Chapter 18 - Clingy Miracle.

12.7K 292 3
                                    


❤❤

Naging masaya si MIRACLE sa huling araw nila ni Jacob sa Baguio. Nangako ito na ipapasyal sya sa mga kilalang tourist spot ng Bayan. Nagtry sila sumakay ng kabayo, Nagsuot ng traditional na damit ng mga igorot. Kahit ang taniman ng strawberry ay pinuntahan din nila. In less than a week spent with him is the most happiest days of her life. Hindi nya alam pero sa isang iglap naging magkasintahan sila ni Jacob. At ramdam nya na totoo ang lahat ng pinapakita nito sa kanya. Naririto sila ngaun sa huli nilang destinasyon bago bumalik ng Manila. Ang Burnham Park. Dahil medyo malamig na ang panahon sa Bagiuo. Kakaunti lang ang tao na naririto sa park.

Malaya nyang pinagmamasdan ang nobyo habang nakikipag kwentohan ito sa mga matatanda na nagtitinda ng mga pang meryenda. Sino mag-aakala na isa itong mayaman. Nakasuot lang kasi ito ng fitted black shirt at maong pants Kung titingnan mo e aakalain mong myembro ito ng isang pinoy rock band. Ang angas kasi ng dating nito. Kahit ganyan ka simple ang suot nito nakakadagdag pa rin ito sa kgwapohan nya. Kita nya na naglakad na ito patungo sa inuupuan nyang bench.

"Hey Beautiful. Alam ko gwapo ako ha pero nakatulala ka na jan."  natawa sya sa sinabi. Ganito lagi sila. Gantihan ng lines na ginagamit pang asar sa isa't-isa.

"Gwapo mo talaga babe! kaya lang saksakan ka ng yabang e."  Malakas na tumawa ito.

"Kung hindi ako gwapo why are you keep staring at me huh?" nakangisi na tanong nito. Mag de-denay pa ba sya? E talaga naman nakatingin sya sa nobyo. At aminado naman sya na gwapo ito.

"Uhm. I was just thinking. I'm so lucky to have you. Nakakatawa lang kasi siguro kung hindi dahil sa kapilyahan ko. I will never have you babe." 

Umakbay si Jacob sa kanya at hinalikan sya sa buhok.

"Ako ang mas maswerte sayo babe! Alam mo bang mainipin ako? And I never allowed someone to disturb me lalo na sa trabaho and honestly. I don't want commitment. But when it comes to you. Lahat ng ground rules na meron ako nababalewala. You are the only exception babe. To tell you honestly. I was about to flight in Russia nang araw na pumunta tayo rito sa Baguio."

Nagulat sya sa narinig. Ito ba ang tinutukoy ni Santi ng gabe na sinundo nya si Jacob sa V-Bar? Aalis nga talaga ang binata ng bansa.

"But then! Heaven sent you in my office at umiksena ka pa talaga sa sekretarya ko na halatang nanginginig sa pananakot mo." natawa sya. Paano nito nalaman ang bagay na yon?

"How did you knew about it? at bakit di ka tumuloy sa Russia?"

"I had cctv outside my office. Kita ko kung paano nanginig ang sekretarya ko sayo." hinarap sya nito. Iniangat ni Jacob ang kamay at malambing na hinaplos ang pisngi nya.

"You are the reason why I cancel my flight in Russia. I don't fvcking care kung macancel ang isang business deal na pupuntahan ko don." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Why would Jacob do that for her?

"B-akit mo ginawa yon?"

"I really don't know too babe. Nang araw na pinahatid kita sa bahay. Inutosan ko si Bea na bumili ng mga gamit para sayo. Nagulat ito dahil iyon ang unang beses na bumili ako ng regalo para sa isang babae. Gifts is not also my thing babe. Tapos nagselos ka pa! E para naman yon sayo." Napairap sya ng ngumisi ng mapanukso ito. "That night, the first time I hug you and slept with you. Para akong nawala sa sarili ko. Early in the morning, I cancel my flight at niyaya kitang pumunta rito sa Bagiuo. I wanted to have a private time with you. Honestly, Sinadya ko na yayain ka rito. Ito pa lang ang unang beses na nagleave ako sa trabaho pag hindi emergency for my parents. A strong feeling towards you commanded me not to let go of you that day."

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon