JAZZY'S POV
Hindi ko inaasahan ang reaksyon ni Mama kay Hugo. Gulat na gulat kasi siya ng makita ito at hindi niya hinayaang sabihin pa ni Hugo kung sino ang kanyang papa. I guess I am missing something. Excited akong ipakilala ang binata sa kanila.
Well, hindi ko inaasahan na makikilala ko pa siya dahil sa nature ng trabaho ko...madalas eh ginagabi ako sa daan dahil kasama ako sa mga follow – up operation at nasa bahay lang ako kapag day-off ko. Palagi kong kasama ang pamilya ko at hindi naman ako nagmadaling makahanap ng boyfriend.
I met Dr. de Villa sa Crime Lab. Kapag nasa presinto kami at walang lakad ang buong tropa, ako ang dakilang utusan. Madalas kong makita doon ang doktor. Part-timer daw siya sa Crime Lab. Actually, medyo hindi maganda ang pagkakakilala ko sa kanya. Tulad din ako ng iba kapag narinig ang psycho, I often think of mental illness, sabay ikot ng daliri ko sa tenga habang kausap ko si Sgt. Hipolito.
Pareho silang naka-lab gown na puti at napakalinis niyang tingnan.
"Are you insulting me? What's with your gesture?" Sabi niya sa akin. Psyco-analyst si Dr. de Villa. He works with big hospital na accredited ng mga korte to help victims recover from their traumatic experiences. Ang mga biktima na dumadaan sa pagsusuri nila ay tinatanggap ng korte bilang ebidensiya. Kaya malaking tulong ang magagawa nila kung pagtitiyagaan nila ang mga pagsusuring pinagdadaanan ng kanilang mga pasyente.
"Ay, Doc...sorry...' Sabay ngiti ko. "Hindi ka na mabiro.."
"Bakit nakikipagbiruan ba ako?" Hindi pa naman kami magkakilala noon. But I know who he is.
"Doc, siya pala si Jazzy Lane Lorenzo..." Sabi ni Sgt. Hipolito.
"Ah, yung kapatid ng mga mayayabang na Lorenzo. Akala mo kung sinong matitinong pulis...tsss..."
"Ay, may hugot ka, Doc. Sgt. Hip...aalis na ako. Mainit na ang ulo ni Mr. Psych..." Tapos tahimik kong binanggit ng buo ang salita, sabay-takbo. "Salamat dito..."
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...