LEMUELA'S POV
Paakyat na kami ng hagdan ng bumukas ang pinto. Kasunod lang pala namin si Jazzy. Humalik siya sa amin. Siya na lang ang nag-iisang nakapisan sa amin dahil siya na lang ang hindi pa nag-aasawa. We don't pressure her but from time to time, ipinapaalala namin na huwag kalimutan ang lovelife. Iyon lang ang isang bagay na hindi namin maibibigay. Gusto pa rin naman namin siyang mag-asawa. But all this time, Jazzy was quiet. Hindi siya nag-entertain ng manliligaw maliban sa kaklase niyang si Melvin na talagang naglakas ng loob ng puntahan siya. Bago pa man umuwi ang binata, basted na.
Hindi naman daw siya tibo. As of now, wala pa talaga siyang natitipuhan. Makikita rin daw niya ang kanyang ideal man in the future. But then, after sometime, nagbago ang ang mood ni Jazzy. She seemed to happy. Her eyes are sparkling. And she said, she found his man. At first hindi ako naniniwala dahil wala namang pumupunta dito sa amin. Walang nangangahas manligaw lalo pa't mas abala siya sa trabaho kaysa makipag-date. Para din siyang si Jude kung magpantasya kay Xity. Puro siya sabi pero wala namang nangyayari.
"Kauuwi mo lang..."
"Yap...eh kayo po, saan galing?"
"Hmm, napasugod kami sa San Roque... Kay Lee..."
"Hmm, kumusta daw si Ava? Kumusta sila?"
"Hayun, buntis si Ava. Masaya ang kuya mo."
"Eh bakit kayo napasugod doon?"
"Hinimatay si Ava...ah, bukas na lang tayo magkuwentuhan...Tulog ka na..."
"Mama, Papa...may bisita po pala ako bukas."
"Don't surprise me. Tell me..."
"Manliligaw ko po."
"Huh, okay. Bahala na ang papa mo dyan."
"I want you to meet Dr. Hugo Guinerre C. de Villa."
Hindi ko na pinag-isipan kung ano ang pangalan ng lalaking binanggit niya. Antok na antok na rin kasi ako kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa kanya-kanya naming kuwarto.
Kinabukasan ay nagtaka pa ako kumbakit,masaya si Jazzy ng sumabay sa aming mag-almusal.
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...