HUGO'S ENDING

166 4 0
                                    

HUGO'S POV



Matagal-tagal ko na ding sinusuyo si Jazzy. Actually, kung tutuusin ay alam kong mahal niya ako tulad ng sinabi niya noon sa hotel suite. But things got complicated... sinabi ni Daddy sa akin kung ano ang nangyari noon habang nasa misyon ang kanyang mama na love interest din ni Daddy.



But , Daddy knew too well that someone else owns Lemuela's heart. Pagpasok daw nila noong First year nila sa academy, Tito Justice had been eyeing on Tita Lemuela already. Parang magkakilala na daw sila talaga. There are chances na madalas niyang nakikita na lihim silang magkasama, sa kantin at madalas sa library.



Pagka-graduate daw ni Tito Justice doon na lang nalaman ni Daddy na pareho pala sila ng dorm. Syiempre, magkaiba sila ng yunit sa parehong floor na iyon. Si Daddy na daw ang naghahatid kay TIta pero may namumuo ng selos sa pagitan nila.



Until Daddy and Tita Lemuela graduated at pareho sila ng assigned precinct. Hayun, dahil sa sobrang busy din ni Tita Lemuela, si Mommy daw ang napagbalingan niya ng lahat hanggang sa may mangyari sa kanila ni Mommy.



"When everbody is sent to a mission, I got an opportunity to take Lemuela. I am desperate for her. Nasalisihan ko na ang mga bantay sa Club Copa. I brought Lemuela to a hotel suite. But Justice saved her from being disgraced. "



"Daddy..."



"I was totally obsessed with her. Nagbago ang katawan niya noong mag-asawa siya kaya pinagpantasyahan ko siya na angkinin. But I almost killed Justice. I really plan to murder him, to kill him para masolo ko na si Lemuela. Nag-agawan kami sa baril at siya ang nabaril ko."



"Daddy, tama na po."



"Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. Hindi ko naisip na madaming batang mauulila sa ama kapag nagkataon. Ang mahalaga lang sa akin noon ay maangkin ko siya noon. Anak , huwag mong gagayahin ang ginawa ko...."



Ngunit kahit anong pilit kong baguhin ang gulong ng aming palad, mukhang hindi malalayo sa mga nangyari sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon.



I was drunk and I didn't know what happened. Nagising na lang ako na kasama si Beatrix sa loob ng hotel suite kung saan ko unang dinala si Jazzy. Inamin niya na pinilit niya ako. Sinamantala niya ang kalasingan ko pero may nangyari sa amin.



Matagal na akong gusto ni Beatrix. Crush ko siya noon pero hanggang doon lang sana. Kaya lang paano ko matatakasan ang ganitong tadhana.



"I love you Hugo...I will do everything for you...You are mine." Sabi niya sa akin habang naka-back hug pa siya sa akin.



Samantala, naging abala si Jazzy at hindi kami nakakapagkita. Now, I have to decide whether to let her go or not. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo o itatanan ko na lang siya? Ngunit ng araw na iyon, nakita kong kumakain sa opisina ng JCO...



"Uyyy, my favorite...pahingi sabi niya."



"Galing yan kay Jazzy...mukhang ikaw ang sadya niya dito." Sabi ni Beatrix but for sure, hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Maya-maya, sa kabila ng aking kaba, tinanggap ko ang tawag na iyon...it was Jazzy. I did not feel any pressure from her. And our meet-up today is URGENT...Lagot!



"Jazzy..." Pero sampal ang isinalubong niya ako ng malutong na mag-asawang sampal. OMG, muntik ng matulig ang tenga ko. Naalog yata ang utak ko.



"I am sorry,Hugo. Maybe , we are not meant for each other after all. I just wish you the best with Beatrix."



"Pero ikaw ang mahal ko..."



"Hugo, huwag na nating ulitin ang pagkakamali ng ating mga magulang. Matututunan mong mahalin si Beatrix sa kabilang ng iyong pagkakamali. Huwag mo nang dagdagan ng isa pang mali para lang ipagpilitan mo ang iyong sarili sa akin. Let's move on...Let's not hang to each other's memory anymore."



"Paano ka?"



"Anong paano ako? Magiging okay din ang lahat sa akin. Naging mabait ka naman sa akin at wala naman akong naging bad experience sa iyo. We have been to tough trials. We have been tested and we failed. Pero hindi masama ang loob ko."



"Jazzy..."



"Our parents experience it long ago. Hindi tayo dapat magkaroon ng samaan ng loob dahil hindi tayo nagkatuluyan. Huwag nating sisihin si Beatrix. May dahilan ang lahat di ba?"



The JCO Donuts symbolizes her YES to me. Iyon ang natatandaan kong sabi niya. Malalaman ko daw na sasagutin na niya ako kapag sinurporesa niya ako with JCO Donuts, which means pupuntahan talaga niya ako sa aking trabaho.'



Naghintay ako. Pero ito ang napala ko. Hindi ko nakitang umiyak si Jazzy. Ipinaliwanag pa rin niya ang maing sitwasyon.



At sa bandang huli pala...magkakalayo kaming tuluyan.





THE GENERAL'S DAUGHTERWhere stories live. Discover now