BENJ'S POV
Simula ng mabuking kami ng kuya ni Jazzy, napansin ko na unti-unti na siyang di nakakapagsimba. Matapos ng gabing nasermunan kaming dalawa ng kuya niya pati ang sister- in-law ay nakapagsimba pa rin naman kami. Kaya lang, napaka-awkward ng feeling.
Wala ni isa man sa amin ang nagsasalita habang magkatabi kami. Medyo seryoso ang mood pagdating sa misa. Ako ang di makapag-concentrate. Panay ang sulyap ko sa kanya. Ahhh, what is this feeling? Di ko maipaliwanag. Nandito ang kaba. Nakikini-kinita ko na ang posibleng mangyari.
Pagdating sa peace be with you, medyo seryoso ang mukha niya... ngumiti naman pero di tulad ng dati.
"Anak, nasa edad ka na at hindi kita pipigilan sa ginagawa mo. " Eh parang may ginawa naman akong masama. Sinabi ko kay Nanay ang nangyari. Napailing siya. Hindi niya iyon nagustuhan.
"Bakit kailangan ninyong magkita lang sa simbahan? Baka naman may itinatago sa iyo ang babaeng iyan."
"May dahilan naman siguro siya, Nanay..."
"Sabagay, pulis yun...Mukha bang dalaga? Matinong pulis ba?"
"Nanay, anak po siya ni Gen. Lorenzo, kung matatandaan ninyo..."
"Siya nga ba??? Lorenzo... Lorenzo, saan ko ba narinig ang pangalang Lorenzo..." Isip pa more, Nanay...tapos bigla siyang huminto ng may biglang naalala. " Hay, oo...muntik ng maambush ang mag-anak nila. Mabuti at kasama nila ang kanilang ina...Hay, susme...ang nanay nila eh magaling na sniper...Gonzalez dati ang apelyido nun. Tama ba ako?" Ah hindi ko pa alam ang detalyeng iyon. Kahanga- hanga pala ang mga magulang niya.
Paano ngayon kapag isang araw na lang eh hindi ko na siya makita?
Magkasunod kaming tumanggap ng komunyon ni Jazzy. Nasa likuran lang niya ako. Pero wala pa rin siyang imik hanggang sa lumabas kami ng simbahan.
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
FanfictionWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...