HOMER'S POV
Nasira ang pamilya namin ni Guineverre dahil sa pagiging ambisyoso ko. GInamit ko siya para makalimutan si Lemuela pero hindi iyon nangyari. Akala ko, maapektuhan si Lemuela noong maging kami ni Guineverre ngunit binakuran na rin siya ni Justice. Dahil hindi ako kasama sa kanilang misyon, nakagawa ako ng maitim na plano na siyang naging dahilan para magkaroon kami ng alitan nina Lemuela at Justice sa matagal na panahon.
Nagpakasal kami ni Guineverre pero sa civil lang. Hindi ko siya pinakasalan sa simbahan. Wala ibang babae sa puso ko kundi si Lemuela. Hindi ko alam kumbakit biglang bumaliktad ang mundo at isang araw na lang, si Jusitice na ang parang knight and shining armor niya.
Kahit nagkaroon na kami ng panganay, si Lemuela pa rin ang bukambibig ko. Wala akong narinig na panunumbat kay Guineverre. Iyak lang siya ng iyak.
"Homer, mahal kita..."
"Sorry...pero si Lemuela talaga ang mahal ko."
"Kahit para sa mga bata..."
At muling nasundan ang aming panganay na babae. Isang napakapoging lalaki. Naging masaya ang aming pamilya ngunit dahil hindi ako maka-move on , I stalked Lemuela. Naging plain housewife na lang siya. Nagsunud-sunod din yata ang mga anak nila ni Justice kaya talagang hindi ko na siya nakita.
Ngunit noong makita ko siya sa handaan noon sa headquarters, mas naging masidhi ang kagustuhan kong maging akin siya kaya si Justice ang sinugod ko sa kanyang opisina. Doon na nga naganap ang malagim na insidente. Pinuntahan ako ni Lemuela pero hindi ko naramdaman ang sakit ng dumapo ang solidong suntok niya sa mukha ko. Galit na galit siya.
Ipinanalangin ko noon na sana ay mamatay na si Justice pero sinabi niyang kahit mabiyuda siya ng ilang beses, hinding hindi siya magiging akin. Matapos mag-isang taon ni Hugo, umalis si Guineverre. Naiwan siya sa aking nanay. Siya na ang nagpalaki sa aking anak. Ang aking panganay ay maagang nag-asawa. Right after niyang maka-graduate sa college, nag-asawa na siya. Wala akong narinig na panunumbat sa kanya.
"I love you, Papa..." Mahal pa rin niya ako. Alam kong hindi lihim sa kanila ang palagi naming pag-aaway ng kanilang mommy pero ang gusto lang nila ay buo kami at palaging magkakasama.
Matagal na umalis si Guineverre. Ipinasok na ako sa isang mental facility dahil hindi ako kayang alagaan ni Nanay. At hindi ako puwedeng ikulong due to insanity. Iniurong na ni Justice ang kaso pero may pananagutan pa rin ako sa batas. Nagbayad na lang kami para makalaya pa rin ako.
Hindi ko na sila nakausap at hindi na rin ako nakabalita sa kanila.
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...