BENJ'S POV
Muli akong nagtungo sa St. Gabriel. Binawi ko na ulit ang dati kong sinabi na sasaluhin ko si Zoe at Silver anytime na makipaghiwalay siya kay Bully Professor. Ambilis magbago ng isip ko dahil ng makita ko si Silver, nakonsensiya ako.
Paano ko maaatim na paghiwalayin ang mag-anak nila? Napakapositibong bata ni Silver kumpara sa kanyang ama. Masuwerte siya kaysa pamangkin ko. Alam ko kung paano maapektuhan ang isang batang tulad nila. Sa kanilang murang edad, tulad ni Charlotte, anong malay nila sa problema ng mag-asawa? Hindi ko naisip na may mga inosenteng kaluluwang tulad nila ang puwedeng masaktan dahil sa paghihiwalay ng magulang. Harap-harapan kong nakita ang saya ni Silver ng makita ang kanyang mommy at daddy...at ako ang hindi nila nakikilalalang kaaway na puwedeng sumira sa pamilya nila.
Tuluyan akong napaiyak. Masyado akong nabulag ng pag-ibig na ito na walang mabuting madudulot kung patuloy kung ipagpipilitan ang gusto ko.
Naisip kong magsimba ng araw na iyon. Hindi lang ako pupunta sa St. Gabriel the Archangel parish para magdasal kundi para magsimba na rin.
Pagluhod ko tuluyang bumagsak ang luha ko na kanina ko pang pinakapipigil-pigilan. Sumuko na ang puso ko sa Diyos at itinaas ko lahat ang masama kong balak. Sinabi ko sa Diyos na tanggalin ang kasakiman sa aking puso at mas panatilihin niya ang pagmamahal dito ng naaayon sa kagustuhan niya. Bumalon ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko napansin na may babae sa tapat ko na nakayuko rin ang tahimik na tumutulo ang luha. Siya na naman... Dinig ko ang pagsinga niya. Sinilip ko siya. Ano bang problema niya? Nagawa ko pang intrigahin ang iaang ito eh halos pareho lang kami ng kalagayan ngayon.
Siya ang babaeng madalas ko doong makita. Mukhang pareho kaming may pinagdadaanan at pareho kaming napadaan dito para magbuhos ng sama ng loob. Nasa kanan ako at nasa kaliwa siya, sabay pa kaming nag-angat ng ulo at tumingala sa krus. Parang gurot na naming pasanin ang krus ni Hesus. Siguro, gusto niya ng katulong, ako sa kanan at siya sa kaliwa.
Naupo ako ako at nakiramdam...pagkatapos niyang umiyak at magpahid ng luha, naupo din siya at muling tumingin kay Jesus na nakapako sa krus. Parang nagmamakaawa na siya ngayon. Kitang kita sa kanyang mga mata.
Nauna siyang lumabas. Susundan ko sana ngunit bigla may tumawag sa akin. Ang guwardiya pala ng simbahan...
"Alam ko na po ang pangalan ng babae... Jazzy Lane Lorenzo daw sabi ng hardinero ni Fr. Pio." Ah okay, Jazzy Lane pala. Sapat na ngayon na alam ko ang kanyang pangalan.
Itinutok ko ngayon ang aking atensyon kay Charlotte at sa aking pagtuturo. I play piano at iyon ang stress-reliever ko. Pagkatapos ng klase ay susunduin ko si Charlotte. Tuturuan ko muna siya sa assignments niya tapos aalis ako para magsimba.
Muli ko din nakita si Jazzy doon. Hangos siyang pumasok para makahabol sa misa. Hinihingal - hingal pa siya, sabay upo.
Tamang tamang kumalembang na ang bell hudyat na magsisimula na ang misa. Panay ang sulyap ko sa kanya...taimtim siyang nanalangin at ganoon din ang aking ginawa. Patuloy kong ipinagdasal ang aking sitwasyon dahil hindi ko iyon kakayanin kung ako lang.
Umupo siya sa paborito niyang puwesto. Muli kaming nagkatapat. Kahit mag-peace be with you ay hindi man lang siya sa aking tumitingin.
Ay, hindi talaga niya ako mapapansin. Balak ko siyang ngitian para hindi naman nakakahiyang basta ko na lang siya lalapitan.
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
Fiksi PenggemarWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...