BENJ'S POV
Naging seryoso ang muling pagkikita namin ni Zoe to the point na niligawan ko siyang muli. Nagpapadala ako ng bulaklak and I send her text messages tulad ng mga usual na manliligaw. I also make calls but she never accepted it. She never entertained me anyway . Hindi naman talaga siya naging interesado sa akin.
Sinabi ko ngang mahal ko siya pero hindi naman siya naniwala. Si Prof.Watson pa rin ang nakabihag sa puso niya.
Matagal kong hinintay si Zoe . Niyakap ko siya ng magkita kami. Matagal kong inasam na mayakap siya ng ganito matapos naming maghiwalay sa gym. Naging mailap siya sa akin at matapos niya akong batiin noong graduation ay hindi ko na siya nakita. Sa airport kami nagkita nang bumiyahe sila ng kanyang Mommy papuntang Amerika. Nasundan ko siya sa California pero after that lumipat sila sa ibang lugar. Doon pa lang nalaman kong buntis na siya noon. Alam kong si Oliver ang posibleng maging ama ng kanyang dinadala. Nabuhayan ako ng pag-asa ng magkita kami sa campus. Akala ko talaga, may pag-asa na ako. Sinuyo ko pa rin siya pero huli na pala ang lahat. Lalong gumuho ang mundo ko. Nanatili kaming magkaibigan hanggang sa mga sandaling ito.
Kung itinakas ko siya ng gabing iyon at hindi na siya iniuwi, malamang ako ang naging ama ng kanyang anak. At ako ang kanyang napangasawa.
Hindi lang siguro iyon ang aming tadhana.
Naunahan na ako ng kapatid ko at kailangan ko pang asikasuhin ang kanyang anak. Daig ko pa tuloy ang binatang ama. Sa tagal ng panahon, para ko na ngang anak si Charlotte. Pinilit ko namang maghanap pero akala kasi ng mga babaeng nililigawan ko, anak ko siya kaya bago pa man ako sagutin eh, nagdadalawang isip na sila sa akin and after our first date... wala na .
Ahhhhh! Zoe...hindi talaga ako maka-moved on sa kanya. One time, si Oliver ang nakasagot at minura niya ako sa kabilang linya. Di na ako nakaimik. Tiyak na mag-aaway silang dalawa dahil sa ginagawa ko.
Hindi pa rin ako nadala, hanggang sa umabot na sa puntong hiwalayan na ang usapan. Ako ang pinuntahan ni Zoe. Sising sisi siya sa mga nangyari. Nakakakonsensiya din.
"Sorry, Benj. Mahal ko lang talaga siya." Iyon ang masakit sa lahat. Nasaktan na siya pero nagmamahal pa rin.
Dahil dito ay mas lalong gumulo ang buhay ko. Ipinagpilitan ko ang gusto ko. BInalak kong agawin ng tuluyan si Zoe kay Oliver lalo na kung sasaktan at papaiyakin lang niya ito. Ngunit sa kabila ng lahat, wala akong laban...si Oliver pa rin ang pinili niya
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
ФанфикWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...