Chapter 9 - The Past

14K 320 10
                                    


❤❤

Ilang minuto pa lang sila nasa daan. Pero nakaramdam na ng pagkainip si MIRACLE. Ayaw nya kasi ng ganitong ambiance. Naiinip sya pag nasa tahimik sya na lugar o sitwasyon. Kaya nga si Santi na bestfriend nya tinatakpan ang bibig nya pag nangungulit at daldal ng daldal sya. Seryoso lang kasi na nagmamaneho itong katabi nya at wala yatang balak kausapin sya.

"Ahm. Jacob hindi ba natin pag uusapan ang tungkol sa-"

"Babe! you call me babe. Yon naman ang tawag mo sa akin. And you are my girlfriend." putol nito sa sasabihin nya.

Nag init na naman ang mga pisngi nya. Gusto pala nito na tinatawag nyang Babe.hehe

"Ahm. E d-iba nga kunwari l-ang yon." nauutal na sabi nya. Her heart start to beat faster again.

Bumaling sa kanya si Jacob saglit at binalik ulit ang tingin sa daan.

"You told the guards outside my building girlfriend kita. Tinakot mo ang secretary kung si Bea na ikakalat mo ang intimate videos natin." lalo yata namula sya sa sinabi na yon ni Jacob. Pero she was just joking. Hindi naman totoo na may video sya. " You even introduced yourself to my friends sa Bar. My parents also think we are in a relationship. Malamang ngaun pinag chichismisan na yan sa buong building ng Faye International Airlines. And worst ma e published pa sa news. Now tell me, kunwari pa rin ba sa tingin mo ang ginawa mo Miss Kim?"

Ano?! Ibig sabihin possible na mabalita ito o maisulat sa news?! Hindi pwede! Panigurado na itatapon sya ng Dad nya sa Korea ulit. Isa pa naman sa sikat at kilalang businessman itong si Jacob. Siguradong pagpipyestahan ng mga media ang tungkol rito pag nalaman ng mga ito.

"E teka lang! Sinabi ko lang naman yon kasi alam kung hindi ako papasokin ng mga guards. At tsaka pag nalaman ito ng Daddy ko ipapatapon ulit ako sa Korea."

"Then, It's not my problem anymore." seryosong sagot ni Jacob.

"Grabe ka ha. Ipapahamak mo talaga ako. I did that dahil desperada na ako. I really want you to help me. Pero nagkamali pala ako. But then, you promise to help me. Kaya wala ng bawian Mr. Tanaki!"

"Bakit mo ba gustong e hack ang company ng Dad mo?"

"It started when I was in high school. Simula ng iwan kami ni Mommy at nagkaroon ng bakulaw na mistress ang Dad ko." natigilan sya sa pagkwento ng tumawa si Jacob. "What!"

"Go on. Natawa lang ako sa tawag mo don sa mistress ng Dad mo."

Umirap sya. Totoo naman kasi na bakulaw yon!

"Naabotan ko ang mommy isang araw ng umuwi ako galing ng school. Takot na takot. She keeps saying no matter what happened wag ko daw iwan ang Daddy. Recently, nalaman ko na unti-unting may anumalyang nangyayari sa company nya. Isa na roon ang nalaman ko na Minerva is going to invest a big amount of money sa company mo."

Don napatingin sa kanya si Jacob ulit.

"Why me?"

"Yon nga ang gustong malaman. Baka isang araw magulat na lang ako bagsak na ang company ni Dad. Ayokong mangyari yon. Kahit galit ako sa kanya ng magkaroon sya ng kabit. Alam kung sobra syang maapektohan pagnangyari yon. Pinaghirapan nya ng husto mapalago lang ang kompanya nya."

"I know I don't have the right to ask. Kaya ba kayo iniwan ng Mommy mo dahil nambabae ang Dad mo?"

Actually No! Her Mom and Dad are so inlove with each other. Hindi nya alam kung bakit biglaan na lang nag desisyon ang mommy nya na iwan sila.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon