ZOE'S POV
Umiiyak ako sa dilim.Takot na takot ako. Hindi ko akalaing darating kami sa punto na magsusumbatan kami at pagdududahan ni Oliver ang isang bagay na sa kanya ko lang naibigay. Mas masakit marinig na pinagdududahan niya ang kanyang sariling anak. Parang mali yata ang naging desisyon ko.
Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang sinabi ni Benj ng magkaroon kami ng komprontasyon sa parking lot, masyado kasi siyang umasa kahit wala naman talaga. Ngayon naman ay nalilito ako kung ano ang gagawin ko.
Alam ko ang ikinatatakot ni Oliver. Hindi ko siya masisisi...kahit noong college, alam niyang hindi siya uurungan ni Benj.
"Si Benj ba ang ikinatatakot mo... OO, may nangyari sa amin sa gym pero hindi tulad ng iniisip mo. Ramdam ko, nandoon na kami sa puntong iyon. Alam ko kung ano ang gusto niyang mangyari pero hindi ko ginawa dahil sa iyo. I was hopeless, helpless and loveless that time at si Benj ang sumalo sa kalungkutan ko dahil pinipilit kitang kalimutan. Alam mo kung gaano ako kasaya kay Benj tuwing kasama ko siya palagi mong sinasabi na nilalandi ko siya at kinikilig ako sa kanya , OO kinikilig ako sa kanya dahil crush ko siya pero hindi na ako bata para magka-crush pa ngayon, Oliver. Gusto mo ba akong sumama sa kanya? Willing siya kung sawa ka na sa akin. Sabihin ko lang daw, susunduin niya ako dito. Gusto mo bang iwan ko sayo si Silver para maramdaman mo ang pakiramdam ng wala ang isa sa atin habang kasama mo ang anak mo. GUSTO MO BA? MAGSALITA KA! "
Sinampal ko si Oliver ng ubod ng lakas para matauhan siya. Wala akong dapat ikatakot. Kaya kong hiwalayan si Oliver kung gugustuhin ko.
After several confrontations, Benj came to ask help for his niece, CHARLOTTE MORENA ALBERTO... si Pretty Little Miss. At siya din ang dahilan kumbakit na-bully si Silver, ang anak ko. Ngunit magkagayunman, I didn't turn him down. Anong malay ng bata?
"Kami lang kasi ang nag-aalaga sa kanya" Sabi ni Benj habang binabasa ko ang profile at family history ng bata. Napapatango ako sa sinasabi ni Benj. Iniwan siya sa pangangalaga nina benj. Kapatid na bunso ni Benj ang tatay ni Charlotte. Dahil bata pa ay wala pang balak magseryoso kaya iniwan ng babae ang bata sa kanyang kapatid.
"I think she needs help. Sabi ni Silver, aloof at loner ang pamangkin mo kaya nung time na yun gusto lang naman daw niyang pasayahin si Pretty Little Miss. Eh suplada itong pamangkin mo at kung makasimangot, wagas. Hindi pa naman daw bagay sa ganda ng knayang mukha ang sumimangot sabi ni Silver" Titig na titig lang sa akin si Benj.
"Ganoon ba?" Pero grabe ang titig niya sa akin.
"Hoy, Benj, ano ba? Yung totoo, pamangkin mo ba ang ipinunta mo dito o ikaw mismo ang kailangan ng psychological test?"
"Zoe, kailan ka magpapasundo?" Tanong niya.
"Puwede bang ngayon na dahil pagud na pagod na rin ako?" Sumandal ako sa aking swivel chair. I am just pretending to be okay.
"Zoe..."
"Bakit ka natahimik? I am beginning to regret why I didn't gave you that last chance you been wanting from me before. I was total hurt right now, Benj. Para gumuho an I was making this just for Silver" Dahil hindi ko akalaing lalabas din ang totoong kulay ni Prof. Oliver Watson.
"Zoe..." Nangilid ang luha ko kaya tumingala ako kasi ayaw kong bumagsak ito sa harapan niya. Wala na si Velvet at Warren para sabihan ko ng mga hinaing ko tulad ng dati. Hindi ko kayang magkunwari ng oras na iyon dahil kailangan ko talaga ng taong makakausap at mahihingahan ng sama ng loob.
"Kung naibigay ko ang sarili ko sa iyon noong gabing iyon, wala akong Silver. Baka naging mas masaya pa ako sa piling mo."
"Gusto mo bang pag-usapan natin?"
"Benj...He betrayed me." Isinubsob ko ang aking mukha sa mesa at tuluyan akong umiyak sa harap ni Benj.
Lumabas si Benj at tinungo ang parking lot saka umalis sakay ng kanyang kotse. Matagal akong nakaupo doon at nag-iisip.
"I'll wait for you there... Come and see me. Let's talk... help me and I'll help you out"
May kilalang abogado si Benj. Gusto ko sanang ipakonsulta ang ginawa sa akin ni Oliver. Gusto ko siyang bigyan ng leksyon.
Tumayo ako at umalis ng mas maaga. Baka hindi na ako makabalik sa school. Nakipagkita ako kay Benj, somewhere na malayo at walang makakakilala sa aming dalawa. He is still my crying shoulder. Confident ako sa kanya ngayon. Pero kung ang pagtulong niya sa akin ay pagsama sa kanya, hinding hindi ko iyon gagawin.
Hindi ko balak makiapid. Hindi ko din balak na gawin siyang kabit. It is unfair for him na kumabit sa isang tulad ko na may asawa na samantalang binata siya.
Nagkamali ako ng taong nilapitan. Maari niyang samantalahin ang sitwasyon kaya ng mahimasmasan ako iniwasan ko ng tuluyan si Benj. Nag-usap kami ng masinsinan. Ayokong mabulid kaming pareho sa kasalanan. Baka sinusunog na sa impiyerno ang aming kaluluwa sa ginagawa namin. Lalo na kung pareho kaming magpapadala sa tukso
Ayoko iyong mangyari. May takot ako sa Diyos at mahal ko ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
NOW THAT I HAVE YOU
FanfictionWhen LOVE gets real, Every day is not just ordinary day. I am loved... I wanted to live longer... Now that I have you, Each day is enough to be loved... and to lived a thousand years...