JAZZY'S POV
Iniwasan ko si Hugo tulad ng sinabi ni Mama. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kanya lalo na sa mga nangyari noong misyon nila bilang mga secret agent. Akala ko ganoon kadali ang kanilang gawain pero hindi pala. Nasa bingit ng hukay ang mga paa mo sa konting pagkakamali mo. At kapag may umepal sa sitwasyon, iyon ang hindi mo kontrol. Pero, nang sabihin niyang susunduin niya ang kanyang Daddy ay hindi ko siya tinanggihan.
"Jazzy, would you like to accompany me? Susunduin ko si Papa ngayon." Sabi ni Hugo. Mabuti naman at maluwag kami ngayon at walang lakad ang tropa. Nagpaalam ako kay Sgt. Tupaz.
Nagkita na lang kami sa parking area. Iniiwasan ko din kasing makita kami ng mga kasamahan ko dahil baka may espiya si Mama sa kanila. Tiyak kong ikagagalit niya ang pagsama ko kay Hugo. Natuto akong magreply sa mga mensahe niya. Natuto akong makipag-usap sa cellphone para lang makausap siya. Hindi ko napangatawanan ang pag-iwas ko.
"Jazzy, I missed you." Niyakap niya ako pagpasok ko sa kotse. Hindi kami ni Hugo. I just feel his need for someone to cling to kaya hinahayaan ko siyang yumakap. Basta, no kissing...we can be friends. Lalo na ngayon.
"Kumusta ka naman?"
"Heto...malungkot kasi di na kita masyadong nakikita, nakakausap at nalalapitan."
"So, what time mo susunduin ang papa mo?"
"Now na..."Sabi niya. So , we went our way to the hospital. Matagal na rin ang papa niya sa mental facility na iyon.
"Kinuha ko talaga ang propesyong ito para matulungan si Daddy. Hindi ko alam kumbakit siya nagkaroon ng ganitong klase ng depression. Mommy was quiet about it. Ah siguro, tama ang mama mo. Kailangan mo akong iwasan... hindi tayo dapat magkatuluyan dahil may lahi kaming baliw."
"Ano ka ba? Stop saying that? Hindi naman ganyan ang mama ko..." But I know something about the situation.
"Jazzy, alam mo...anghirap ng kalagayan ko. Ako lang ang kasama ni Daddy, ang totoo, iniwan nila kami ni Mommy kasi may ibang mahal si Daddy kahit noong una pa lang. Mommy suffered so much verbal abuse from him. Hindi nananakit si Daddy but because of one girl, I saw how hurt mommy was."
"Hindi mo naman kasalanan iyon. Did they tell you what it is all about?"
"NO, I knew nothing about it either. My ate was quiet all this time. Daddy and Mommy never told her what has been happening between them kaya wala siyang maintindihan. Wala siyang puwedeng sisihin kundi silang dalawa lang. Beside this is a marital relationship. Mag-asawa sila so they could have settled their issues long before."
YOU ARE READING
THE GENERAL'S DAUGHTER
FanfictionI am the last among the Lorenzo. Being the youngest, and of right age, I am in love. I found him... I am certain... But things are more complicated than I thought, I fell in love with the son of my mom's enemy. Time didn't heal her wounds. And I am...