Special Chapter 2

12.4K 239 16
                                    


SAPPHIRE YUMIKO TANAKI (FIRE)

❤❤

"Aray!" Naiinis na binatokan ni Fire ang kapatid na si Kiro. Pakamot-kamot ito ng ulo at nakanguso. Lalo syang nainis.

"Stop pouting Kiro!" inis na singhal nya rito.

"E bakit ba kasi nambabatok ka ate? Sinabi ko lang naman na maganda yung chikababes ni kuya Brent kagabe!" Aba't nagdadahilan pa! Lalo syang nainis sa narinig kaya sinipa nya ito sa tuhod.

"Aw! Hindi ka na nakakatuwa ate. Aminin mo na kasi. Selos ka no!" ngumisi pa ito kaya nagalit na sya ng husto!

"Kiro stop it!" bumelat sya sa kapatid ng sawayin ito ng Dad nila. Napakamot ito nang ulo.

"Dad naman! Kakampihan nyo na naman si Ate." reklamo nito.

"Wala akong kinakampihan sa inyo. Nakatingin ang mommy mo. Gusto mo ba pati ako sa labas matutulog mamaya pag pinagalitan kayo. Hell no son! Ayoko ko ma zero!" Napairap na lang sya sa hangin. Kahit kailan takot na takot ang daddy sa mommy nya. At pagkalokohan talaga magkasundo ito at si Kiro.

Andito sila ngaun sa bahay amponan kung saan lumaki ang daddy nila. She is 15 now and Kiro is just 10 years old. Every year ay pumupunta silang mag anak dito para mamigay ng regalo sa mga bata. Tuwing bakasyon lang dahil pareho sila may pasok ni Kiro.

"Hanep Dad! E di na nga kayo nakabuo ulit kaya ka natalo sa pustahan nyo nila ninong. Mahina na ang tuhod nyo!" kantyaw ng kapatid na ikinatawa ng Daddy nila.

"Tokiro Zhen! yang bibig mo. At ikaw naman!" baling ng mommy nya sa dad nya na biglang namutla. "Kung ano-ano na lang naririnig ng anak mo na kalokohan mula sayo."

"Grabe ka babe! Mapagbentang ka. Malamang sa mga ninong nya yan narinig." Isang henyo sa palusot ang Dad nya na pasimuno naman lagi ng kalokohan.

"Tse! Ikaw Tokiro! Pagbubuholin ko kayo nitong Ama mo." Natawa sya ng bahagyang kinurot ng Mommy nya ang tungki ng ilong ni Kiro. Ang mommy na nya ang pinakamalambing pag nagagalit.

"Mom! It's Kiro! Dad naman kasi Bakit Tokiro?!" Reklamo na naman ng kapatid sa pangalan nito.

"Babe nagrereklamo na naman ng pangalan nya ang bunso."

"Baby. . Gwapo ka naman at wag kang OA. Ang lolo Kaito mo ang nag pangalan sayo. Bahala kang hanapin sa Japan yon at don ka mag reklamo." natawa silang tatlo ng sumimangot lalo si Kiro. Paborito asarin ng mga magulang lagi ito e.

Makapunta na nga lang sa swing.

"Dad, Mom sa playground lang po ako." paalam nya sa mga ito.

"Fire uuwi din tayo maya-maya!" paalala ng Mommy nya.

"Opo!"

Tinahak nya ang daan patungo sa playground. Napangiti sya ng makita na walang tao. Salamat naman at walang kapatid na iistrubo sa akin dito.

Mabilis syang lumapit sa swing at naupo don. Kaagad nyang kinuha ang cellphone at kinuhaan ang kanyang suot na rubber shoes na bahagyang nakaangat sa lupa. She likes to take photos. Sabi nga ng Dad nya may talent sya sa pagkuha ng picture.

Ilang shot pa ang kinuha nya at ng magandahan sa resulta ay tumigil sya sa pagkuha. Ipopost ko to sa instagram ko mamaya.

"Nice shot, sweetheart!"

Biglang nanayo ang mga balahibo nya dahil sa malambing na boses na iyon na nanggaling sa likuran nya. Napatingala sya at nanlaki ang mga mata nya ng nakayuko pala ito sa kanya at muntikan ng magdikit ang mga nuo nila. She was looking at his handsome face now. Ang ganda talaga ng mga mata nya. Kulay abo. He is smiling at kita nya ang pantay nito na mga ngipin. Nagsimula na naman syang kabahan sa presensya nito. She can smell his minty breath na tumatama sa kanyang mukha. Lalo syang kinikilabotan.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon