Chapter 9 - Training Hours

15 1 0
                                    


Chapter 9

Ilang oras na akong nakatayo sa harap ng pinto ng training room. Sa kabilang parte ng pintuang ito malalaman ang kapangyarihang taglay ko. Ilang beses kong pinagisipan kung tutuloy pa ba ako o hindi. I've expecting this to come. Yun naman talaga ang pinunta ko dito. To discover my magic. To train and to master it. Ang buong akala ko ay handa na ako pero hindi pa pala. Iba parin pala ang kaba kapag nasa harapan ko na mismo.

Pinihit ko na ang hawakan ng pinto at tuluyan nang pumasok.

Malawak ang loob ng training room. May tatlong pinto sa bandang kanan. At mangilan ngilang upuan sa kaliwa.

Biglang bumukas ang isang pinto at lumabas mula doon si Alex. Nakauniform parin tulad ko, with his messy hair at kitang kita ko mula sa kinatatauan ko ang paglukot ng kanyang mukha.

Shit.

Nagkasalubong ang tingin namin. Agad kong nilihis ang tingin ko. I don't know what to react. His eyes is so beautiful and intimidating as well. Mas lalo akong kinabahan.

"Are you planning to stand there all day?" May bahid ng pagkairita sa kanyang boses.

Eto na naman siya. Galit yata siya sa akin and I don't know why. Siya may gusto nito diba? To be my training partner and for me to become miserable. Ano ba talaga ang problema nito?

Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin. Rinig ko ang buntong hininga nito.

"It's looks like wala akong mapapala sayo. Ang tahimik mo. Natatakot ka ba?" Sabi nito.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at ngisi naman ngayon ang nakikita ko sa labi niya. Saka anong sinasabi niyang takot? Hindi ako takot. Kinakabahan lang ako dahil kami lang dalawa sa malawak na kwartong ito. Kinakabahan lang ako dahil hindi ko alam ang ipapagawa niya sa akin. I know this is his way to get revenge from what I did to him. 

Sa kabila ng kaba ko nanatili akong tahimik.

"Natatakot ka ba dahil tayo lang ang nandito? You, the powerless girl. And me." Sabi nito at nilahad ang palad saka pinagliyab.

Napaatras ako. Nakita ko ang lalong pagngisi niya sa ginawa ko. I'm so dead. This is how he really do his punishment. Just like what he suppose to do to me noong nagkasagutan kami sa hallway.

"Hindi ako natatakot" tumango lang siya sa sinabe. Na parang hindi man lang naniwala sa akin. Ilang sandali lang ay bigla siyang nagpakawala ng kapangyarihan niya sa bandang kaliwa ko. Napatalon ako sa ginawa niya.

"Shit! What are you doing?!" I shouted at him. Kitang kita ko kung paano gumalaw ang apoy at mabilis na pinalibutan kaming dalawa. I can feel the heat.

"I thought your not afraid? And then the time you enter that door your training starts." simpleng sagot nito sa akin.

Nababaliw na talaga ang lalaking ito. Akala ko ba ay basic lang muna ang kailangan kong aralin? Bakit may ganito na agad? Nakakainis na siya.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko dahil baka kung ano na naman ang masabi ko at tuluyan niya na akong sunugin dito ora mismo. Nakipagtitigan lang ako sa kanya at hindi gumagalaw sa kinatatauan ko. He clear his throat after we stare each other.

"Okay that's good. You've done the first rule" he's nodding while saying this.

What?

"Rule number one. You should always calm your ass where ever situation you are" He snap his finger and the fire is out.

Okay, so we really getting started. He's just observing my moves.

"Because you can't focus or think properly what should be your next move when you're panicking." He added.

Wizard's AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon