya sa batok habang nakatingin sa monitor ng laptop nya. Bigla yatang sumakit ang ulo nya sa makulit na bata na yon. Yes! Bata because she is only 20 years old! Konektado sa cctv ang lahat ng floor ng building na ito sa laptop nya. Nakita nya ang pagdating ni Calixto at giniya ang dalaga papaba.

Pinasasakit ng bata na yon ang ulo nya! Paano nito nalaman ang opisina nya? at paano ito nakapasok kaagad?

At bakit nya ito pinahatid sa bahay nila? panigurado magugulat ang Mommy Faye nya! Paano nya pagsasabihan ang bata na yon e kahit numero wala sya nito! Baka kung ano-ano pa ang sabihin ni Miracle sa Mommy nya. Mabilis nyang tinawagan ang ina.

"Son napatawag ka?"

"Mom. I s-end someone there. Take good care of her. Uuwi na lang po ako ng maaga." He took a deep breath. Sigurado na iba ang iisipin ng Mommy nya.

"Her? Talaga anak?! Girlfriend mo ba?" nasabik bigla ang mommy nya. Napahawak lalo sya sa batok! Paano ba nya ito ipapaliwanag sa ina?! Lalo't may dalang mga maleta ang bata na yon.

"I'll explain later Mom. Miracle Sabrina. That's her name. And Mom, I'm warning you. Stop talking about me to her."

"Nako anak.. Papuwiin ko ang Dad mo ngaun din. Kami na ang bahala sa kanya. Bye."

Marahas na napasandal sya sa swivel chair at napapikit ng mata.

"I'm not a bad person Mr. Tanaki! I just need your help."

Bakit kaya gusto nitong e hack ang kompanya ng sariling ama. Napaisip sya at umayos ng upo ulit.

Nagtipa sya ng pangalan nang dalaga sa laptop.

Miracle Sabrina Kim only daughter of Kim Shi Jo. A Korean businessman.

Yon lang ang mga nababasa nya tungkol sa dalaga. He tried to search for her father's name. Pero katulad ng dalaga wala masyadong impormasyon tungkol rito. Mukhang napakapribadong tao ang Ama nito.

Mamaya na nya sa bahay itutuloy ang pag search tungkol sa Ama ng dalaga Panigurado sya na may malalim na dahilan ito.

"Haist!" padamog na tumayo sya at naglakad palabas ng opisina nya.
-----

Yung kaninang excitement ang nararammdaman ni MIRACLE. Ngaun ay napalitan ito ng kaba ng makita na tumigil ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa bahay ni Mr. Tanaki. Kita nya kasi ang isang mataas na steel gate na pininturahan ng itim.

"Ma'am Miracle kailangan nyo po munang humarap sa security camera sabi ni Sir Jacob bago tayo tuluyan makapasok sa loob ng bahay." ika ni Kuya Calixto.

Ibinaba nito ang bintana sa gilid nya. camera? Para saan?!gusto nyang isatinig kay Kuya Calixto. Nagulat pa sya ng may nagsalita na parang robot ang boses.

"Goodafternoon. Are you a guess? If yes. Face the camera. If a thief. Backoff!" ika ng isang maliit na monitor na bigla na lang sumulpot sa harapan nya mula sa pagkakatago sa doorbell ng gate.

"Wow! infareness kuya ang galing!" namangha sya at napasinghap pa.

Mabilis syang tumingin sa maliit na monitor. Nakita nya ang mukha nya sa monitor at may kulay berdeng guhit ang dumaan. Nang ma e-scan ang mukha nya ay may nag loading sa screen at ng mag 100% ay nagsalita ulit ito.

"100% safe! Welcome to Villaflor Mansion Miracle Sabrina Kim!" mabilis na tumiklop ito patago ulit sa doorbell.

"Wow! Ang astig!"

"For security check po yon Ma'am."

Natuon ang pansin nya sa harapan ng bumukas ang mataas na gate. Lalo syang napasinghap ng bumungad sa kanya ang isang kulay itim na malaking bahay. The house is so beautiful. Moderno at sinadya talaga ang pagkakadisenyo. The wall glasses are so perfect dahil kumikinang ang mga ito sa reflection nagmumula sa tubig ng malaking swimming pool sa harap. She saw benche and Mini bar sa kaliwang bahagi ng pool.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon