GRAVE THREAT

141 4 0
                                    

JUSTICE'S POV



Every parent wants their children to be put to test to teach them a lesson. Not to hate but to love. I want Jazzy to see the value of being forgiving instead of hating another person. Evil things can not be outdone with another evil doings. Kailangan itong suklian ng kabutihan gaano pa man ito kasama sa paningin natin.



Hindi ko mababantayan si Jazzy 24-hrs kung ano ang ginagawa niya pero marami akong paraan. Alam kong alam niyang babantayan namin siya ni Lemuela para siguruhing lalayuan niya si Hugo. Hindi magugustuhan ni Lemuela ang paglilihim ng anak. Iyon ay katumbas ng pagsuway sa kanya. Hinding hindi niya iyon matatanggap sa sinuman sa kanila dahil hindi niya pinalaki ang mga anak ng ganoon.



"Wala pa ba si Jazzy?"



"Ano ka ba naman Lemuela? Malaki na siya at huwag ka ngang nakabantay na akala mo eh high school student ang anak mo." Napaparanoid na naman siya kahit walang dahilan.



Bandang alas diyes at nakatanggap kami ng tawag.



"Okay sige...Ingat sa biyahe..." After 30 minutes, ibinaba ni Ice ang bunsong kapatid. Pinangko niya ito pero nagpumiglas siya na bumaba.



"Jazzy..." Biglang sumaludo ang dalaga pero nasalo ni Ice.



"Ano bang problema nito? Papa, bakit uminom si Jazzy sa Club Roman?" Alalang alala si Ice sa kapatid. Iniakyat muna namin si Jazzy. Alalang –alala si Lemuela. Una kaming bumaba sa sala. Hindi makapaniwala ang panganay.



"Mama..."



"Hindi ako makakapayag na mahaluan ang Lorenzo ng tulad niya. "



"Papa..."



"Lemuela, tumigil ka na ha! Hindi mo ba nakikita ang nagiging resulta ng galit mo. Walang kinalaman si Jazzy sa issue mo kay Homer. Kapag may nangyaring masama sa anak ko, ikaw ang sisisihin ko!" Talagang nagtaas na ako ng boses.



Mabait na bata si Jazzy. Spoiled pero malambing. Dala lang iyon ng kanyang pagiging bunso sa pamilya. Mahal siya ng lahat, mula kay Ice hanggang kay Justine na matagal na naging bunso. Hindi namin akalain na matapos ng aming pagsubok ni Lemuela, biniyayaan pa rin kami ng isa pang supling.



Kung nagtagpo ang landas nila ni Hugo, na anak ni Homer... anong kasalanan ng dalawa sa ginawa ni Homer noon sa kanya?

THE GENERAL'S DAUGHTERWhere stories live. Discover now