JAZZY'S POV
Nagulat ako ng makita si Hugo at ang ate niya sa bulwagan ng mga oras na iyon. Wala akong masabi. Hindi ko alam kumbakit sila nandoon.
"Why are you here? What are you doing here?"Nilapitan ko siya.
"My mom and dad is here with us. Nasa loob sila ng mansion at nag-uusap. So, this is really a big clan of Lorenzo. By the way...Ate si Jazzy..."
"HI, I am Maia..."
"Hello po. Yeah, mga pamangkin ko sila. Ako na lang ang wala pang asawa."
"Hmm, what about us?"
"US? Hahaha, huwag masyadong umasa..." Biglang lumayo ang ate niya. Niyaya ko si Hugo palayo ng konti sa bulwagan. Nakikita pa rin naman nila kami. Hindi ko napansin na naupo kami sa favorite bench nina Mama at Papa tuwing may heart to heart talk sila. At ngayon, kami naman ni Hugo.
"Jazzy, I am still willing to try once again."
"Hindi natin hawak ang anumang mangyayari ngayon Hugo. Hindi porke't magiging okay sina Tito Homer at Tita Guineverre eh pati rin tayong dalawa."
"Jazzy..."
"We can be friends."
"Bakit?" I already changed my mind. Siguro, naapektuhan din ako ng mga nalaman ko kina Mama at Papa. Hindi mo maiaalis na malungkot sa mga pangyayari. Gusto ko lang ngayon ay magkasundo na ang mga magulang namin. Kung hindi kami magkatuluyan ay okay lang.
Maya-maya lang ay nakita namin na masayang lumabas ng mansion sina Mama at Papa. Ipinakilala ako ni Hugo sa kanyang mommy.
"Mommy, meet Jazzy..."
"Wow! Nakahabol pa kayo ni Justice...Hanga na talaga ako sa inyong dalawa."
"Sayang, di na namin madadagdagan ang mga anak namin. Apo na lang ang hihintayin namin." Sabi ni Tito Homer. Hindi na ako magtataka, pogi si Tito Homer at maganda ang mama ko. Pero sorry siya kasi , mas matinik ang papa ko. Hindi niya hahayaan mapunta sa iba si Mama.
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...