Chapter 3

917 43 0
                                    

I woke up I'm in a dark place or room. Pinipilit ko igalaw ang mga kamay ko pero pakiramdam ko ay nakatali ang mga kamay ko. Napatingin naman ako sa kasama ko.

"Hey, wake up." Bulong ko baka kasi nasa paligid lang ang may gawa nito sa amin.

"Nng..." Nagkakamalay na siya at nang nakamalay na ay napasinghap siya. "Nasaan ako?"

"I don't know. Madilim ang paligid natin kaya wala akong ideya kung anong lugar ito."

"It's your fault, atty. Tan."

"I know and I'm sorry. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi na lang kita sinama sa plano ko."

May hinala na ako kung sino ang pwedeng gumawa nito at hindi ako pwedeng magkamali. Si Jim Cruz na pwedeng maging prime suspect sa krimen.

"What should we do now, Caleb?"

"Wait. Nagiisip ako ng plano." Nililibot ko ang paningin ko dahil medyo nagkakaroon na ng liwanag sa paligid hanggang may nakita akong basag na salamin nasa lapag. Kung makakuha ko iyon pwede ako putulin yung tali.

Dahan-dahan ako lumalapit sa basag na salamin para kunin iyon.

"What are you doing?" Tanong ng kasama ko sa akin.

"Tatakas." Pinipilit kong kunin ang isang basag na salamin gamit ang isang paa ko.

"What? Iiwanan mo ko rito?"

"You're my rival kaya bahala ka sa buhay mo." Ngumisi ako habang nakatalikod. Siyempre, hindi ko naman hahayaan iiwanan ang isang babae rito.

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at dahan-dahan ko ng pinuputol ang tali sa kamay ko.

Yes! Konti na lang.

Napansin ko ang pagbukas ng pinto sa liwanag nagmumula sa labas.

"Caleb." Bulong na tawag niya sa akin.

"Mabuti naman gising na kayo pareho." Nakatingin lang ako sa taong nagsalita sa harapan namin. Kung hindi ako nagkakamali siya na yung prime suspect namin.

"What do you want from us?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Isa lang naman ang gusto kong mangyari sa inyong dalawa ng kasama mo, eh. Ang mamatay!" He laughed like a psychopath.

Narinig ko naman ang paglunok ni Mika. Tumingin ako sa kanya na para bigyan siya ng Trust-Me-Look. Hindi ko nga lang alam na magtitiwala siya sa akin. Dapat kasi maging handa na siya na pwede maging ganito ang buhay niya dahil marami ang may galit sa mga pulis lalo na sa mga lawyer.

"So, inaamin mo ikaw ang pumatay kay mrs. Ruiz?"

"Yes, yes! Hindi ako papayag maging masaya siya kasama ang lalaking iyon."

"If you love her, why did you killed her instead of mr. Ruiz?" Tanong naman ni Mika.

"Gusto ko sa kanya mapagbintangan ang lahat na ginawa ko kahit ang pagpatay sa asawa niya." He laughed again. Baliw na ang lalaking ito. Hindi dapat sa prisinto ang baksak nito, kundi sa mental hospital.

Hindi ko pwedeng ituloy ang ginagawa ko kanina baka may baril siya o kahit anong pwedeng mapanganib sa amin. Kung ano lang sana ang nandito kaya kong protektahan ang sarili ko pero nandito si Mika na kailangan ko rin protektahan.

Mabuti na lang at lumabas na ang baliw na iyon kaya inaabot ko kay Mika ang hawak ko para makatakas na siya.

"Ano ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.

"Iwanan mo na ako rito at tumakas ka na habang hindi pa siya bumabalik rito. If you want me to be rescued, call chief Remuel."

"Hindi ko kayang iwanan ka."

"Damn it. Just do it, Mika. We don't have time for a chitchat. Isipin mo lang ang kaligtasan mo, hindi ang kaligtasan ng ibang tao. Kapag nakatakas ka na doon mo na lang isipin kung ako ililigtas."

