COMMANDMENT #4

43 2 0
                                    

PARENT'S POV

JUSTICE



Naging tahimik sa Jazzy sa sitwasyon nila ni Hugo. Matapos itong magpaalam sa buong angkan ng Lorenzo, sa harap ng kanyang mga kapatid at mga pamangkin na manliligaw siya kay Jazzyy ay nabalitaan na lang namin na ikakasal na si Hugo sa iba.



Hindi namin nakausap si Jazzy kung ano ang nangyari. Pero sa sinabi ni Guineverre na iyon ay isang sitwasyon na hindi nila kontrol dahil lasing silang pareho ni Beatrix kaya nangyari ang lahat.



"Hindi na namin nakausap si Jazzy. Hindi na kami nakahingi ng despensa sa nangyari." Iyon ang huli naming pag-uusap.



Nag-alala din si Lemuela dahil tatlo na nga lang kami dito sa mansion tapos ganito pa ang mangyayari. tahimik kaming kumakain, hindi tulad nung dati ...nandito pa ang mag-anak ni Lee, sina Leeah at Ava.



"Nakausap mo na ba ang anak mo?" Tanong ko kay Lemuela.



"Justice, let's give her time to speak out. Alam mo, first time niya sa mga ganyang bagay. Hindi mo kaagad mapapakuwento si Jazzy, unless siya ang unang nagsalita."



Pero , ayokong malungkot si Jazzy kaya hinintay ko siya. Gabi na rin at kaaakyat lang ni Lemuela. Nanuod kasi kami ng telebisyon at pagkaminsan ay sinisilip ang kalagayan ni Nanay Thelma. Matanda na si Nanay at masasakitin. Hindi na siya masyadong nakakalabas sa kanyang kuwarto. Sa baba ang kuwarto niya. Ayaw daw kasi niyang umakyat pa sa second floor.



Nagmamadala pa si Jazzy na umakyat pero hindi niya ako napansin sa sala.



"Jazzy..."



"Papa, bakit gising pa po kayo? Si Mama? Di ninyo kasama?"



"Iha, let's talk..." Hindi ko na mahihintay na magsalita siya. Dapat yata ay noon ko pa siya kinausap.



"Papa, bakit po?" Akala niya siguro ay kung ano na ang problema.



"Wala ito. Nag-aalala lang ako sa iyo. Kumain ka na ba?"



"Opo...nagkayayaan sa tapsihan kanina ang buong tropa at sumama din po akong kumain kasi nagutom na rin ako."



Umakyat na kami sa taas dahil alam kong pagod na siya. Pag-upo namin sa kanyang kama, saka bumuhos ang luha ng aking anak.

NOW THAT I HAVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon