BENJ'S POV
Sabado noon at sa sobrang saya ko ay may hang over pa ako sa mga pangyayari. I woke up with a smile Pati si charlotte ay takang taka. Nakangiti ako habang nag-aalmusal. Para akong sunflower na sinikatan ng araw...full of energy ang umaga.
"I wonder what happened to you , Tito."
"Masaya lang si Tito Benj, Charlotte. Just be happy with me."
"I am happy with you."
"Kailan mo ba ipapakilala sa amin ang ipinagmamalaki mong pulis?"
"Nanay, baka hindi po muna kasi may Balikatan Exercise sila sa Palawan at baka abutin sila ng six months doon."
"Uy, Benj. Baka naman amasona yan ha!"
"Hay si Nanay naman. Maka-amasona naman kayo."
"Abah eh sabi mo, pulis tapos sniper na, sa SWAT Team pa...baka naman malaki pa ang katawan niya sa iyo."
"Nanay, kapag nakita ninyo si Jazzy, hindi ninyo aakalaing pulis siya o sniper o kaya ay member ng SWAT Team."
"O saan ang lakad mo ngayon?" Di na ako umimik.
Sosorpresahin ko si Jazzy ngayon. Binigay sa akin ni Miss Ava ang presinto kung saan siya nagtatrabaho. Bandang alas diyes ay huminto ako sa tapat ng kanilang presinto. Dala-dala ko ang magandang boquet ng bulaklak.
"Sir , saan po ito?" Nakasulat doon ang opisina nina Jazzy. Medoy kinakabahan pa nga ako eh. Pinagtitinginan ako ng mga tao...lalo na ng mga lalaking pulis. Nagbubulungan pagdaan ko.
Kumatok ako at binuksan ang pinto.
"Good morning po...May I know where is Miss Jazzy Lane Lorenzo, please?" Alanganin pa ako. Lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Wow, ampogi naman ng bagong delivery boy... Dito...dito ang table ni Miss Jazzy Lane Lorenzo." Sabi ng di katandaang babae.
"Ha a e..." Napakamot ako. Tapos inilahad niya ang kanyang kamay. Akala ko kasi makikipag-share hands siya kaya nakipagkamay ako hahaha...
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
FanfictionWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...