CONFUSED HEART

84 3 0
                                    

BENJ'S POV



Pinilit itago ni Zoe ang mga pinagdadaaanan nila ni Oliver. Pero nakita kong malungkot siya at namumugto ang mata sa pag-iyak. Nang makita ko ang kanyang singsing at iniangat ko ang kamay niya, nakita ko ang mga pasa na mahahalata mo lang kapag nilapitan mo siya.



Nang humingi ako ng tulong para kay Charlotte nakita ko ang biglang pagbagsak ng kanyang katawan. Namumutla siya at namayat. Nangangalumata at halatang puyat at pagod pero maganda pa rin si Zoe kahit saang anggulo mo tingnan.



Hindi kami puwedeng umalis sa WMU ng sabay kaya inilabas ko na ang kotse at dumiretso sa Tierra Nirvana. Sumunod siya sakay ng taxi. Sa isang Korean Resto kami nagpunta dahil mayroon siyang private room doon . Kinausap ko siya ng sarilinan sa loob at iyak siya ng iyak.



Walang ikinuwento si Zoe. Umiyak lang siya ng umiyak. Matagal ang kanyang iyak habang nakakandong siya sa akin. Hindi ko siya sinaway. Nakahilig siya sa aking dibdib at patuloy kong hinahod ang kanyang likod upang kumalma siya. Yumakap siyang muli at itinukod ang kanyang baba sa aking balikat.



"Benj, salamat..."



"NO problem, Zoe. It's the least thing I can do..." Muli siyang humikbi ngunit tahimik na sa pagkakataong iyon. Wala rin akong inaksayang pagkakataon, hinagilap ko ang kanyang labi at hinalikan ko siya. Napapikit siya at pinilit niyang lumayo.



"Benj, I have to go..." Hawak niya ang braso ko at hindi niya ako binitiwan. Nakasuksok ang kanyang mga daliri sa aking buhok at muli kong napatunayang tulad pa rin siya ng dati. Romantic kisser talaga si Benj. Pero hindi ko nagawang bumigay sa kanya . At hindi rin sa pagkakataong ito. "Benj, no...huwag nating gawin ito."



"Zoe...magsama tayo...tatanggapin ko si Silver."



"Stop it. This is not what I want for you. Gusto kong humanap ka ng karapat-dapat na babae para sa iyo. Look, I am sorry kung nami-misinterpret mo ang mga kilos ko at ang paglapit sa iyo. I shouldn't have done this. Dapat mas naisip ko ang tama at mabuti para sa aking pamilya. "



"Wala naman akong hinihiling kundi ang makasama ka."



"Look at me...Benj, you listen carefully. May asawa ako. Kasal kami ni Oliver...sa mata ng Diyos, malaking kasalanan ang ginagawa ko. Ayokong lumabas na nakikiapid. Ayokong isipin nilang kabit kita. Let's not put our families to shame like this."



"Are you letting me go?"



"Benj, I am sorry. Hindi kita pinapaasa... I just needed a friend this time dahil alam mo kung gaano kamiserable ang buhay ko ngayon. Hindi kita idadamay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung masisira ang buhay mo."



"Pero mahal kita."



"Benj, huwag sa akin. May asawa na ako. Mas lalong magiging komplikado ang lahat. Mabuti kang tao and you deserve a better person than me." Zoe is enough for me.



Akala ko kasi si Zoe lang ang babae sa mundo na puwedeng mahalin. Hindi ko inisip na may babaeng nakatakda para sa akin at hindi pa nagkukurus ang landas namin.



Pagkatapos naming mag-usap, hindi ko na namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa lugar na iyon. Natuto ako ngayon lumuhod at magdasal. Humingi ako ng gabay na liwanagan ang aking ispian sa mga desisyong gagawin ko sa mga darating na araw. Humingi ako ng tawad sa aking maling ginawa at sa pagpupumilit ko sa isang bagay na hindi talaga puwede.



"Diyos ko, patawad...ano ba itong ginagawa ko? Sa halip na makatulong kay Zoe, nagiging sakim ako at hindi ko naisip na makakasira ako ng pamilya kapag pinilit kong sumama siya sa akin. Salamat Lord dahil mabuting tao si Zoe sa kabila ng kanyang pagsubok na nararanasan. Salamat dahil mas matured siyang mag-isip. Salamat dahil mahal niya ang kanyang pamilya. Salamat dahil hindi siya sumama sa akin."



Nakakailang beses na rin akong pabalik-balik sa lugar na iyon. Saka ko napansin ang babaeng iyon. Tahimik lang siyang nakaupo at nakatitig sa malaking krus na nasa harapan naming pareho. Pakiramdam ko ay mabigat ang kanyang dinadala. Walang ginawa kundi i-mental telepathy ang nakapakong si Jesus. Para siyang naghahamon ng ayaw at gustong pababain ang lalaki sa taas.



Lalo akong nalungkot ng makita kong yumuko siya at saka yumugyog ang kanyang balikat. Tuluyan na siyang umiyak.

NOW THAT I HAVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon