JUSTICE' POV
Nakatulog kaagad si Lemuela pagdating namin. Magkasunuran lang kami nina Jazzy. Palibhasa ay pagod at madaming iniisip, hindi na niya inintindi ang sinabi ng anak at kung sino ang kanyang bisita. Ako ang hindi nakatulog buong magdamag.
Matagal na akong sinabihan ni Jazzy kung okay lang daw ba ang tumanggap ng bisita sa bahay. Nagtaka naman ako dahil hindi normal sa kanya na nagpapaalam kung may bisita. Minsan ay magugulat na lang kami dahil kasama na niya ang kanyang mga kaklase at balak nilang magbonding dito sa bahay. Natataranta tuloy si Lemuela kung ano ang ihahanda sa kanila. But this time is different. The guy must be special to her kasi nagpaalam pa siya. Puwede naman kasi siyang pumunta dito anytime niyang gustuhin. Malaki na siya pero atleast nagpapaalam pa rin.
"Hmm, sige... sino ba 'yan?" Tanong ko.
"Papa, manliligaw ko po." Nagniningning ang kanyang mga mata. Abut-tenga ang ngiti niya. "Okay lang po kaya kay Mama?"
Jazzy is different from Justine. Masyado kasing malihim si Justine. Nabuntis siya ni Sullivan kaya nagkaalaman na. Buntis na siya ng magpakasal. So far, masaya naman ang buhay mag-asawa nila. Si Jazzy na lang ang nasa poder namin at hindi namin inaalis ni Lemuela na isang araw eh may lalaking magpapaalam para hingin ang kamay niya. Hindi ko alam kung ito na nga ang pagkakataong hinihintay namin.
Actually, matagal-tagal na rin iyon... siguro, dalawang taon na rin ng banggitin niya iyon sa akin. Nagtatrabaho na siya noon. Dahil sa sobrang abala sa trabaho, hindi ko alam kung anong nangyari at medyo natagalan bago niya totohaning dumalaw kay Jazzy. Hindi ko muna sinabi iyon kay Lemuela. Gusto ko kasing siya mismo ang magtanong sa akin kung alam ko ba ang tungkol sa manliligaw niya.
At kagabi ay mukhang totoong pupunta na ang manliligaw niya dito bukas. Nagulat ako sa pangalang binanggit niya... Dr. Hugo C. de Villa. Medyo nagdalawang isip pa ako. Maliit ang tsansang magtagpo ang landas nila. Dahil hindi ako makatulog , bumaba ako saglit. Gusto ko sanang uminom kahit isang shot lang. Medyo di pa ako dalawin ng antok. Bumaba din si Jazzy. Mukhang nagutom. Naabutan niya ako sa mesa. Kumuha siya ng makakain.
"Sino nga ulit 'yung bisita mo?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung di ako nagkamali ng dinig.
"Masyado po kayong curious...mmm, Dr. Hugo C. de Villa... psycho – analyst siya, Papa. O di ba astig? Okay lang po ba? He is not as weird as you think. Hindi po siya nerd. Mukha naman siyang doctor. "
"Okay, so we'll meet him tomorrow." Mukhang matagal na niyang kilala ang lalaki pero never siyang nagkuwento tungkol dito.
"Yes , Papa." Tumayo na ako. "Tapos ka na po..."
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...