ZOE'S POV
When I gave birth to Olivia, she gave joy to our family. Narinig ko na ang matinis na iyak ni Baby Olive. Ipinatong kaagad siya sa ibabaw ng aking dibdib. Halos mabingi ko sa iyak niya sa kabila ng nararamdaman kong pagkahilo.
"Hello, Baby..." Ang huli kong nasambit at tuluyan kong ipinikit ang aking mga mata.
At ang lahat ng pinagdaanan kong hirap ay biglang napawi.
Bumukas ang pinto. Narinig ko ang mga yabag na iyon. Mukhang madami akong bisita. Dinig ko ang bulungan nina Mama at Papa, kasama nila si Mommy. Nagtulug-tulugan pa ako.
"Ang cute ng baby..."- Mama Isabel
"Kamukha ni Zoe..." – Mommy Mea
"Kamukha ni Oliver nung baby pa lang siya"- Papa Rod. Bumukas muli ang pinto... saka ko unti-unting iminulat ang aking mata. Kunwari, kagigising ko lang... Hahaha!
"Good morning, Zoe..." Binati ako ng halik ni Oliver.
"Good morning..." Lahat sila ay nakangiti sa akin at iniabot ni Oliver ang bouquet ng bulaklak. Napakagandang flower arrangement. May kumatok sa pinto at bumungad ang mukha ni Benj. May dala bulaklak si Charlotte para sa akin at hinalikan ako sa pisngi.. Napatingin ako kay Oliver, nakangiti na lang siya at binati naman ang binata.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Watson" Inilagay ni Charlotte ang bulaklak sa side table habang iniabot ni Benj kay Mommy ang fruit basket . Inilagay niya ito sa lababo sa mini-kitchen ng kuwarto. Naalimpungatan si Silver at natuwa habang sumalumbaba siya sa sandalan ng mahabang sopa. Nilapitan siya ni Charlotte.
"Cute ba ang baby ni Tita Zoe?"
"Syiempre, noh... cute ako kaya cute din ang kapatid ko"
"Ikaw? Cute... Sinong maysabi sa iyo?"
"Bakit ? Hindi ba ako cute?"
"Hindi"
"E di pogi..."
"Lalong hindi..."
"Nakakasira ka naman ng araw eh!" Noon ko lang nakita ang pagsimangot ni Silver dahil sa pang-aasar ni Charlotte. Magkaibigan na sila ni Charlotte.
Muling bumukas ang pinto at dala-dala ng nurse ang munting sanggol na tahimik at gising na rin habang ipinapasok sa loob ng kuwarto. Nakangiti ang lahat at bumati sa nurse na may hawak kay Baby Olive. Nabalot siya ng kulay pink na lampin atsaka siya dahan-dahang inilagay sa aking braso. Nanibago din ako. Sampung taon din bago nasundan si Silver . Mabuti naman at hindi ko pa nakalimutan kong paano kumarga ng sanggol.
Napakasaya ng araw na iyon para sa aming lahat.
Parang bagong buhay para sa aming lahat.
Naging abala muli ang aming tahanan sa pagdating ng aming munting prinsesa.
Masaya kaming dumalo sa kasal ni Benj at Jazzy Lane after a year an a half. Tuluyang hindi naghabol ang ina ni Charlotte sa kanyang custody at hinayaan na siya sa kanyang Tito Benj. Pinapirma na lang siya ng kasulatan na kahit kailan ay hindi siya maghahabol sa anak.
Sa huling pagkakataon ay nakita ni Charlotte ang kanyang ina. Dalagang dalaga pa rin ito at mayroon na ring bagong boyfriend. Ang kanyang tunay na ama na kapatid ni Benj naman ay minsan lang umuuwi sa kanila. Inangking parang tunay na anak ni Benj at Jazzy si Charlotte.
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
FanfictionWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...