Chapter 38 - Hidden feeling

11.5K 231 8
                                    


❤❤

Nang umalis si Daddy Art ay kaagad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Kaito. Kahit bigla syang nakaramdam ng pangangatog ng mga tuhod. Hindi nya ipapahalata dito ang takot.

"Mrs. Tanaki? at pinakasalan mo pa talaga ang anak ko! I told your Dad. Sisirain ko ang buhay ni Yushiko pag hindi ka nakipaghiwalay sa kanya! Sinira nito ang buhay namin! Kaya dapat lang na hindi ka pwede maging masaya! Ikaw ang magbabayad sa lahat ng ginawa ng ama mo." kalmado na panimula nito pero ramdam nya ang galit at pagkamuhi sa kanya.

"Kung tungkol ito sa ginawa ng Dad ko sayo 22 years ago Mr. Tanaki. Ako na ang humihingi ng tawad kahit alam ko na hindi mo tatanggapin. Ginawa lang nito ang nararapat para maituwid kayo sa masamang gawain."

Ngumisi ito na parang demonyo.

"Tawad? You don't know anything? Iba ba ang sinabi ng anak ko? I plan this all my life! At ayoko ko na sa huli si Shi Jo pa rin ang mananalo! Inagaw ng Ama mo si Samantha sa akin! I like her the first time I saw her! Ako ang nauna na nanligaw kay Samantha pero siniraan ako ng Ama mo! At ang kapal ng mukha mo na pakasalan ang anak ko!Ikaw ang magiging kabayaran!"

Nagulat sya sa mga narinig.

"Y-ou like my Mom?" hindi makapaniwala na naibulalas nya. Gusto nito si M-ommy? Ito ba ang dahilan ng lahat na nangyayari ngaun?

"Layuan mo si Yushiko! dahil kapag hindi! I will ruin his life! Hindi kita matatanggap para sa anak ko! Sinira ng ama mo ang buhay namin! Samantha is mine! And she will be mine pag napatay ko na ang Ama mo!" parang demonyo na tumawa ito.

Naguluhan sya sa mga sinabi ni Kaito. Bigla syang nakaramdam ng awa rito. Hindi pwede mapeke ang sakit na nakikita nya sa mga mata nito. Posible nagsasabi ito ng totoo.

Sino ba ang dapat ko paniwalaan? Ang Daddy ba t-alaga sumira ng buhay ng mga Tanaki?

Bigla syang nanlamig sa sinabi nito na papatayin ang Dad nya at nakaramdam ng matinding pagkahilo.

Not again baby. . Wag ngaun. . 
Napapikit sya ng mga mata at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Babe!" Napamulat sya ng marinig ang boses ni Jacob. Nagmamadali ito na lapitan sya at mabilis na pinatayo sa upuan.

"Umalis ka sa pamamahay ko!" galit na sabi ni Jacob kay Kaito at mahigpit na hinawakan ang mga kamay nya at tinago sya sa likuran nito.

"Bakit mo pinakasalan ang babae na yan? You knew everything Yushiko! Inagaw ng ama nito si Samantha sa akin at nagkanda letche! ang buhay natin simula ng siraan ako ni Shi Jo sa trabaho!"

"Shut up! Just shut up! Umalis ka na ngaun din!" kita nya ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Jacob.

"No! Hindi ako aalis hangga't hindi nalalaman ng babae na yan ang totoo. Alam kung hindi mo sinabi sa kanya ang totoo! Nabulag ka na sa lintek na pagmamahal mo na yan!" bumaling ang tingin ni Kaito sa kanya. Puno ng pagkamuhi ang mga tingin nito. "Ang ama mo ang dahilan na nawalan ako ng trabaho at hindi totoo na may illegal ako na ginagawa. Sinadya at planado nya lahat para e set-up ako! And my sons knew everything!"

"W-hat?" Lalo syang nanginig sa mga narinig. Is it really my Dad's fault? B-akit kahit ang mommy nya walang sinabi tungkol dito?

"Umalis ka na utang na loob!" Nagmamakawa na ang boses ni Jacob. Ngaun lang nya nakita ito na nanghina. Halata na nagpipigil ito ng galit.

"Is t-hat true babe? B-akit hindi mo sinabi ang lahat sa akin?" sumbat nya sa asawa at nagsimula ng tumulo ang mga luha nya na kanina pa nya kinikimkim.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon