Chapter 7Natapos ang klase which is Algebra. And it's good for me kasi kahit papano may normal subject na tinuturo dito.
Ilang subject pa ang nilecture namin bago naglunch. Kasama kong lumabas si Kristina at Bryle, nauna naman sila Alex at Zack.
"Oh Bryle kamusta ka? Kamusta sila tita Linda?" Kristina asked while combing her hair with her hands.
"I'm fine. They're fine" maikli nitong sagot.
Nilingon ko siya. Nakangiti siya ngunit sa mga mata niya kita ko ang labis na lungkot at inis. Ano naman Kaya ang problema ng isang 'to? Ang saya saya niya at palangiti but behind those smile there's a bitterness in it. I feel it that he's suffering in pain.
"Anyway" he said diverting the topic. Bumaling siya sa akin.
"Pasensya na sa inasta ni Alex. Hindi lang maganda ang gising niya"
Wow! So kapag hindi maganda ang gising niya dapat may pinagbubuntunan siya ng galit? Likas na talaga sa kanya ang pagiging sutil, at short temper. Sinisi niya pa ang pagtulog niya.
Marami pa kaming napag usapan, tungkol sa mga bagay bagay. And I'm really thankful dahil hindi niya naitanong kung anong kapangyarihang meron ako. Hindi ko parin kasi alam ang sasabihin ko sakaling magtanong siya.
Nang makarating kami sa cafeteria. Naghanap agad ako ng mauupuan namin bago nagtungo sa counter to order foods.
Madami narin ang naririto. And as usual, the people giving me their questioning look. Hindi ko nalang sila pinansin. Masasanay din ako sa kanilang mga titig.
Hindi ko pa man masasabe ngayon na parte na ako ng mundong ito sa kadahilanang wala pa akong kapangyarihan. Atleast I'm still a human being needed to be respect gaya nila. But once my power will manifest I can say that I'm belong here at wala na silang magagawa dun.
Sa ngayon gusto ko lang na maging payapa ang buong taon ko dito. Though hindi na talaga maiiwasan ang mga bagay na manggugulo sa akin. Lalo na si Alex na nakikita kong magiging sakit ko sa ulo.
Sa kinalulugaran ko ngayon? Imposibleng maging maayos ang buhay ko dito.
Ikaw ba naman ang pumasok nalang bigla sa isang odd school na tinuturo ay magic. Baka sumabog utak mo.
In the first place, kasi noong hindi pa ako nag aaral dito. I don't believe in magic, witch craft, super powers, and special abilities. But right now. They are real and I already witness with my very own eyes.
Busy kaming tatlo sa pag uusap ng kung ano ano. Grabe nga eh, nakakatawa din pala 'tong si Bryle. Walang humpay ang tawa namin lalo na sa kinuwento niya tungkol kay Alex.
Noong bata palang daw sila nila Alex. Palagi daw siyang naglalaro ng taguan. One time ginulat niya si Alex and what the efff. Halos maihi daw ito sa short dahil sa matinding pagkagulat. Tawang tawa talaga ako dun.
"Seriously? He pissed on his pants?" Natatawa kong tanong.
Tango naman ang sinagot ni Bryle. Humagalpak ako ng tawa. Halos sumakit na ang tiyan ko dito.
I calmed my self. I was about to eat some chocolate cake nang may biglang humablot ng kutsarang hawak ko.
"Ano ba-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapagsino ko ang umagaw ng pagkain ko.
Si Alex na nakatayo sa harap ko at subo na ang kutsara ko. Hawak narin nito yung pinggan ng cake ko.
O my god!!! Yung chocolate cake ko!!! Ano bang problema nito? At bigla nalang nangaagaw ng pagkain.
Hindi niya alam kung anong hirap kong pumila para lang makatikim niyan. Tinampal ko siya sa braso.
"Nambu bwisit ka talaga e no? Nagpakahirap akong pumila para makakuha niyan. Tapos ikaw lang kakain? Akin na!!"
Inagaw ko sa kanya ang platito. Pero tinaas niya lang ang kamay niya para hindi ko maabot. Bakit ba ang tangkad niya?! Kainis!
Tumatalon na ako para lang maabot ko ngunit sadyang matangkad siya. Nakakahiya narin dito dahil nakukuha na namin ang atensyon ng lahat.
"Ano? Hindi mo ba talaga ibabalik yan?" Sigaw ko sa kanya.
Hindi siyang nagsalita bagkus tumusok ulit ng piraso ng cake at sinubo. Shit baka maubos na yun.
"Hoy!!!! Alam mo bang ang hirap sumingit sa pila para lang makaku---" he cut my words again by putting the spoon inside my mouth. May laman iyon. Medyo sumakit pa ang gilagid ko. Kainis.
"Happy? You're too loud" iritado nitong sambit.
What the-- bakit niya ginawa yun?? Halos magbulungan ang mga tao dahil sa ginawa niya. Indireck kiss yun.. Shit!!! Nag init ang mukha ko sa kahihiyan. Biglang uminit ang paligid. Hindi ako makapagsalita.
"Whoa!! Indirect kiss yun ah" Bryle said out of know where.
Agad ko siyang binatukan. Talagang nilaksan pa ang pagkakasabe. For sure sing pula ng mansanas ang buong mukha ko.
Binalingan ko si Alex. Nakatingin siya sa akin at nakangisi na. This is all his fault. Kinalma ko ang mabilis na pag tibok ng dibdib ko at inayos na ang sarili. Kala niya siya lang may kalokohan sa katawan. Humanda ka.
Inayos ko ang damit kong nagusot. Sinukbit ko ang takas na buhok sa likod ng tenga ko para mag mukhang mahinhin ako. Yun bang nagpapakipot at nahihiyang dalagita.
Sinulyapan ko siya. Malaki na ang ngiti nito sa labi. Pero in fairness may ikakagwapo pa pala siyang kapag nakangiti. But I have no time to adore his looks. It's matter now is what I am going to do. Humanda ka.
"You don't have to do that para mapansin kita" mas lumwak ang ngiti nito.
Mabuti yan dahil maya maya lang mapapawi yang ngiting yan.. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanya.
"Ang gwapo mo kapag nakangiti ka. Yung tupong ansarap mong... " I'll hang my words.
Kinuha ko ang isang platito ng cake sa lamesa at gamit ng daliri ko kumuha ako ng icing. I licked it. It's just like I'm seducing him. Gusto kong masuka ngayon sa ginagawa ko. I hate it.
"I ngud ngod sa cake?" Sabe ko at agarang tinapal sa pagmumukha niya ang cake na hawak ko.
"Oh god!!!" Rinig kong singhap ni Kristina.
Halos maghinghapan rin ang lahat ng nanonood. Hindi nila akalaing may makakagawa ng ganito sa pinakamamahal nilang Alexander Conners. Then I'll be the first doing it.
I'm not a type of person na gumagawa ng mga kalokohan gaya nito. But he really pissed me off. And I'm not a saint para magkaroon ng mahabang pasensya. And he force me to do it.
Nagpupunas na ito ng mukha. May lumapit narin sa kanyang babae. Pinupunasan nito ang mukha ni Alex na halos wala ng makita. Medyo nagsisisi man sa ginawa alam ko namang deserve niya ito.
Agad itong timingin sa akin with his death stare.
"Now your death" his last word before I storm out to the cafeteria.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/70739470-288-k169111.jpg)
BINABASA MO ANG
Wizard's Academy
FantasyA PROPHECY WILL UNLEASH. THE POWER OF THE LAST BEARER WILL RELEASE. THE AWAKEN OF PRINCE OF THE ABYSS. WILL THE WORLD BE AT PEACE.