Today is Valentine's Day, kahit saan ako lumingon ay may mga couples. Nakaholding hands, PDA dahil walang lugar ang pagtutukaan nila.
Okay, ako na ang walang girlfriend!
After I broke up with my last girlfriend ay hindi na ako tumitingin sa ibang babae.
My heart broke twice kaya ayaw ko na sa ganyang bagay. Pero as if naman bitter ako sa tuwing nagsasapit ang araw ng puso. Hindi ako ganoon. I don't really care.
Inayos ko na muna ang kurbata na suot ko bago pumasok sa korte dahil may kaso ako na kailangan asikasuhin ngayon at papalanuhin. Pagkapasok ko sa loob ay kinausap ko ang aking defender na wala siyang ipagaalala dahil kahit paano ay gagawa ako ng paraan para sabihin sa batas sa hindi siya guilty sa nangyaring krimen.
"Your honor, maraming witness nagsasabi na siya lang ang huling kasama ng biktima." Sabi ng babaeng prosecutor. I don't care her name dahil panira siya. Kailangan ko maipanalo itong kaso.
"Objection, your honor. Wala kayong malakas na ebidensya na isang guilty ang aking defender at pwedeng gawa gawa lang ng mga witness ang kwento para ipalabas na guilty ito. O pwede rin may galit sila sa kanya."
"Exactly! That's my point, atty. Tan. Dahil iyang defender mo ay isang mamatay tao. He killed his wife."
"You don't have any proof that he can really killed his wife. Kung meron kang katibayan, show us." Paghahamon sa prosecutor pero hindi na ito sumagot pang muli. "You don't have any proof because he is not our killer. Marami ang pwedeng maging prime suspect sa kasong ito."
Pagkatapos ng 2nd day of my hearing ay niluwagan ko na ang kurbata ko bago lumabas sa korte dahil binalik na sa kulungan ang defender ko.
Dahil kailangan makahanap ako ng matibay na ebidensya ay pumunta ako sa crime scene kung nangyari ang pagpatay sa asawa ng defender.
"Atty. Tan." Nagsalute sa akin ang isang police officer.
"I'm here to get more evidence of this case."
"Sige po. Pwede kayo pumasok sa krimen." Sabi nito.
Yumuko ako sa ilalim ng yellow tape na palagi nilalagay ng mga pulis kapag may crime scene nagaganap. Pagkapasok ko sa loob ay abala ang nga investigator sa paghahanap. Nagsuot na rin ako ng gloves para walang kahit anong fingerprints maiiwanan sa crime scene.
"Nakita namin itong mug ng biktima." Sabi ng isang forensic investigator sa police chief.
"May fingerprint ba diyan sa mug?" Tanong ko sa forensic.
"Yes, attorney. May nakita nga akong fingerprint dito pero hindi kay mr. Ruiz o sa biktima." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng forensic. Napaisip na rin ako doon.
"Atty. Tan, ibig noon may iba pang tao pumunta rito bago nangyari ang krimen." Sabi naman ng polife chief.
"May punto kayo diyan, sir pero wala tayong ebidensya kung sino pa pumunta rito bago ang krimen." Tugon ko naman habang nagiisip.
"Kailangan kong kausapin si mr. Ruiz para alamin ang tungkol dito. Baka may alam siyang bumisita sa asawa niya bago patayin ito."
Tumango lang sa akin ang police chief bago pa ako umalis sa crime scene. I'm not a detective nor police officer but I need to find more evidence for this case.
Habang papalapit ako sa kotse ko ay may isang sasakyan ang pumarada sa tapat ng crime scene. That car. Prosecutor Mikaella Leanne Xavier, that annoying prosecutor I've ever met in the entire of my life.
"What the hell!" Nagulat pa siya pagkakita niya sa akin. Nakataas lang ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"Are you spying on me?"
"Pardon? Ni hindi ko nga alam dederetso ka sa crime scene pagkatapos ng hearing kanina."
"I need to find more evidence that my client is not guilty." Pinagkrus ko ang aking mga braso habang nakataas pa rin ang isang kilay ko.
"Let see, atty. Tan. Papatunayan ko sayo siya ang prime suspect sa krimen."
"Then, I will prove it he is an innocent. Napagbingtangan lang sa kasong hindi naman niyang ginawa. Dahil maling abogado ang kinalaban mo, ms. Xavier because I'm atty. Caleb Tan, wala pang kasong tinalo."
"Then, this case is mine."
"Are you asking me to challenge you? Game on, ms. Xavier. I will play your own game." Ngumisi ako sa kanya dahil wala akong uurungan at alam kong malakas ang ebidensya na makukuha ko ngayon.
Hindi na niya ako pinansin dahil pumasok na siya sa loob ng crime scene pero bumalik ulit ako sa loob.
"Chief, ano na pong balita dito?"
"Ma'am, ayon sa forensic ay hindi match ang fingerprint ng suspek sa mga nakikitang gamit dito na pwedeng---"
"What?! No, no. Baka nagkakamali lang kayo."
"Hindi po kami nagkakamali dahil dinobol check pa ng forensic at pareho lang ang resulta."
"I can sense I gonna win this game, ms. Xavier." I mocked her kaya yung mukha niya ay sobrang inis sa akin.
"This is not over yet, atty. Tan because this case is not over yet." Halatang ang pagkainis sa boses niya.
"Tanggapin mo na lang pagkatalo mo sa susunod na hearing." Ngumisi na muna ako bago lumabas ulit. Sumakay na ako ngayon sa kotse ko at pinatakbo ko na ang makina. Gusto ko na rin ang umuwi sa bahay at mgpahinga.
Kinabukasan....
Maaga ako pumunta sa prisinto para kausapin ang kliyente ko.
"Good morning, mr. Ruiz."
"Good morning, attorney. Musta na po ang paghahanap niyo ng ebidensya? May chansa pa po ba akong makalaya rito?"
"Yes, malaki ang natuklasan ko kagabi pagkapunta ko sa crime scene. Ayon sa mga forensic hindi tugma ang fingerprint mo sa krimen. Ibig sabihin may iba pang tao ang pumatay sa asawa mo."
"Alam kong naniniwala kayong inosente ako kaya tinutulungan niyo ko sa kasong ito at hinding hindi ko iyon magagawa sa asawa ko."
"That's why I'm here dahil may mga katanungan ako sayo."
"Ano iyon?"
"May inaasahan bang bisita ang asawa mo bago nangyari ang krimen?"
"Hmm, meron po."
"Ano ang pangalan niya? At ano ang relasyon niya sa asawa mo?"
Malapit ko na mabuo ang puzzle ng krimen na ito. Malalaman ko na kung sino talaga ang prime suspect sa krimen.
"Hindi niya sinabi sa akin kung sino ang pupuntang bisita niya noong araw na iyon pero alam kong may bisita siya."
Yung ngiti ko kanina ay biglang naglaho dahil may puzzle piece pang hindi mahanap hanap.
"Okay, let meet on your next hearing. Maghahanap lang ako ng iba pang ebidensya para maipanalo natin ang laban na ito."
~~~~~
Heto na po ang story ni Caleb. :)
Best rivals po sila haha
And ms. QueenDark16 welcome sa pagsali and thank you :)
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Justice Of Love
RomanceCaleb is one of Aya's friend. Noong high school pa lang sila ay may paglihim na si Caleb sa kanya kaya may balak siyang ligawan ang babaeng mahal niya pero nireject lang nito hanggang sa naghiwalay na sila pero ni minsan ay hindi siya sinasagot ni A...