"Saan naman ako tatakas?"

"Use that window. Sa tingin ko nasa basement tayo kaya hindi mo kailangan tumalon ng mataas at kakasya ka naman diyan kumpara sa akin."

Nang natanggal na niya ang tali sa mga kamay niya ay agad siyang tumayo.

"Babalikan kita." Sabi niya at tumango ako sa kanya.

"I trusted you."

Lumusot na siya sa bintana para makatakas. Sana makatakas siya na hindi napapansin ng baliw na iyon, matawagan niya sana si chief Remuel para makaligtas ako ng buhay rito.

Ilang sandali ay bumalik na ang baliw na lalaki sa loob ng isang kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Nasaan na ang kasama mong babae?" Hindi ko siya sinagot dahil nakapikit lang ako at magdadasal na sana makalayo na si Mika rito. "I see... Iniwanan ka niya at tumakas na hindi ka man niya tinulungan makalaya. Anong klaseng kai--"

"She is not my friend. She is my rival at work kaya talagang wala siyang pakialam kung mamatay man ako rito o hindi. I have only 2 choice. Ang mamatay ako rito na walang kalaban laban sa katulad mo o makakatakas rin ako pero babarilin mo naman ako ng hawak mong baril."

Ayun! Natanggal ko na rin.

Agad naman ako tumayo pero tinutukan naman niya ako ng baril.

"Subukan mong lumapit sa akin at puputukin ko ito sa bungo mo!"

Tuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya para agawin ang baril niya. Ayaw talaga niya paawat kaya tuloy pa rin ang pagaagaw ko sa baril hanggang sa pinindot niya ang gatilyo ng baril.

Napahawak ako sa may tyan ko dahil ako ang nabaril. Hanggang sa nanghihina na ako at nawalan ng malay.

Namulat ako ng mga mata pero puro puti ang nasa paligid ko. Patay na ba ako?

"Caleb..." Napatingin ako sa nagtawag sa akin. Si Mika. "Salamat naman gising ka na."

"A-Ano ang nangyari? Ang naalala ko ay nakipag agawan ako ng baril sa kanya hanggang naputok ang baril kaya sa akin tumama."

"Noong nakatakas ako kanina ay tinawagan ko agad yung police chief na sinasabi mo pero ang tagal nila dumating kaya bumalik ako agad sa warehouse kung saan niya tayo dinala hanggang dumating na rin ang mga pulis at hinuli na nila si Jim Cruz. Ang akala---"

"Caleb!" Napatingin ako sa bagong pasok. Si Callie, ang kakambal ko.

"Sis-- Ugh!" Napahawak ako sa sugat ko dahil ang sakit.

"Tinawagan ako ni Alex kanina na sinabing dinala ka rito na duguan kaya agad akong pumunta rito. Iniwanan ko pa sa bahay ang kambal dahil sobrang taranta ko."

"Callie, relax. Buhay pa ako ngayon at mabuti na lang sugat lang ang nakuha, hindi ang buhay ko."

"Huwag kang magsalita ng ganyan, kambal. Teka, tatawag lang ako ng doctor para alamin ang kalagayan mo." Lumabas na ng kwarto si Callie.

Simulang namatay ang parents namin dahil sa plane crash ay ako na magisa sa bahay. May sariling pamilya na si Callie kaya hindi ako pwedeng umasa sa kapatid ko.

"Sa tuwing kasama kita ay nagkada malas malas ako." Napatingin ako kay Mika.

"Malas pala akong tao kaya walang nagmamahal sa akin maliban sa kapatid ko."

"Pero ang mabuti ay gising ka na kaya uuwi na ako." Tumayo na ito sa pagkaupo niya sa couch. "At nakalaya na si mr. Ruiz dahil nalaman na rin ng batas na hindi talaga siya ang killer. You win this time pero sa susunod akin na."

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Justice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon