Chapter 16 - Tragedy

12.2K 259 3
                                    


❤❤

Nakasilip sya sa loob ng karenderya. Ang sabi sa kanya ni Mrs. Kim ay nasa loob na ito naghihintay kanina pa. Nang makita ang ginang na nakaupo mag isa sa pinakadulong mesa. Kaagad nya itong nilapitan.

"Goodmorning Mrs. Kim." magalang na bati nya rito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Yukiro! Maupo ka." sumenyas ito na maulo sya sa tapat. "Pasensya kana, kung ganito kaaga kita gusto makausap. Kumusta ang anak ko?"

"Miracle is fine Ma'am." He saw  relief in her eyes. Bakit ba grabe ang pag-aalala nito para kay Miracle? "Can I ask you? bakit nyo ho ako tinawag na Yukiro? I'm Jacob Tanaki."

Napabuntong hininga ang ginang.

"I'm not really sure. Kung ikaw ba si Yukiro o Yushiko. Your twin brother. Halos kasi magkapareho kayo ng mukha. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Isa ka sa kambal na tinulungan ko noon."

So hindi sigurado ang ginang kung sino sya sa kambal?

"I'm sorry to tell you but I can't remember anything about my past life Ma'am. I had a temporary amnesia."

Nanlaki ang mga mata ng ginang sa sinabi nya. He wanted to be honest. Baka makatulong ito para maliwanag na sya kahit papaano.

"P-wede nyo ba ikwento ang nangyari sa Okinawa noon?"

Tumango naman ito kaagad.

"Kapitbahay namin ang mga Tanaki noon sa Okinawa. Isang araw naglalakad ako sa tabing dagat. I saw a kid. Paika-ika ito. Lakad-takbo ang ginagawa at panay ang lingon sa likuran nya. Then I saw Mr. Kaito Tanaki chasing the kid. Napasigaw ako ng makita ko na sinampal nito sa mukha ang bata. He was only five years old!"

Napayukom sya ng kamao. What kind of father is Kaito Tanaki?!

"The kid saw me. Tumakbo ito sa akin at nagtago sa likod ko. He was so afraid. Nanginginig ito sa takot. He asked me to help him. Mabilis ko itong kinarga at inilayo sa ama nya."

He tried to remember something. Pilit nyang inaalala ang mga sinasabi ni Mrs. Kim. Pero sumasakit lang ang ulo nya.

"Pero nasundan pa ang pananakit ni Kaito sa anak nya. I tried to help him again pero tumanggi na ang bata. Sinabi nito na pinagbantaan sya ng ama na papatayin ako pagtinulungan ko sya ulit. Pero mapilit ako. Patago ko na ginagamot ang sugat nito lagi. Hanggang sa mapalapit ang loob ng bata sa akin."

Mahigpit na hinawakan ni Mrs Kim ang mga kamay nya.

"Pabalik-balik ako ng Okinawa para hanapin kayo. A tragedy happened one day. Natagpuan ko si Yukiro na walang malay sa labas ng apartment namin. Natakot ako ng husto ng makita ito na nakahandusay sa labas ng pintuan. Akala ko wala na itong buhay. Pero umubo ito kaya mabilis kung kinarga ito papasok sa bahay. My husband keeps telling me na wag akong makialam. Pumasok noon ang asawa ko sa trabaho. Sinugod ako ni Kaito at sinaktan. Pero hindi ako nagpatalo sa kanya. Lumaban ako kahit papaano. Gusto nitong patayin ang anak na si Yukiro. Pero sadyang malakas sya! Hinampas nito ang ulo ko ng isang matigas na bagay. Bago ako mahimatay. I saw Yukiro. Sinisigawan ko ito na tumakbo at tumakas." Nanatili lang syang tahimik habang pahikbi na nag kukwento ang ginang. Tama nga ang nga nakuhang impormasyon ni Nix.

"W-hat happened next?"

Parang kinakabahan sya sa maririnig. Napatingala ito sa kanya.

TBSBook4:Innocent Client(complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon